Nag dinner sa isang restaurant sina Ruru at Dianne, at doon ay masaya silang nag uusap. Tawa sila ng tawa, nagre-reminisce ng mga nangyari dati.
"Buti pumayag ka pa rin makipag date sa akin!" biro ni Dianne.
"Kahit alam kong mahal na mahal mo pa ako?" sabat ng pilyong si Ruru.
Napatawa si Dianne, "Ikaw lang naman ang minahal ko eh."
"Yian, you're my best friend." Sagot ni Ruru, "kahit 'di tayo nagkatuluyuan, at least, friends tayo. Hindi 'yun magbabago!"
"Thanks! Thankful pa rin ako sa friendship. Cheers to that!" Sagot ni Dianne.
"Welcome! Syempre ako rin. Yeah! Cheers!" sagot ni Ruru.
At nagtuluy-tuloy ang kanilang masayang conversation. At ipinagtapat rin ni Ruru ang tunay na istorya ng pagkakakasal nila ni Kylie ng aksidente.
"Ahh... I see." Sagot ni Dianne na medyo naging masaya sa narinig, "halatang mahal mo s'ya kahit 'di talaga kayo nagpakasal ng plano."
"Actually I do!" sabi ni Ruru na blooming ang itsura.
"Sana pala, ako na lang ang kunyaring nagpakasal sayo!" biro ni Dianne.
Tumawa si Ruru, "kung hindi lang ako sanay sa mga banat mo Yian, baka isipin kong kaya ka bumalik para makuha 'ko ulit!"
Nagtawanan silang dalawa.
***
Samantala, sa dinner nina Kylie, si Bob lang ang madalas na nagsasalita. At napansin naman ni Bob na wala sa sarili si Kylie.
"Si Ruru ang iniisip mo 'no?" tanong ni Bob.
Nanlaki ang mga mata ni Kylie at nagbalik ang malay, "Huh?" gulat na tanong ni Kylie na nadagi pa ang inumin n'ya pero agad din naman n'yang naitayo, "O-Of course not!"
Napangiti si Bob at nanahimik na lang, "pagod lang ako!" dugtong ni Kylie.
"Ahh... Okay! Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Bob.
Um-oo si Kylie saka inihatid na ito ni Bob pauwi.
YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Short StoryHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.