Chapter 19

1.4K 54 11
                                    

Alas siyete pa lang ng umaga ay nasa SEX-CIT HQ na ang lahat at nagpe-prepare ng mga dadalhin sa kanilang 3-day training/seminar na gaganapin sa Station 1. Nakaupo si Kylie sa couch at halatang exhausted at antok na antok.

"Ma'am, ayos ka lang po ba?" tanong ni Janice.

Tumingin si Kylie sa kanya at bahagyang ngumiti, "Kulang na kulang ako sa tulog eh." Sagot ni Kylie, "Hindi kasi ako makatulog. Hindi ako sanay ng may katabi, tapos ang likut-likot pa ni Ru matulog, at lagi pa akong nadadaganan."

Nagtawanan ang lahat ng nakarinig.

"Parating nadadaganan? Parating nakaka score si Sir!" pabirong sabat ni Firsty.

"HOY! Hindi 'yang iniisip n'yong pag dagan." Sabat ni Kylie.

Napatawa lalo ang lahat sa defensive na sagot ni Kylie.

"Eh bakit po kasi kailangang magtabi kayo?" tanong ni Nick, "Siguro, kayo na talaga ni Sir Ruru 'no?! Yihee!"

"Hindi 'no!!!" agad na sagot ni Kylie.

Hindi naniwala ang lahat at inaasar pa rin s'ya.

"Hay naku! Kahati ko na si Ru sa bayaran ng bills, alam n'yo naman 'yung bahay, iisa lang ang kuwarto at kama dun, nakakahiya namang sa lapag s'ya matulog. Sa sala naman, walang aircon, mainit at kahit na 'di naman ganoon karami ang lamok, meron pa ring mga lamok minsan, saka 'di 'yun magpapadehado sa akin 'no, lalo't isa s'ya sa nagbabayad dun!" paliwanag ni Kylie.

Pero hindi pa rin kumbinsido ang lahat at pinagtatawanan pa rin s'ya.

"Dagdag hirap din sa akin na may kaagaw sa shower, dalawa nga ang CR pero isa lang ang may shower dun, ang tagal kasing maligo nun! Nang-aasar din, kasi alam n'yang ayoko ng late." Dugtong ng inaantok at pagod na si Kylie, "Kaya hinihintay lang talaga namin ang paglipas ng ilang buwan pa, mag papa-annull din kami."

Biglang dumating sina Ruru kasama ang iba.

"Saan kayo galing Sir?" tanong ni Mae.

"Sa office ni Chief, ready na ang lahat ng Teams ah at nasa Main Lobby na, tayo na lang ang wala. In a few minutes, aalis na tayo papuntang Station 1." Sagot ni Ruru, "Kylie ayos ka lang? May sakit ka ba?" pahabol na tanong ng nag-aalalang si Ruru nang makita si Kylie.

"I'm fine." Sagot ni Kylie na nakahiga na sa couch at nakapikit.

Patagong nagbungisngisan ang mga kausap ni Kylie kanina na ipinagtaka lang ni Ruru. Nagpatuloy sa pag-aayos ang lahat saka lumabas nang ipatawag na sila ni Chief Aps para sabay-sabay na umalis.

***

Pagdating ng teams ng Station 3 sa Station 1 ay namangha silang lahat dahil totoo nga ang kanilang naririnig na ito ang pinakamalaki at pinakamagandang Station ng Agency.

Bago mag alas otso ng umaga ay nagsidatingan na ang lahat ng teams ng limang Istasyon, ang mga lalaking members ng SEX-CIT ay nagpapacute sa mga babaeng nakikita. Nang mag eksaktong alas otso ay naka hanay na ang lahat ng teams sa gitna ng napakalaking Battlefield ng Station 1 Cirle sa ilalim ng init ng araw, sa unahan nila'y nakatayo ang kani-kanilang mga Team Leaders.

Matapos ang dasal at opening speech ng Chief ng Station 1, opisyal nang nagsimula ang program at tinuturuan na sila ng mga binagong commands at mga dapat nilang malaman pa. Ang lahat ng Chiefs ng lahat ng Stations ay tutok na tutok sa kani-kanilang mga sakop.

Nag-barilan, nag-exercise, nag-tatakbo, nagsipag gulong at kung anu-ano pa ang pinag-gagawa ng lahat ng teams sa loob ng isang malaking Battlefield kung saan ay tini-train silang mabuti para mas lalong gumaling.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now