Chapter 1

3.6K 75 5
                                    

Habang nakaupo ang lahat sa Main Room ng Headquarters ng SEX Team, nag uusap-usap at nagbibiruan dahil malapit nang mag-uwian ay biglang pumasok si Chief Aps sa HQ nila.

"Magandang Hapon Sir!" Masayang bati ng lahat sa paborito nilang Chief.

"Magandang Hapon din sa inyo! Siya nga pala, kailangan ko kayong makausap lahat. Importante lang." nakangiting sagot ni Chief Aps.

"Chief, tungkol po saan? May problema po ba sa team ko?!" naalarmang sabat ni Ruru kasabay ng masamang tingin sa team n'ya. At nagsipagyukuan ang mga ito na parang mga batang takot sa tatay.

"Wala! Walang problema sa team mo, Gonzalez. You are still my number one team." Natatawang sagot ni Chief Aps.

"Si Sir Ruru talaga, laging parang may ginawa kaming mali 'pag dumadalaw si Chief dito." Pabirong sagot ng isa sa mga agents na si Art.

Ngumiti lamang si Ruru kay Art at napangiti lang din si Chief Aps.

"Okay, makinig kayo. Ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa mga changes na mangyayari sa atin. May program kasing isinusulong ang agency." Panimula ni Chief Aps. "Alam n'yo namang mayroon tayong five Stations. At ang bawat Istasyon ay may anim na teams. Dahil sa lumalaking gap at lumalalang—"awayan" ng bawat Istasyon, napagkasunduan ng lahat ng Chiefs ng limang Stations na gumawa ng paraan para maibsan ito, mabawasan. Kaya naisip namin na para magkakilanlanan ang mga Istasyon ng maigi, ipag-combine pansamantala sa ibang teams from different Stations ang mga mapipiling grupo, at isa ang team n'yo sa dalawang pinili ko."

Nakatingin lang sa kanya ang buong SEX Team, na halatang hindi nakuha ang mga sinabi n'ya.

"Okay—ganito 'yung program, para maliwanagan kayo, ie-explain ko. Mamimili ang mga Chiefs ng dalawang teams sa bawat Stations nila para ipasama sa ibang team, at 'yung sasamahan nilang team, dapat galing din sa ibang Istasyon. Sa atin, dito sa Station 3, kayo ang napili ko at 'yung isa naman ay 'yung LEAD Team na pinamumunuan ni Mendoza." Paglilinaw ni Chief Aps.

"Yung team ni Sir Ariel?" Sabat ni Firsty.

"Tama Uno." Nakangiting sagot ni Chief Aps kay Firsty. "Ang team n'yo naman ay napili para makasama ang isa pang grupo na galing ng—Station 1."

Biglang namangha at sumaya ang naramdaman ng buong SEX Team sa mga sinabi ni Chief Aps.

"Sa wakas! May makikilala na 'kong taga-Station 1. Sana may maganda!!!" nae-excite na sabat ni Shirt.

"May maganda roon panigurado!" sagot ng natatawang si Chief. "Ang team naman ni Mendoza ay makakasama sa isang team sa Station 4."

"Sir, you mean, makakasama namin 'yung mga mayayabang at bossy at mga mapanlait na taga Station 1 na 'yun?! Puwede po bang kami na lang ang isama n'yo sa Station 4 at 'yung team ni Ariel sa Station 1?!" Mabilis na pakiusap ni Ruru.

Biglang napaisip at nakadama ng kaba ang buong SEX Team.

"Ang sagot ay hindi! Kayo ang isasama ko sa Station 1, at Ruru, hindi naman lahat ng naroroon sa Station 1 ay ganoon." Depensang sagot ni Chief. "Ang C.I.T. naman ang makakasama n'yo sa program na ito. Kilala ko ang leader nilang si---"

"Si ano Chief---si Kylie Figueroa. Yung maganda raw po!!!" sabat ni Art, "parati po kasi naming naririnig ang pangalan n'ya. Medyo legendary ang image ng team nila, eh, magaling daw po at pwede pa raw na s'ya ang pinakamagaling sa First Station. Saka maganda nga daw po ang Team Leader nila!!!"

"Wag ka ngang sumabat Arturio!!!" natatawang sita ni Ruru.

"Siya nga, Art." natatawa ring sagot ni Chief kay Art "Mabait, magalang at magaling ang batang iyon. Ganoon rin ang kanyang team. Ang Daddy n'ya ang nag train sa akin noon at malaki ang hanga ko sa kanya, lalo na sa kanyang ama."

"Okay Sir." Cold na sagot ni Ruru. "Kailan po ba mag-start ang program na 'yan?"

"This Monday na! Experience din 'yan sa inyo. Mati-train din kayo ng CIT, they're one of the best! At malaki naman ang tiwala ko sa inyo. Kayo ang pinakamagaling kong team! Alam n'yo 'yan. Alam kong hindi ninyo ako ipapahiya. At saka ayaw n'yo nun, baka mapahanga n'yo pa sila, kahit sabihin nilang taga-Station Three LANG kayo!!!" Pambawing sabi ni Chief sabay tapik sa balikat ni Ruru. "At mananatili naman kayo dito sa Station 3, sila ang lilipat dito."

"Okay Sir!" nakangiting sagot ni Ruru na nabuhayan ng loob nang malamang hindi sila aalis sa HQ nila.

"Isa lang sa dalawang teams na napili sa bawat Station kasi ang lilipat ng opisina, sila ay makiki-share muna ng HQ sa team na isasama sila sa pupuntahan nilang Station. Kaya 'yung kay Mendoza ay makikisama muna sa HQ ng Station 4." Dagdag ni Chief Aps.

Sumang ayon lang ang lahat.

"Okay! I know that's clear! Yun lang. I have to go. Good Luck sa inyo!" sabi ni Chief habang palapit sa pintuan.

Tango ang sagot ni Ruru.

Nang makaalis na ang Chief.

"YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEES!!! May magaganda dun at sexy. Mapa-ibig ko kaya 'yung leader nila?" sigaw ni Art.

Nagtawanan lang ang lahat at binatukan lang s'ya niRuru nang pabiro.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now