Chapter 22

1.4K 48 6
                                    

Dumating ang kaarawan ng ama ni Kylie na ginanap sa mansion ng mga Figueroa. Nag umpisa na ang party, maraming tao at napakaganda ng celebration nito. Sobrang busy ang pamilya ni Ruru dahil sa ipinapakilala at ipinagmamalaki ito ni Mr. Figueroa sa lahat. Naroon ang buong Station 1 at Station 3 at mga piling naimbitahan sa iba pang mga Istasyon. Dumating naman si Bob ng late.

"Tito! Happy Birthday po!" bati ni Bob kay Mr. Figueroa sabay bigay ng kanyang regalo.

"Robert! Iho!" yakap kay Bob ni Mr. Figueroa, "Salamat!"

Katabi lang ni Mr. Figueroa si Mrs. Figueroa at sina Jonas, Kylie, Ruru at buong pamilya nito.

"Tita, walang pagbabago! Maganda ka pa rin!" bati ni Bob kay Mrs. Figueroa sabay halik sa pisngi nito bilang galang.

Napatawa na lang si Mrs. Figueroa.

"Ky, best wishes!" may hiyang bati ni Bob kay Kylie, "sa'yo na rin Ruru."

"Salamat!" sagot ni Kylie.

Taas lang ng kilay ang sagot ni Ruru.

Agad na umalis si Bob at pumunta sa table kung saan naroon ang kanyang team.

Tinitigan ni Ruru si Bob at balak sundan na napansin naman ni Kylie, "Wag na Ru!" pigil ni Kylie sa asawa.

Nagulat si Ruru na napigilan s'ya ni Kylie, "Pero---" nabiting sagot ni Ruru.

"Please forget it!" sagot ni Kylie, "Please!"

"O-Okay...!" cold na sagot ni Ruru saka ininom ang wine na hawak.

Naging maayos at masaya ang magarang birthday party ni Mr. Figueroa. Nang matapos ang kasiyahan ay natulog na sina Mr. & Mrs. Figueroa at umuwi na ang mga magulang ni Ruru. Ang mga kaibigang malalapit ni Jonas, SEX-CIT, si Bob, Jamie, Matthew, Kim, Kylie at Ruru na lang ang naiwan sa bahay para magsaya at mag-inuman.

Lasing na halos lahat ng lalaking members ng SEX-CIT na kausap si Bob sa labas. Nasa loob naman sina Kylie, Ruru, mga kapatid nito at mga babaeng members ng SEX-CIT para manood ng mga movies.

Sa labas...

Nagtatawanan na sila sa kalasingan. Nag open up na si Bob sa mga lalaking members ng SEX-CIT dahil close naman s'ya sa CIT at nakasundo naman n'ya kaagad ang SEX Team.

"...mahal ko pa rin s'ya..." nakangiting sabi ni Bob.

"Naku Sir Bob, halata naman po eh!" nagtatawang sabi ng lasing na si James.

Natawa si Bob, "pero wala na kaming pag-asang magkabalikan." Sagot ng nalungkot na si Bob.

Lumapit ang lasing na si Timothy kay Bob at umakbay, "Sir, nagkakamali ka!!!" tumagay ulit si Timothy, "kunyari lang naman 'yung kasal nina Ma'am at Sir!"

"Huh?" gulat na gulat na sambit ni Bob.

"Oo Sir! Tama si Timoy! Ang totoo? Hate nina Sir Ruru at Ma'am Kylie ang isa't-isa, kaya malaki pa ang chance mo!!!" pagsang-ayon ng isa pang lasing na si James.

Napatayo sa gulat ang mga hindi pa lasing na SEX-CIT members sa nasabi nina Timothy at James.

"Inimbistagahan kasi namin 'yung pastor na akala namin eh nagkakasal ng fake..." panimula ni Timothy.

Sumisenyas ng "quiet" ang lahat kay Timothy, pero lasing na talaga ito kaya wala nang pakialam.

"Idea ko na magpakasal sila kunyari! Ayun! Eh hindi pala fake, kaya aksidente, nakasal sila!!!" dugtong ni Timothy saka tumawa.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now