Nasa Main Room ng HQ nila ang buong SEX Team, maaga pa lang kumpleto na ang lahat. Nag aayos ng mga suot nilang damit ang buong team para maging presentable sa pagdating ng CIT ngayon. Hindi mapakali ang lahat. Saya at kaba ang nararamdaman ng bawat isa. Kasiyahan, dahil may mga bagong makikilala, at isang hinahangaang team ang kanilang makakasama sa loob ng isang taon. May kaba rin, dahil sa hindi nila alam kung magiging matagumpay ba ang kanilang pagsasama at baka naman lait-laitin lamang sila. Sila nga ang pinakamagaling sa Station 3, pero ang makakasama nila ay isa sa mga pinakamagagaling, o ang maaaring, ang pinakamagaling sa Station 1--- ang pinakamataas at pinakamagaling na Istasyon.
"Ano ba?!" sita ni Ruru na napatigil sa pagbabasa ng dyaryo, "masyado kayong malilikot, bakit ba hindi kayo mapakali? Umupo na nga lang kayo."
Biglang bumukas ang pinto ng Main Room at nagmamadaling pumasok sa loob si Shirt.
"Sir, SIR!!!" mabilis na sabi ni Shirt, "Nakita ko na sila! Nandun sila sa office ni Chief Aps. NANDIYAN NA SILA!!!"
Natahimik ng saglit ang lahat. Matapos ay nagmadaling mag-ayos ng HQ ang buong team. Pati si Ruru ay napakilos.
"Akala ko ba 10 o'clock pa ang dating nila?!" kabadong nasambit ni Ruru, "Ang gulo-gulo ng HQ! Bilis! Mag-ayos kayo!!!"
Makalipas ang sampung minutong walang tigil na pag-aayos, napatigil, napaupo, napahiga at napasandal ang lahat na parang nawalan ng lakas sa mabilis na paglilinis na ginawa.
"Maayos na ang HQ." pagsiSira sa katahimikan ng napagod ring si Ruru, "sarili n'yo naman ang ayusin n'yo."
Agad na sumunod ang lahat at inayos ang mga nagusot at nagulong kasuotan. Pero napatigil ang lahat ng bumukas ang pinto.
"Good Morning guys!" masayang bati ni Chief Aps.
Habang nakikita nilang nasa labas ang mga taong maaring ang CIT na, nagsitayuan ang SEX Team sabay saludo para sa pagbibigay pugay sa kanilang Chief.
"Narito na ang Concealed Investigative Team o CIT na makakasama n'yo sa loob ng isang taon sa inyong trabaho." Nakangiting sabi ni Chief, "Kaninang umaga ay nagpaalam na sa akin ang team ni Mendoza dahil ang Station 4 na muna ang magiging tahanan nila."
Pilit sumisilip sa labas ang buong SEX Team sa kagustuhang makita ng malinaw ang CIT. Nang mapansin ni Chief ang pagkahaba ng leeg ng lahat...
"Kylie, please come in. Team, come in." anyaya ni Chief sa team ni Kylie.
Pumasok naman sa loob ang lahat na nakangiti.
"Kylie Figueroa," nakangiting sumenyas kay Ruru si Chief, "this is Ruru Gonzalez. He'll be your partner for a year."
Masayang inialay ni Ruru ang kamay para makipagkamay at iniabot naman ni Kylie ang kanyang kamay na nakangiti.
"That," turo ni Chief sa team ni Ruru na speechless, "is Ruru's team. The Secret Entity of eXcellence"
Binati si Kylie ng "Hello," "Welcome," "Kumusta," at "Hi" ng sabay-sabay ng SEX Team, naintindihan naman ito ni Kylie at masaya n'yang sinagot ng "Hello, and thank you!"
"Oh, paano 'yan," nakangiting sabi ni Chief, "maiwan ko na kayo diyan ha at hayaang magkakilanlanan. Figueroa, Gonzalez, Team, Good Luck!"
Sumaludo ang lahat bago tuluyang umalis sa HQ si Chief Aps.
Sabay na napatingin sina Kylie at Ruru sa kani-kanilang team, at nagulat sila. Nag-uusap ng parang matagal nang magkakakilala ang mga ito.

YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Short StoryHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.