Chapter 29

1.2K 44 0
                                    

Tumulong muna si Ruru sa negosyo ng pamilya n'ya nang mawalan ng trabaho para makapagpahinga bago tuluyang tanggapin ang alok ng NBI.

Pagkauwi ni Ruru galing sa trabaho, pumasok ito sa kwarto nila at nakita n'ya ang asawa na nagta-type sa laptop n'ya. Lumapit s'ya dito para humalik.

"I'm home." Bulong ni Ruru sa asawa pagkahalik.

Ngumiti lang si Kylie at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Lumakad si Ruru papunta sa cabinet at tinanggal ang suot na polo at naghanap ng t-shirt na isusuot.

"Namimiss na tayo nina Mama, sana raw mapadalaw tayo sa bahay." Sabi ni Ruru kay Kylie.

Tumingin si Kylie kay Ruru, "Sige, sige! Busy pa rin kasi, pero makakadalaw din tayo!" sagot ni Kylie.

Nang mahanap ni Ruru ang t-shirt na isusuot isinara n'ya agad ang cabinet at napatingin ito kay Kylie.

"Bakit ka natatawa?" tanong ng nagtatakang si Ruru.

Tumayo si Kylie at pumunta sa tapat ni Ruru saka humawak sa braso ng asawa.

"You know. Gustung-gusto nina Booba, Maggie--- well, lahat ng babae sa team 'yang katawan mo! Sexy ka daw!" sagot ni Kylie na natatawa.

Napangiti si Ruru, "Oh!? Wow!" sagot ni Ruru na nakatitig kay Kylie, "Eh Ikaw?!"

"Eh hindi namanmaganda katawan mo no!"biro ni Kylie."Ganun ha?! Halikanga dito!" sabat niRuru.

Binitawan ni Ruru ang hawak na t-shirt saka hinalikan si Kylie.

***

Noong Linggong 'yun ay dumalaw rin kaagad ang mag-asawa sa bahay ng mga magulang ni Ruru.

"Mabuti naman at napadalaw kayo mga anak!" sabi ni Mrs. Gonzalez habang nakaupo sa may labas ang buong pamilya at nag uusap-usap at nagkakainan.

"Busy lang po si Kylie, at ako, ito inaasikaso ko ang pagpasok ko sa NBI at naging busy rin po ako kasi nung tumulong ako sa business natin." Sagot ni Ruru, "mabuti na rin po 'yun, halos dalawang buwan na rin naman akong nakapagpahinga."

"Nga pala anak, nalutas na ba nung Bern na 'yun, 'yung case na kinuha n'ya sa inyo?" tanong ng Papa ni Ruru.

Umiling sina Kylie at Ruru, "Three months daw po, may 1 month pa sila para malutas 'yun. Tingnan natin Pa." sagot ni Ruru.

"Nga pala Kuya, dumalaw dito si Ate Yian ah!" sabat ni Jamie, "ang saya nga eh!"

Napatingin si Kylie kay Jamie, medyo nahiya naman si Jamie sa sinabi.

"Ex-girlfriend ni Kuya 'yung si Ate Yian, Ate Kylie." May hiyang bulong ni Matthew.

"Ahh... Kilala ko s'ya! Nagkakilala na kami!" nakangiting sabi ni Kylie.

"Nag gala kami nina Ate Yian nung isang araw! Nakakamiss lang!" sabat ni Matthew na medyo mahina.

"Wow! That's great!" sagot ni Ruru habang kumakain.

Nananahimik lang si Kylie sa buong pag-uusap nila tungkol kay Dianne. Napansin ni Matthew ang pananahimik nito.

"Ate Kylie, nananahimik ka, 'wag ka mag-alala, mas mahal ka ni Kuya!" biro ni Matthew.

"Huh?" napatawa si Kylie, "Okay lang ako."

"Wala ka kasing kibo anak." Sabat ni Mrs. Gonzalez.

"Wala lang po ako masyadong alam kay Dianne, Ma, eh." Depensa ni Kylie.

Kumbinsido naman ang lahat sa sagot ni Kylie at sakabumalik sila sa masaya nilang kuwentuhan. Nang lumalim na ang gabi ay umuwi narin sa kanila sina Ruru at Kylie.    

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now