Pagpasok ni Kylie sa HQ, naabutan n'yang nagkukuwentuhan at nagtatawanan sa Main Room ang ibang SEX-CIT members na maagang dumating.
"Good Morning Ma'am!" bati ng lahat sa pagpasok n'ya.
"Good Morning!" bati rin ni Kylie sa kanila na nakangiti, "sa labas pa lang eh rinig na rinig ko na ang mga tawanan n'yo ah!"
"Ma'am, nag lakwatsa kaming lahat kagabi! Ang saya!" pagmamalaki ni Timothy.
"Lahat kayo?!" gulat na tanong ni Kylie.
"Opo Ma'am. Ang saya, diba bro?!" sagot ni Timothy saka siniko si Art na sumang-ayon sa sinabi ni Timothy.
"Good. Atleast nakikilala n'yo na ang isa't-isa." Sagot ni Kylie. "Anyway, nandiyan na ba ang Sir Ruru n'yo?"
"Wala pa po Ma'am." Sagot ni Art.
"Ahh... Okay. Let's wait for him. May pag-uusapan tayo. About dun sa isang case natin." Paliwanag ni Kylie.
"Okay Ma'am!!!" sagot ng lahat.
Makalipas ang isang oras at hindi pa rin dumarating si Ruru. Tumingin na sa orasan si Kylie.
"9 o'clock na ah. Ba't wala pa si Ruru?!" may tonong pagtatanong ni Kylie sa SEX Team.
Nanahimik kaagad ang CIT dahil alam nilang sa tono ng boses ni Kylie ay naiinis na ito. Wala namang SEX member na sumagot dahil sa kaba sa may kakaibang tonong pagtatanong ni Kylie. Nakatitig lang ang lahat sa kanya.
"Bakit wala pa ang Sir Ruru n'yo?" tanong ulit ni Kylie ngunit mahinahon na.
"Ahhh... Ma'am, madalas lang po talaga kasing ma-late 'yung si Sir." Sagot ng kinakabahang si Shirt, "Eh... alam naman po 'yun ng lahat, pero 'di naman nila masita si Sir, kasi magaling naman po ang performance n'ya kaya po 'di nila masisita dun si Sir."
"Ganun?!" may pagkairitang tanong ni Kylie saka napailing, "okay, please, ahhh... makinig kayo, simulan na muna natin 'yung meeting at plano, nasasayang kasi ang oras natin sa paghihintay lang sa kanya eh."
Agad-agad na sumunod ang buong team kay Kylie.
Makalipas ang isa't kalahating oras ay dumating si Ruru. Saktong pagkatapos din ng pag-uusap ng buong SEX-CIT Team.
"Back to work!" sabi ni Kylie sa buong team at pumasok na sa office nila na parang 'di man lang nakita si Ruru na dumating.
"Good Morning Sir!" bati ng SEX-CIT kay Ruru.
"Good Morning!" nakangiting bati ni Ruru. Papasok na sana ng office n'ya si Ruru pero bigla siyang hinila nina Art at Nick.
"Sir! Sir, teka lang." pagharang ni Nick kay Ruru. "Bad trip kasi si Ma'am kaya ingat lang po diyan ha, 'wag ka po masyadong malikot or maging masyadong maingay."
"Huh?!" naguguluhang tanong ni Ruru, "bakit?"
"Gawa mo Sir! Patay ka! Lagot ka!!!" nananakot na nagpapatawang sagot ni Art. "Nakakatakot palang magalit 'yang si Ma'am. Kinuwento nila sa amin. Di s'ya sumisigaw Sir, pero matatakot ka, kasi sa tono ng pagsasalita n'ya. Nakatikim nga po kami kanina eh."
"Pangalawang araw, nakatikim na agad kayo?" natatawang tanong ni Ruru.
"Sir kasalanan mo naman po eh!" parang batang sagot ni Art.
"Late ka po kasi Sir, kanina ka pa po hinihintay ni Ma'am. Eh isa po sa mga PINAKA ayaw ni Ma'am eh ang mga late! AS IN! Ayaw na ayaw n'ya ng nasasayang ang oras n'ya... dahil 'di na maibabalik 'yun!" paliwanag ni Nick.
"Sir, pinagtanggol ka na po namin ha, pero talagang ayaw n'ya sa late!" sabat ni Art.
Tingin lang ang sagot ni Ruru sa dalawa.
Lumipas ang ilang minuto ay dahan-dahan itong pumasok sa office nila ni Kylie. Tumingin si Kylie sa bumukas na pinto ng office, pero parang walang pumasok at agad siyang tumungo at nagpatuloy sa pagbabasa.
"G-Good Morning." may kaba at hiyang bati ni Ruru.
"You're late..." may tonong sagot ni Kylie habang nakatungo at patuloy sa pagbabasa.
Lumakad papunta sa table n'ya si Ruru saka umupo.
"I know..." nahihiyang sagot ni Ruru, "Sorry. Alam naman nila na male-late ako."
Tumigil sa pagbabasa si Kylie, ibinababa ang mga papers na binabasa at tumingin kay Ruru.
"8 am, dapat nandito na ang lahat, including you!" mahinahon pero mariing paliwanag ni Kylie, "paano kung gayahin ka ng team mo? At 'pag sinita mo naman sila kung bakit sila late, maaari nilang ibalik sa'yo ang tanong. Isa kang leader, you should be a role model, and responsible!"
"You're right," napahiyang sagot ni Ruru, "hindi na mauulit."
"Good." Cold na sagot ni Kylie kay Ruru saka bumalik sa pagbabasa.
Nanahimik sa office nilang dalawa at 'di masyadong makakilos si Ruru sa sobrang hiya.
"Napag-usapan na namin na uunahin 'yung case ng mga sindikato. Pinaasikaso ko na kina James, Bambie, Decond at Jo. Nag o-observe na sila dun." Pagpapaliwanag ni Kylie habang nagbabasa pa din, "Isusunod natin 'yung pastor na fake. Kung okay lang sa'yo, syempre, kailangan pa rin naman ng approval mo."
"Yup. Sure." Sagot ng hiyang-hiya pa ring si Ruru.
Saka bumalik ang katahimikan sa loob ng office nilangdalawa.
YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Short StoryHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.