Chapter 15

1.2K 58 3
                                    


Umuwi si Ruru at isinama na n'ya si Kylie para ipagtapat ang pagpapakasal nilang dalawa sa kanyang mga magulang.

"ANO???!!!!!!!!!!?" gulat na sagot ng ina ni Ruru sa pagtatapat nila na sila'y nagpakasal na.

"Ma, biglaan po eh." Mahinahong sagot ni Ruru.

Nakayuko lang si Kylie at hindi makatingin sa mga magulang ni Ruru.

"BIGLAAN?! ABA'Y Talagang biglaan! Hindi mo ba kami naisip bago mo naisipang mag-asawa?!" may galit na tanong ng kanyang ina, na pilit kinakalma ng kanyang ama, "HINDI BA KAMI KASAMA SA MGA PANGARAP N'YO?!! ANO KAME? WALA LANG??"

"AT IKAW BABAE KA," sigaw ni Mrs. Gonzalez kay Kylie, "hindi mo man lang ba naisip na isama kami sa mga plano n'yo? HINDI NA KAYO NAHIYA!!! HINDI N'YO NA KAMI IGINALANG!"

Napatingin lang si Kylie sa ina ni Ruru na 'di alam ang dapat at tamang sabihin.

"Ma, wala po s'yang kasalanan dito." Pagtatanggol ni Ruru sa asawa.

"Buntis ka ba ha?!!! Buntis ka ba???!!" sigaw na tanong ni Mrs. Gonzalez kay Kylie na parang hindi narinig si Ruru.

Umiling sina Kylie at Ruru, "Hindi po." mahina at natatakot na sagot ni Kylie.

Umiyak na ang ina ni Ruru, "akala ko pa naman, napalaki ka namin ng maayos." Saka nag walk-out si Mrs. Gonzalez.

"Pa..." Habol ni Ruru sa ama na susunod dapat sa kanyang ina.

"Anak, masama ang loob ko, dahil sa pambabalewala mo sa amin, pero wala na akong magagawa eh, kasal na kayo, ala namang sabihin kong maghiwalay pa kayo... Saka anak kita, hindi kita matitiis." Sagot ng kanyang ama, "bigyan mo lang ng kaunting panahon ang Mama mo, sobrang nagtampo lang 'yun sa'yo dahil sobrang close naman kayo pero wala ka man lang nabanggit sa kanya na kahit na ano sa plano mong pagpapakasal. Saka Kylie, iha, pasensya ka na sa Mama mo ha, mabait naman 'yun, nabigla at nasaktan lang kaya ganyan."

"Ayos lang po." Nakayukong sagot ni Kylie na hiyang-hiya pa rin.

Saka sumunod si Mr. Gonzalez sa asawang masama ang loob. Nagpalakad-lakad naman si Ruru na hindi mapakali.

"S-Sana sinabi na lang natin 'yung totoo Ru, na---" nabitin na sabi ni Kylie.

"Alam na ng lahat sa Station 3, malamang ganun din sa Station 1 kung saan nanggaling ang Daddy mo, pati ang buong pamilya mo alam na, at ang mga malalapit na kaibigan ng pamilya mo, ano'ng gusto mong gawin natin?" mahinahong tanong ni Ruru.

Napahinga na lang si Kylie na hindi alam kung ano'ng isasagot.

"Eh hanggang kailan natin paninindigan 'to?" tanong ni Kylie.

"Palipasin lang natin. Tapos nun, saka tayo maghiwalay. Basta para hindi na lang din mapahiya ang Daddy mo sa mga nasabihan na n'ya. Ano ba naman 'yung mga ilang linggo." Sagot ni Ruru.

"Of couse, you're right. In a few weeks, we can tell them that it's over. Na hindi talaga tayo nagkasundo. Yes. Tama." Dugtong ni Kylie.

"Kuya...?" sabi ng boses ng isang bata.

Agad na napatingin sina Ruru at Kylie sa batang papalapit sa kanila.

"Kim?" lapit ni Ruru sa kapatid na bunso saka niyakap.

"Bakit naiyak si Mama? At bakit s'ya galit na galit kanina?" Tanong ni Kim.

"Ahh...may hindi lang kami napagkaunawaan ni Mama." Sagot ni Ruru.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now