Chapter 14

1.1K 45 4
                                    


Sabay na dumating ng HQ sina Ruru, na nakasuot ng shades at cap, at Kylie.

"Wow! Talagang sineseryoso n'yo na talaga ang pagiging mag-asawa n'yo ah!" biro ni Shirt.

"Oh Sir, ang taas ng tirik ng araw ah!" biro ni Art.

Tinanggal ni Ruru ang shades at cap na suot.

Nagimbal ang lahat sa mga pasa ni Ruru sa mukha.

"Sir Pogi!!! Napuruhan ka ata ni General!" sabi ni Timothy.

"Di naman ata halata Timoy!" natatawang sagot ni Kylie kay Timothy, "sa Saturday ang pag ge-gate crash natin kaya pag-uusapan na natin 'yun." saka pumasok ng office n'ya si Kylie.

"Nakuha pa 'kong ibenta nun ah!" tukoy ni Ruru kay Kylie, "Ako na nga 'tong napuruhan."

"Yaan mo Sir, guwapo ka pa din naman!" bawi ni Nina, "pero mas bugbog ka compared kay Sir Bob noon!" natatawang dugtong ni Nina.

"Aba, eh 'yung si Sir Bob, boyfriend pa lang ni Ma'am noon, eh si Sir Pogi, pinakasalan agad ang anak n'ya, nang hindi man lang nagpaalam! Syempre, mas malupit ang aabutin ni Sir Pogi kay General." Sabat ni Timothy.

"Actually, inexpect ko na nga po na 'di ka na makakabalik pa, dahil nabaldado ka na po, Sir." Biro ni Vince.

Nagtawanan ng parang walang bukas ang lahat.

Pumasok si Chief Aps sa HQ ng SEX-CIT na hindi mapakali.

"Team, ayusin n'yo ang sarili n'yo at lumabas kayo ng HQ, dahil may bisita tayo, ipapakilala ko ang team ng SEX, ang pinakamagaling kong team sa Station 3 sa kanya." Nagmamadaling sabi ni Chief Aps.

"Sir, bakit po sila lang?" may tampong sabat ni Maggie.

"Hindi naman, pero kasi---" napatingin si Chief kay Ruru, "Gonzalez? Are you alright? What happened to you?"

Napatingin ang lahat kay Ruru, napatawa ang buong SEX-CIT. Pinanlakihan na lang ni Ruru ng mata ang lahat.

"Nag training po kami Sir, ako, laban sa buong team, napuruhan po ako!" palusot ni Ruru.

"Ahhh... Okay. Lumabas na kayo agad ha." Sabi ni Chief saka lumabas ng HQ ng SEX-CIT.

"Ikaw laban sa lahat ha???" sabat ni Art saka tumawa na binato lang ni Ruru ng cap na suot kanina.

"Ang daya, kayo lang ang ipapakilala! Biased!!! Hmp!" may tampong sabi ni Mae.

Lumabas si Kylie ng office nila, "Sino 'yun?" tanong n'ya.

"Si Chief Ma'am, may bisita raw po. Lumabas na raw po tayo at ipapakilala." Sagot ni Art, "Mukhang bigatin, kasi excited si Chief." Natatawang dagdag ni Art.

Lumabas na ng HQ ang buong team at tumungo sa Main Lobby, at nakita nilang nasa labas rin ng kani-kanilang mga HQ ang lahat ng Teams ng Station 3 pati si Chief Aps at may kasamang isang lalaking halatang may mataas na katungkulan.

"Si General!!!" sabay-sabay na bulong ng CIT.

Napatitig ang Team SEX kay General, kinabahan si Ruru gayun din ang buong SEX-CIT, napangiti si Kylie nang makita ang itsura ng buong team sa kaba.

"Sir Pogi, father-in-law mo!" may kabang pagbibiro ni Timothy.

"Shut up!" kinakabahang bulong ni Ruru.

"Team, I want you to meet General Alfredo S. Figueroa." Panimula ni Chief sa lahat ng teams ng Station 3.

Daldal ng daldal si Chief Aps at ipinagmamalaki ang galing ni General. Mga ilang minuto rin ang lumipas.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now