Chapter 31

1.3K 43 5
                                    

Isang umaga kung saan seryosong nag uusap-usap ang buong SEX-CIT sa Main Room ng HQ nila tungkol sa isa sa mga kaso na ibinigay sa kanila, mga snatchers na pinangungunahan ni Bob, ang lahat ay taimtim na nakikinig pati si Kylie, ngunit nawala ang atensyon nito sa sinasabi ni Bob nang maramdamang lumalabo ang paningin. Pinikit pikit nito ang mga mata at hinawakan ang ulo.

"Kylie, are you alright?" pag-aalalang tanong ni Bob.

Napatingin ang lahat kay Kylie ng may pag-aalala.

Napatingin si Kylie sa lahat, "Yeah! I'm fine. P-please proceed."

Di kumbinsido si Bob pero itinuloy ang pagsasalita. Di pa tumatagal nang lalong hindi naging maganda ang pakiramdam ni Kylie at humihinga na s'ya ng malalim. Pakiramdam n'ya ay masusuka s'ya.

"Ma'am namumutla ka!" alalang-alalang sabat ni Lovely.

Napatingin ang lahat kay Kylie.

Pinilit ni Kylie na ngumiti, "Ayos lang ako." Saka napahawak sa nangangasim na tiyan.

"Kylie, you're not okay!" giit ni Bob sa sobrang pag-aalala at lumapit na kay Kylie at hinipo ang noo kung may lagnat ba.

"Ayos lang ako. Excuse me." Sabi ni Kylie saka tumayo at pilit pinipigil ang pagsuka at bago pumasok ng banyo, "Ituloy n'yo lang 'yan, babalik ako!"

Napa-oo na lang ang lahat sa sinabi ni Kylie at saka ito tuluyang pumasok ng bathroom. Sa loob ng Restroom ay 'di mapakali si Kylie at alalang-alala. Lumipas ang ilang sandali ay lumabas na ito at nagpaalam sa lahat na may pupuntahan lang saka lumabas na ng HQ, hahabulin pa sana ni Bob para masamahan ngunit naisip n'yang walang magli-lead sa team kung sumama pa s'ya kaya't hinayaan na lang si Kylie at ipinagpatuloy ang meeting kahit alalang-alala.

***

Dumiretso si Kylie sa kanilang family doctor at doo'y nagpacheck-up. Nung araw ding 'yun lumabas ang resulta kaya't bumalik kaagad at kinausap ang doktor.

"You are 6 weeks pregnant, my dear." Bunyag ng doktor ni Kylie sa kanya.

Napatawa si Kylie sa gulat, at nakatingin lang sa gulat ang doktor n'ya sa kakaibang tawa nito na parang nagsabi s'ya ng isang joke na nakakatawa. Nang mapansin ni Kylie na seryoso ang doktor, "I'M PREGNANT!??" may lakas at 'di makapaniwalang tanong ni Kylie.

"Oo. Buntis ka!" sagot ng doktor n'ya, "bakit parang 'di ka makapaniwala? Kaya ka nga pumunta dito kasi alam kong, may hinala ka na buntis ka! Saka ano naman? You're married." Natatawang dugtong ng kanyang doktor.

Hindi nakasagot si Kylie.

"Wala sa plano n'yong mag-asawa 'no?" tanong ng doktor n'ya.

"Wala po talaga..." Sagot ni Kylie, "uhm... Dok, 'wag mo po munang ipapaalam sa Daddy ko ha, or sa kahit na sino." pakiusap ni Kylie na worried na worried.

"Yup, no problem. Basta ikaw, iha." Sagot ng doktor.

Nang mag-lunch ay napagdesisyunan ni Kylie na umuwi muna para makapagpahinga ng ayos at bumalik ito ng HQ nang dumating ang hapon.

***

Samantala pumunta si Ruru sa bahay ni Dianne nung araw ding iyon upang magsabay silang magmeryenda, masayang-masaya silang nag-uusap.

"Di ka ba nagseselos kay Bob?" tanong ni Dianne na medyo matamlay, "sabi mo mahal s'ya ni Kylie. Tapos magkasama na sila sa isang office ngayon. Ayos lang 'yun sa'yo?"

Ngumiti lang si Ruru. Saka sila nagpatuloy sa pagkain. Panandaliang nanahimik ang dalawa.

"Sa tingin mo mahal ka na ni Kylie?" tanong ni Dianne.

"Hindi ko alam eh." Sagot ni Ruru na medyo nagulat sa tanong, "Sana."

Napatahimik silang muli.

"A-Ako, mahal mo pa ba ako?" seryosong tanong ni Dianne.

Nagulat si Ruru, "Yian!!??" nanlaki ang mga matang sabi ni Ruru pero pinilit na ngumiti.

Lumapit si Dianne kay Ruru at niyakap s'ya, "Mahal na mahal kita, Ruru." Saka n'ya hinalikan si Ruru.

Pinigilan ni Ruru si Dianne at ngumiti, "Yian, I'm flattered." sabi ni Ruru saka lumayo kay Dianne.

"Mahal kita, Ruru. Si Kylie, after ng program n'yo, iiwan ka na n'ya. Babalik na s'ya ulit kay Bob. Masasaktan ka lang." Naiiyak na sabi ni Dianne, "we belong together."

"Yian, PLEASE, huwag mong Sirain ang pagkakaibigan natin." Seryosong sabi ni Ruru.

Lumayo si Dianne at napaiyak sa narinig. Lumapit si Ruru sa kanya at niyakap s'ya.

"I'm sorry." Pagsisisi ni Dianne, "Thankful ako sa pagkakaibigan natin, sorry kung sinamantala ko."

"It's okay!" bulong ni Ruru kay Dianne, "Naiintindihan naman kita eh..."

"Sabihin mo na sa kanya na mahal mo s'ya, para alam na n'ya. At alam kong hindi ka n'ya iiwan 'pag nalaman n'ya 'yan." Sabi ni Dianne.

Napangiti si Ruru, "Oo, bago matapos ang araw na 'to, sasabihin ko na sa kanya ang totoo."

Lalong napahigpit ang yakap ni Dianne kay Ruru sakaito kaagad na umalis.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now