Sumamang magmanman si Ruru kina Art, Timothy, Firsty at James sa hinihinalang hide-out ni Lopez.
"Sir, kailan ba natin susugurin ito?" tanong ni James.
"Kahit tumagal pa tayo, kailangan kasi sure na sure ang galaw. Hindi dapat magmadali." Sagot ni Ruru.
"Nga po pala, Sir, bakit ka ba sumama sa amin ngayon?" tanong ng curious na si James.
"Wala lang, gusto ko lang ng adventure!" sagot ng nagbibirong si Ruru.
"Ayaw mo ng adventure kasama si Ma'am? Kayo lang magkasama, tapos malamig pa ang panahon." Natatawang sabat ni Art.
"Nyek!" sagot ni Ruru, "Si Bob naman ang type nun!"
"At talagang may pagseselos!" sabat ni Firsty.
Nagtawanan ang lahat.
"After nito Sir, mag iinuman kami! Hanggang 10 lang kami dito, kasi baka mahalata tayo! Sasama ka po ba or uuwi ka na sa asawa mo?" nakatawang tanong ni Timothy.
"Uuwi na 'ko!" sagot ni Ruru.
"Wow! Namimiss ang asawa n'ya!" pang-aasar ni James.
"Hindi 'no!" depensa ni Ruru, "pagod na kasi ako!"
"Kunyari ka pa, Sir!" pang aasar ni Timothy.
"O sige saan ba tayo?" hamon ni Ruru.
Naghiyawan ang ibang kasama ni Ruru.
Sa bahay ni Art...
Nag happy-happy sina Ruru at ang iba after ng kanilang surveillance sa hide-out umano nina Lopez.
"Papasok ka ba mamaya, Sir?" tanong ni Art.
"Oo naman, lagot tayo kay Ma'am Kylie 'pag umabsent tayo!" sagot ni Ruru.
"Nagpaalam ka po ba kay Ma'am na hindi ka uuwi ngayon Sir?" tanong ni Timothy.
"Hindi! Tulog na 'yun!" sagot ni Ruru, "maaga pa 'yun mamaya, 'di 'yun magpupuyat!"
***
Contrary sa inaakala ni Ruru, buong gabi hanggang madaling araw na naghihintay at tumatawag si Kylie sa cellphone ni Ruru.
"Nasaan na 'yung lalaking 'yun?" may pag-aalalang sabi ni Kylie sa sarili habang tinatawagan ang cellphone ng asawa.
Nag-decide si Kylie na tawagan si Thirdy.
"Ma'am, katext ko po kanina si Art, magkakasama raw po sila nina Sir Ruru kanina at nasa bahay po sila ni Arturio ngayon!" sagot ng inaantok na si Thirdy.
"Ahh... ganoon ba? Sige, salamat ha. Pasensya na kung naistorbo kita. Bye." Sabi ni Kylie.
Ibinaba ng inis na inis na si Kylie ang kanyang phone saka dumiretso sa banyo para maligo't baka mahuli pa sa pagpasok.
Sa bahay ni Art...
Naghahanda na silang umalis ng bahay ni Art. Tiningnan ni Ruru ang cellphone n'ya.
"Ang sarap maligo!" sigaw ni Art na bagong ligo, "fresh na fresh!"
"Sa HQ na lang kami maliligo, may mga damit naman kami dun sa locker!" sabi ni James.
"Empty batt na pala ang phone ko." sabi ni Ruru.
"Sir gusto mo bang magcharge muna?" tanong ni Art.
YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Cerita PendekHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.