May party kung saan nagsi-celebrate ng kanyang birthday ang hinihinala nilang drug-lord na si Lopez na kung saan nag crash naman sina Ruru, Kylie, Vince, Shirt, Timothy at Booba na may mga earpiece bawat isa.
Umakyat sina Ruru at Kylie sa second floor ng mansion, kung saan naging watcher nila sa loob ng bahay sina Vince, Shirt, Timothy at Booba.
"Nasaan na si Lopez at kanyang mga alipores?" tanong ni Ruru sa apat gamit ang earpiece habang naglalakad-lakad sa second floor kasama si Kylie.
"Sir, nakalabas na po sila ng bahay at kasama 'yung ibang mga tao na feeling ko ay mga kasosyo n'ya at sa garahe sa likod sila nag-uusap." Sagot ni Vince na medyo nilalapat pa ang earpiece.
"Papasok na kami sa office n'ya." Dagdag ni Ruru, "Be our eyes."
"Yes Sir!" sagot ni Vince.
Sinungkit ni Ruru ang naka-lock na pintuan para bumukas, at pumasok na sila ni Kylie sa office ni Lopez at agad na nagsimulang maghanap-hanap ng mga bagay-bagay na maaari nilang gamiting ebidensya pa laban sa hinihinalang drug-lord na ito.
"May nakita ka na?" tanong ni Kylie kay Ruru habang abalang naghahanap-hanap.
"Wala pa." sagot ni Ruru, "Ano bang dapat nating makita?" natatawang tanong nito.
"Anything!" kunot-noong sagot ni Kylie, "huwag tayong masyadong magkalat dito. Mahahalata tayo."
"Yes, Ma'am!" sagot ni Ruru.
Makalipas ang ilang minutong paghahanap.
"Ito, organizer ni Lopez." Bulong ni Kylie kay Ruru saka binuklat ang nakita at nagbasa-basa, "May mga pictures."
"Ano pang nakita mo?" tanong ni Ruru na patuloy sa paghahanap.
"Anak n'ya siguro ito," sabi ni Kylie habang nakatingin sa pictures na hawak, "guwapo ha!"
Hinablot ni Ruru ang hawak ni Kylie, "Nasaan? Ito?" sabat ni Ruru, "Hindi nga eh!!! Mukhang adik na 'di naliligo kaya!"
Inagaw ni Kylie ang mga pictures kay Ruru, "maghanap ka na lang diyan ng mga pwede pang ebidensya." Iritableng sabi ni Kylie.
Nag make face si Ruru pagkatalikod kay Kylie. Ngunit napatigil sila at nagulat nang biglang may marinig na boses sa labas mismo ng silid kung nasaan sila. At bumukas ng bahagya ang pintuan, ngunit sumara rin kaagad.
"Sino 'yun?" kinakabahang tanong ni Ruru.
"Kailangan nating magtago Ruru, bumalik rito si Lopez!" sagot ni Kylie at ibinalik ang organizer na nakuha kung saan n'ya ito natagpuan.
Sa labas ng silid...
"SIR! SIR!" tumatakbong habol ni Timothy kay Mr. Lopez kasunod si Shirt.
Nabuksan ni Mr. Lopez ng bahagya ang pintuan ng kanyang office ngunit nang marinig ang tawag ni Timothy ay agad ding humarap sa kanila at isinara ang pintuan ng opisina n'ya.
"Yes?" sagot ni Mr. Lopez.
"Sir," nahihingal na sagot ni Timothy, "may kailangan lang po akong itanong sa inyo."
"Ano 'yun?" tanong ni Mr. Lopez, "nagmamadali kasi ako kaya kung maaari ay pakidalian iho."
"Mr. Federico Lopez. Isa po akong reporter. At may kailangan lang po akong itanong sa inyo." Malakas na malakas na sabi ni Timothy kung saan ipinaririnig talaga nito ang boses kina Kylie at Ruru na nasa loob.
YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Short StoryHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.