Tumungo na ng Station 3 si Kylie at sa pagpasok niya sa HQ nila, napansin niyang naghihintay ang team kay Ruru na sumunod sa kanya papasok.
"Wala s'ya dito." Sabi ni Kylie sa lahat.
Nadisappoint ang lahat sa sinabi ni Kylie.
"Isipin na lang nating may sakit ulit si Sir!" banat ni Decond.
Napangiti ang iba pero malungkot pa rin ang halos lahat.
"Nasa Main Lobby s'ya." Nakangiting sabat ni Kylie.
Napatingin ang lahat kay Kylie saka napangiti at kaagad na nagtayuan para lumabas at puntahan si Ruru.
"TEKA LANG!!!" pigil ni Kylie sa lahat na nagsisiksikan at nagmamadali sana palabas, "Hames, tawagin mo na lang ang Sir Ruru mo para pumasok dito."
Agad na lumabas si James para sunduin si Ruru.
"Ang landi naman n'yang si Sir Ruru, 'di na lang pumasok agad dito!" sabat ni Thirdy.
Nagtawanan ang lahat.
Lumipas ang ilang sandali, pumasok na si James kasunod si Ruru. Nang makita ito ng lahat ay nagtatakbo sila papalapit dito maliban kina Alvin at Kylie na busy sa kanikanilang mga ginagawa, ang ibang babae ay yumakap pa kay Ruru, kahit ang ibang lalaki ay yumakap dito. Nag usap-usap silang lahat na kahit na kahapon lang huling nagkita-kita ay parang matagal na 'di nagkita. Si Kylie ay nanatili sa isang lugar na nagbabasa ng mga reports.
"Ma'am, s'ya nga po pala, bakit ka po late? First time EVER!" sabat ni Timothy.
Napatingin si Kylie kay Ruru saka napabaling kay Timothy "Ahh... May inasikaso lang ako sa bahay..." sagot ni Kylie saka bumalik sa pagbabasa.
Nagbalik sa pagkukuwentuhan ang lahat na masaya, ngunit 'di mapakali si Timothy at panay ang tingin kay Kylie.
"Ma'am, alam n'yo, iba ang aura mo ngayon! May kakaiba sa'yo!" titig na titig na sabi ni Timothy kay Kylie.
Napatigil sa pagkukuwentuhan ang lahat at napatingin kay Kylie, napangiti at napakagat ng labi si Ruru. Napakunot noo naman si Kylie.
"Huh? A-Ano'ng ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ni Kylie.
"Kakaiba! Bakit ka ba ganyan ngayon, Ma'am?" tanong ni Timothy.
Nanlaki ang mga mata ni Ruru sa tanong na 'yun ni Timothy habang nakatitig kay Kylie at hinihintay ang isasagot nito.
"Huh?" gulat at na-conscious na sagot ni Kylie saka ibinaba ng kaunti ang binabasa, "ano'ng kakaiba?" dugtong ni Kylie saka namula at napatingin kay Ruru.
"Para kang nagu-glow ngayon, Ma'am!" sabat ni Shirt, "napansin mo rin pala 'yun, Timoy."
"Nagu-glow ka dyan!" hiyang sabat ni Kylie na medyo naiinis, "hindi ah!" pilit na ngiting sabi n'ya saka pinanlakihan ng mga mata si Ruru. Saka pumasok si Kylie sa office para matakasan ang mga tanong nina Timothy.
Dumiretso si Kylie sa table n'ya at hindi mapakali. Hindi alam kung anong kukunin o kung ano'ng gagawin. Biglang pumasok si Ruru. Napatingin si Kylie sa kanya pero kaagad itong nagpanggap na may ginagawa.
"Are you okay?" tanong ni Ruru na malaki pa rin ang ngiti saka lumapit sa asawa.
Na-conscious si Kylie sa paglapit ni Ruru kaya lumayo ng kaunti, "Yup! Okay lang ako." sagot ni Kylie.
"Pwede ba nating pag-usapan... uhm... 'yung nangyari kagabi?" may hiyang tanong ni Ruru.
"No!" pambabara ni Kylie na patuloy sa pagkukunwaring may ginagawa at hindi man lang tiningnan ang asawa.
YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
ContoHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.