Chapter 7

1.1K 49 5
                                    

Matapos ang walang tigil na pagiimbestiga sa Hide-out ng mga sindikato, nakapalibot ang lahat sa main table ng Main Room at nagpaplano sa raid na mangyayari mamayang madaling araw sa isang sindikato na gumagamit ng mga bata para sa kanilang mga illegal na gawain.

"Our strategy: The Two Q's! Quick and Quiet. Yan ang gagawin natin ngayong gabi!" eksplika ni Ruru, "Kaya 'wag kayong magpapahalata sa disguise n'yo. Kailangan walang pagbabago silang maramdaman sa paligid nila."

"Ingat lang, kasi ililigtas natin 'yung mga batang biktima nila, maaari kasi nilang gawing mga hostages ang mga 'yun kung mabisto tayo." Pasunod na pahayag ni Kylie.

"Dito," turo ni Ruru sa sketch ng Hide-out ng mga sindikato, "nakatago ang mga bata, kaya sa likod dadaan ang iba para makuha natin at mailigtas sila. Quick and Quiet. Kami ni Kylie ang papasok para iligtas ang mga bata." Paliwanag ni Ruru.

"Ruru, ang team nina Timothy ang kukuha sa mga bata." Mahinahong pagtanggi ni Kylie.

"Hindi! Tayong dalawa!" giit ni Ruru.

"Pag-aawayan pa ba natin 'yan?" may pagtataray na tanong ni Kylie.

"Of course not. Grupo ni Timothy." sagot ng may pagka dismaya ni Ruru.

Napangiti lang ang lahat ng team members.

"Maliwanag na ba ang limang groups na may four members each? Pati ang gagawin n'yo? At kami ni Ruru ang sixth group. Alam na alam n'yo na ba ang gagawin n'yo?" tanong ni Kylie sa lahat.

"Yes Ma'am!" sagot ng lahat.

"Walang magpapaputok o kikilos ng wala sa plano hangga't 'di namin sinasabi ni Sir Ruru n'yo, maliwanag?" paglilinaw ni Kylie.

"Yes Ma'am!" maliwanag na sagot ng buong SEX-CIT Team.

Matapos ang pag-uusap, tinungo na ng team ang lugar kung nasaan ang Hide-out na iri-raid nila.

Nakapuwesto na ang lahat sa kani-kanilang lugar na handang-handa kahit madaling araw na.

"Itakas na ang mga bata!" utos ni Ruru sa grupong magliligtas sa mga bata gamit ang earpiece, "The Two Q's, guys, remember The Two Q's."

"Yes Sir!" sagot ng group leader ng isang team na si Timothy.

"Palibutan ang buong lugar. Stay hidden." Utos ni Kylie sa tatlong grupo gamit ang earpiece.

"Yes Ma'am." Sabay-sabay na sagot ng tatlo pang grupo.

"Nina, yung grupo mo, pasimple n'yong paalisin ang mga taong maaaring madamay." utos ni Ruru sa grupo ni Nina, "clear the vicinity."

"Got it Sir!" sagot ni Nina at agad na kumilos kasama ang kanyang team.

"Sir, palabas na po ang mga bata." Pakikipag-usap ni Timothy kay Ruru gamit ang earpiece.

"Timothy, ilabas na silang lahat, and in 20 seconds, susugurin ang loob!" sagot ni Ruru kay Timothy.

"Team, in 20 seconds, we'll take the place." Utos ni Kylie sa lahat ng grupong nakapalibot.

"Yes Ma'am." Sagot ng lahat.

Biglang may tatlong putok ng baril ang gumulantang sa lahat.

"Pasukin na ang loob!" utos ni Ruru sa lahat ng grupo habang tumatakbo papunta sa Hide-out kasunod si Kylie.

"Wag muna lahat!" bawi ni Kylie sa utos at hinila pabalik si Ruru.

"Pasukin na!!!" pagpipilit ni Ruru na pinanlalakihan na ng mata si Kylie at saka tumakbo papunta sa Hide-out.

"Timothy, are you alright?" May pag-aalalang tanong ni Kylie habang tumatakbong nakasunod kay Ruru papasok sa Hide-out ng sindikato, "TIMOTHY! Please answer me!"

"Sinabi ko naman kasi sa'yo, dapat tayo na'ng kumuha sa mga bata eh!!!" pasigaw na may inis na sabi ni Ruru kay Kylie habang tumatakbo sila papasok.

Nagkabarilan at puno ng aksyon ang nangyari sa loob ng Hide-out. Nailabas naman ng maayos nina Timothy ang lahat ng mga bata. Makalipas ang tatlumpung minuto ng putukan at bakbakan, nahuli rin ang sindikato at itinurn-over sa mga pulis. Wala namang napahamak sa buong team ng SEX-CIT kaya't pagkaalis ng pulisya ay napagdesisyunan nang umuwi ng lahat.

Naglalakad ang buong SEX-CIT Team papunta na sa kanilang sasakyan nang pigilan ni Kylie si Ruru sa paghawak sa dibdib nito.

"Ang grupo ni Timothy ang pinagligtas ko sa mga bata para maranasan nila ang bagay na 'yun! Hindi 'yung tayo palagi ang kumikilos at madalas na back-up lang sila, dahil 'yung ganun? Hindi mo 'yun matatawag na Teamwork." Mahinahong may taray na pahayag ni Kylie kay Ruru. Saka nauna na at sumakay sa sasakyan nila.

Napangiti ang team members nang marinig ang mahinahong pagtataray ni Kylie kay Ruru.

Napahinga na lamang ng malalim si Ruru at napailing saka sumunod na at sumakay na rin sa kanyang sasakyan. At naiwan ang Team Members ng SEX-CIT.

"Lover's Quarrel!" pagbibirong sigaw ni Shirt.

Nagtatawanan ang lahat at ginagaya ang kanilang TeamLeaders sa awayan habang naglalakad papunta sa kanilang sasakyan.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now