Chapter 17

1.1K 44 2
                                    

Linggo ng hapon ay tumungo ang buong pamilya Gonzalez sa bahay nina Kylie para makilala nila ang pamilya Figueroa.

Bumaba ng sasakyan nila ang pamilya nina Ruru.

"Wow! Ang laki ng bahay ah! Mansion!" manghang sabi ni Matthew, "ang galing mong pumili Kuya!"

Natawa lang si Ruru sa sinabi ng kapatid, pati ang mga magulang nila ay napatawa.

"Pasok na po kayo, Sir." Sabi ng katulong na sumundo sa kanila mula sa gate.

Binuksan ni Ruru ang pintuan ng bahay, agad n'yang nakita na nakaupo sa sala sina Kylie at ang kanyang mga magulang, at may isang lalaking katabi si Kylie, hindi alam ni Ruru kung sino.

"Good Evening po!" bati ni Ruru sa lahat.

Tumayo ang pamilya ni Kylie at agad na lumapit ang pamilya Gonzalez sa kanila. Nagmano si Ruru sa mga biyenan at gayun din si Kylie sa mga magulang ni Ruru. Nagkamayan naman ang mga ito.

"Wine po, Daddy," sabi ni Ruru kay Mr. Figueroa, "dagdag sa mga koleksyon n'yo. Saka prutas sa'yo Mommy."

"Ruru, Kuya ko nga pala, si Kuya Jonas." Pakilala ni Kylie sa lalaking hindi kilala ni Ruru.

Nagkamayan sina Jonas at Ruru.

"Upo kayo." Nakangiting sabi ni Mr. Figueroa sa pamilya Gonzalez.

Nag usap-usap ang dalawang pamilya. Nagkakakilanlanan naman ang mga magulang ni Ruru at mga magulang ni Kylie kasama ng Kuya nito, medyo nananahimik naman sina Jamie, Matthew at Kim. Hanggang sa lumipas ang halos isang oras.

"Baka gutom na kayo? ipinahanda ko na ang dinner. Halika na't nang makakain." Sabi ni Mr. Figueroa.

"Sa labas namin ipinahanda ang mga pagkain, para naman presko ang hangin." Sabi ni Mrs. Figueroa.

Napangiti ang pamilya Gonzalez sa kabaitan nina Mr. at Mrs. Figueroa saka tumayo na sila't pumunta sa labas sa pangunguna ng mga magulang ni Kylie.

"Ate Kylie, pwede ba naming makita ang kuwarto mo?" tanong ni Kim bago pa man sila makalabas.

"Kim, nakakahiya naman kay---" nabiting sagot ni Ruru kay Kim.

"Syempre naman!" nakangiting sabat ni Kylie, "hayaan mo, mamaya itu-tour ko kayo rito."

Ngiting-ngiti sina Jamie, Matthew at Kim sa narinig.

"Ate may music room ba kayo rito?" tanong ni Matthew na medyo nahihiya, "kasi mahilig akong tumugtog."

"Meron Matt, mamaya dadalhin kita doon." Sagot ni Kylie.

"Wow. Salamat ate ha." Sagot ni Matthew.

"Sige na, kakain na tayo!" sabat ni Ruru.

Sumunod na sina Jamie, Matthew at Kim palabas para sa dinner.

"Masyado mong ini-ispoil 'yung tatlo." Sabi ni Ruru, "baka pagsisihan mo, 'pag naging masyadong at home 'yung tatlo, hindi mo na sila mapapaalis dito!" natatawang dagdag ni Ruru.

"Ito naman!" sagot ni Kylie, "hayaan mo na, saka wala naman kasi akong batang kapatid. At ano naman kung masanay sila dito, palaging welcome ang mga kapatid mo rito, maliban sa'yo!" dagdag niya saka sumunod sa iba.

Napangiti na lang si Ruru sa biro ni Kylie saka sumunod sa labas kung saan sila kakain ng hapunan nila.

Nagba-bonding lang ang dalawang pamilya, kausap pa rin nina Mr. and Mrs. Figueroa sina Mr. and Mrs. Gonzalez. Kausap naman nina Jamie at Kim sina Kylie at Ruru at kausap ni Jonas si Matthew.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now