Chapter 25

1.4K 51 3
                                    

Nag tuluy-tuloy ang pag iimbestiga ng SEX-CIT sa hinihinalang Hide-out ng pinakamatinik na drug-lord, pinasok nila ng patago ang bodega, ngunit wala silang nakitang kahit anuman sa loob kundi mga furniture na negosyo ni Lopez, kaya't nagdesisyon ang lahat na lumabas na, bago pa man sila mahuli.

Bumalik ang lahat sa HQ. Dahil sa sobrang pagkadismaya nila sa walang pinatutunguhang kasong hawak nila, nanatili sila sa Main Room para mas mapag-aralan pa nila itong mabuti.

"Ano na bang nangyayari sa imbestigasyon natin? Bakit ganun? Parang wala tayong nakukuhang magandang resulta?" tanong ni Ruru sa lahat.

"Sir, masyadong maingat at magaling 'yang sina Lopez kaya ganun!" may pagkadismayang sabi ni Maggie.

Naupo si Ruru sa isang couch at tumabi kay Maggie.

"Di kaya may kasabwat si Lopez na nakakaalam ng lahat ng galaw natin?" tanong ni Kylie.

Napatingin ang lahat kay Kylie saka nagtinginan ang bawat isa.

"Imposible. Kasi Ma'am, tayu-tayo lang naman ang nakakaalam ng mga 'yan, maliban na lang kung may hidden camera dito!" sabat ni Alvin saka lumingon-lingon para maghanap ng hidden camera.

"Oo nga!" sabi ni Ruru, "imposible 'yan! Magaling lang siguro talaga si Lopez."

Sa pagkadismaya ng lahat sa nangyayari, nagpatuloy sila sa pagpaplano ng mga bagong strategies, pagpapractice ng mga bago nilang sandata at pagiimbestiga ng mga bawat anggulo sa Case 3 nila.

Lumipas ang ilang oras...

Kalahati sa team ay umuwi para magpahinga at ang kalahati ay nanatili sa HQ para ipagpatuloy ang mga dapat gawin. Isa si Ruru sa mga naiwan, mananatili sana si Kylie ngunit sinundo s'ya ni Bob at ininvite para mag dinner.

Pinauna na ni Kylie si Bob sa parking lot ng Station 3 para doon na lang muna maghintay sa kanya habang nagri-ready paalis.

"Babalik na lang ako mamaya o bukas ng maagang-maaga." Sabi ni Kylie sa lahat ng naiwan.

Um-oo ang lahat, ngunit ni hindi man lang nilingon ni Ruru si Kylie at nagpatuloy sa ginagawa at sa pakikipag-usap sa mga katabi n'ya.

"Bye!" nakangiting bati ni Kylie sa lahat.

"Bye, Ma'am! Ingat po!" nakangiting bati ng lahat kay Kylie.

Ngumiti si Kylie at nilingon si Ruru na nakatalikod sa kanya at hindi pa rin s'ya binabati o tinitingnan.

"Bye, Ru." bati ni Kylie kay Ruru.

"Ingat." Cold na sagot ni Ruru na hindi man lang lumingon.

Lumapit si Kylie kay Ruru, "May problema ba?" tanong ni Kylie sa asawa.

"Wala." Walang pagbabago kay Ruru.

Tumingin si Kylie sa iba pero nginitian lang siya ng mga ito.

"Okay. Sure ka ha? Walang problema?" naguguluhang tanong ni Kylie kay Ruru.

"Yup." Wala pa ring nagbabago sa tugon ni Ruru.

"Okay." Naguguluhang sagot ni Kylie, "bye."

"Pasalubong ha Ma'am!!!" sigaw ni Timothy.

"Sure!" Sagot ni Kylie saka lumabas na ng Main Room.

Nang maisarado ni Kylie ang pintuan, nagkatinginan ang lahat ng nasa loob at kaagad silang nagtayuan at pumunta at nagsiksikan sa may bintana kung saan kitang-kita ang parking lot para tingnan ang pag-alis nina Kylie at Bob.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now