Isang umaga nag uusap-usap ang lahat tungkol sa Second Case sa Main Room ng SEX-CIT HQ.
"Ma'am, Sir, birth certificate raw po ng ikakasal ang kailangan ibigay sa kanila tapos po, parental consent or parental advice depende sa age, kailangan din po ng certificate of no marriage. Pagkatapos po maibigay, sila na po ang bahalang mag-asikaso ng lahat! Pati raw po ang pagkuha ng license, sila po ang mag aasikaso nung mga 'yun, sa iba raw po, kayo ang mag aasikaso ng mga papers, pero sa kanila, ikakasal na lang daw po kayo talaga." Dire-diretsong sabi ni Art."Yung ibang requirements po na kakailanganin, ku-kontakin na lang raw po ang magpapakasal para mas maayos."
"Ahh... pwede 'yun? Sila ang kukuha pati ng license?" sagot ni Kylie.
"Ma'am 'yun po ang sabi eh." sagot ni Art.
"Yes!!! Kasalan na this!!!" sigaw ni Nick.
Nagtawanan ang lahat sa sigaw ni Nick.
"Okay, kailangan natin ng kunyaring ikakasal para sa idea ni Timothy. Sino ang magvo-volunteer?" Tanong ni Kylie sa lahat.
Tingin lang ang sinagot ng lahat sa kanya. Saka nagtinginan sa bawat isa at naghihintay kung may magtataas ba ng kamay.
"Volunteer?" tanong ulit ni Kylie.
Tumuro ang lahat kay Ruru.
"HOY! Anong ako?!" gulat na sagot ni Ruru, "Idea mo 'yan Timoy, kaya ikaw ang magvolunteer!" natatawang sabi ni Ruru.
"Sir Pogi, 'di naman talaga ipu-pursue 'yung idea ko kung 'di mo pinilit eh! Diba? Diba team?! Guys?!" defensive na sagot ni Timothy at nanghihikayat ng kakampi.
Sumang-ayon naman ang lahat ng team members kay Timothy.
"Oh s'ya, s'ya, botohan na lang! Para sa bride at sa groom ha!?" nae-excite na sabi ni Maggie.
Sumang-ayon ulit ang lahat.
"Ituro na lang natin kung sino ang gusto natin para mas madali!" sabat ni Shirt.
Sumang-ayon ulit ang lahat. "Basta kung sino ang maiboto, wala nang urungan! Bawal tumanggi ha! Walang KJ!" sabat ni Firsty.
"Okay, para sa groom?" natatawang tanong ni Kylie.
Tumuro ang lahat kay Ruru maliban kina Kylie at Ruru na si Timothy ang itinuro.
Tumawa ng malakas ang lahat lalo na si Timothy. Napailing na lang si Ruru at napangiti lang si Kylie sa tuwa nang mapagkaisahan si Ruru.
"Majority wins!" sigaw ng tuwang-tuwang si Timothy.
"Kung ganyan kagwapo ang groom, sana ako na lang ang bride!!!" may pagbibirong sabi ni Nina.
"Why not?!" pagbibirong sagot ni Ruru sa sinabi ni Nina.
"Botohan pa rin pagdating sa bride!" nakangiting sabat ni Art.
"Para sa bride? Turo!!!" sigaw ni Vince.
Nakaturo ang lahat kay Kylie maliban kina Ruru, Nina at Kylie. Nakaturo si Nina sa sarili at parehong nakaturo sina Ruru at Kylie kay Nina.
Nang makita ni Art ang pagkakaturo ni Nina sa sarili ay agad na hinawi ni Art ang kamay ni Nina at itinuro kay Kylie.
"Si Ma'am ang bride!!!" sigaw ni Vince.
Naghiyawan at nag-apir pa ang iba sa tuwa, napailing na lang si Kylie saka siniringan si Ruru.
***

YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
القصة القصيرةHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.