Sa bahay ay alagang-alaga si Ruru ni Kylie. Umiinom ito ng gamot sa tamang oras, kumakain ng tama pati nang nasa oras. Kahit madaling araw ay si Kylie ang gumigising para painumin ito ng gamot, madalas mag half-day si Kylie 'pag 'di naman ganoon karami ang gawain sa HQ para mabantayang mabuti ang asawa, kahit nasa opisina ay maya't-maya ang tawag nito kay Ruru para kumustahin na ikinakikilig ng buong team na nakakarinig sa kanila, ang iba ay tumatawag pa kay Ruru para tuksuhin ito. Bago umuwi si Kylie ay bumibili pa ito ng mga prutas at ng mga hinihiling ni Ruru para iuwi sa kanya.
Minsan isang gabi habang nanonood sila ng TV biglang nag-ring ang cellphone ni Kylie.
"Figueroa..." sagot ni Kylie sa phone.
"Bob? Kumusta na?" tanong ni Kylie kay Bob na nasa kabilang linya.
"Sorry, busy kasi ako! May sakit pa rin kasi 'tong si Ruru." Sagot ni Kylie, "Sorry talaga. Tomorrow? Titingnan ko ha. Saka 'di ko pa rin iniiwang mag-isa 'to eh"
Napapangiti si Ruru sa mga sinasabi ni Kylie.
Nang maibaba ni Kylie ang phone, "O, bakit ka nakangiti d'yan?" tanong ni Kylie.
"Huh? Ako? Hindi ah! Nakakatawa kasi 'tong pinapanood ko." palusot ni Ruru.
"Anong nakakatawa? Eh drama 'yang pinapanood mo 'no!" sabat ni Kylie.
"Eh sa natatawa ako eh!" palusot ni Ruru na lalong lumaki ang ngiti.
"Anyway, Ru, matulog ka na." nakangiting sabi ni Kylie saka inagaw ang control ng TV na hawak ni Ruru.
"Ang aga pa!" sagot ni Ruru at inagaw pabalik ang control at nanood ulit ng TV.
"Mabibinat ka n'yan eh." Sabi ni Kylie.
"Di 'yan." Nakangiting sagot ni Ruru, "s'ya nga pala, kumusta na si Bob?"
"Ayun, may sakit din. Di ko pa nga alam kung ano'ng sakit at wala naman akong oras makapunta sa kanya." Sagot ni Kylie na nakikinood na rin.
"Ahem! Ikaw? Walang oras para sa MAHAL mong si Bob?" sagot ni Ruru na nang-aasar.
"Busy ako sa office, tapos 'pag naman 'di masyadong busy dun, busy naman ako dito sa bahay at may sakit ka pa." sagot ni Kylie habang nanonood.
"Bakit 'di si Bob ang alagaan mo?" tanong ng curious na si Ruru.
"Ikaw ang asawa ko kaya ikaw ang aalagaan ko." Sagot ni Kylie saka napatingin kay Ruru na napangiti ng sobra, "O? Nakangiti ka na naman d'yan? Hindi naman nakakatawa 'tong pinapanood natin!"
Napatingin si Ruru sa asawa, "Masama bang ngumiti? Eh natatawa ako sa pinapanood natin eh!"
Napangiti na lang din si Kylie at nagpatuloy sa panonood ang dalawa hanggang sa lumalim na ng husto ang gabi, pinatay na ni Kylie ang TV at wala nang nagawa pa si Ruru.
"Tulog na!" utos ni Kylie kay Ruru saka humiga na.
Humiga na sila. Hinawakan ni Kylie ang leeg at noo ni Ruru, "Wala ka nang lagnat, pero magpahinga ka pa rin at baka mabinat ka. Saka tuluy-tuloy ang gamot mo." Sabi ni Kylie.
Tumango lang si Ruru. Tumalikod na si Kylie sa asawa para matulog.
"K-Kylie..." bulong ni Ruru.
Humarap si Kylie kay Ruru, "Yup?" tanong nito..
"Thank you ha." Malambing na sabi ni Ruru kay Kylie.
YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Short StoryHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.