Chapter 11

1.2K 51 4
                                    


Lunch break ng Monday, tinungo nina Ruru at Firsty ang bahay nina Leo at Kate, isa sa mga biktima nung fake na pastor, at pinapasok naman sila ng mag-asawa sa kanilang bahay.

"Upo kayo!" sabi ni Leo, "Juice?"

"Sige po! Ayos lang po kami." Sagot ni Ruru.

Nag serve ng juice at tinapay si Kate para kina Ruru at saka umupo sa tabi ng asawang si Leo.

"Salamat, Ma'am." Sagot ni Ruru, "Narito po kami para sabihan kayo na inimbistigahan namin 'yung pastor na nagkasal sa inyo pati 'yung mga nag asikaso ng mga papers para sa kasal n'yo at sinasabing fake nga raw po. Tatlo nga po kayong nagrereklamo sa kanila eh at mas napagtibay na rin namin 'yung mga ebidensya at kailangan---"

"Ahh 'yun ba?" sabat ni Leo, "Tumawag nga sila sa amin nung isang araw, nung... Friday."

"Talaga po?" tanong ni Ruru.

Uminom ng juice si Firsty.

"Nagkaproblema raw sila, kaya nung i-check namin, 'di kami kasal, pero naasikaso na raw nila, kaya kasal pala talaga kami." Sagot ni Leo.

Nagulat si Ruru at nabilaukan naman si Firsty sa pagkakainom ng juice.

"HUH?!!!" wala sa sariling tanong ni Ruru, "KASAL KAYO TALAGA?!!?"

"Oo, kasal kami, ganun rin 'yung dalawang kasabay naming nagreklamo." Sagot ni Kate, "hindi s'ya fake!!!"

Nanlambot si Ruru at agad sinunggaban ang pitsel ng juice at ininom na nasa center table na isinerve sa kanila ni Kate kanina. Napatingin ng may pagkagulat sina Leo at Kate kay Ruru nang bigla nitong hablutin ang pitsel.

"Ahh... Sige po aalis na po kami! Salamat po." paalam ni Firsty.

"O sige!" sagot ni Leo, "Ayos lang ba 'yang kasama mo?"

Tumayo na sina Ruru at Firsty.

"Ahh... Yes Sir, ayos lang 'yan, diba Sir Ruru?" sagot ni Firsty, "salamat po ulit Ma'am, Sir!"

Tuluyan nang umalis sina Ruru at Firsty sa bahay nina Leo at Kate at dali-daling bumalik ng HQ ang dalawa.

***

Nagbubulungan ang mga team members sa loob ng HQ nang pumasok ang nanlalambot at wala sa sariling si Ruru sa Main Room at umupo agad sa sofa kasunod ang kasamang si Firsty.

"Sir..." sabi ni Nina, "nakausap po namin sina Mr. and Mrs. De Leon, at nalaman po namin ni Booba na---"

Itininaas ni Ruru ang kamay na ang ibig sabihin ay "tigil" bago pa man matapos ni Nina ang sasabihin.

"Sir, pareho po kami ng nadiskubre nina Nina." Mahinhing sagot ni Thirdy.

Nakatingin lang sa kawalan si Ruru.

"Pareho siguro tayo ng nalaman..." bulong ni Firsty sa team, "pati 'yung kasal nina Ma'am at Sir, legal."

Bumukas ang pinto ng Main Room at pumasok si Kylie.

"Oh, nandito na pala kayo! Kumusta ang lakad?" nakangiting tanong ni Kylie, "Pinatawag ako ni Chief, kinukumusta 'yung cases natin at---"

Walang sumagot at wala pa rin sa sarili si Ruru.

"Guys, what's wrong?" pag-aalalang tanong ni Kylie sa lahat na sobrang tahimik na talaga namang nakakapanibago.

"Sir? Ikaw na po ang magsabi?" bulong ni Firsty kay Ruru.

Tumango si Ruru na ang ibig sabihin ay "Oo". Tumayo si Ruru at hinila si Kylie sa isang sulok.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now