Bahagyang binuksan ni Bob ang pintuan ng office nila at nakita n'ya sa loob si Kylie na nakasandal sa table n'ya at malalim ang iniisip. Tinitigan n'ya ito saka dahan-dahang pumasok.
"Saan ka nanggaling?" tanong ni Bob, "nag-alala kami sa'yo ah!"
"Nagpahinga lang ako saglit sa bahay." Sagot ni Kylie. "Two weeks from now, susugod na sina Chief Bern at ang team mo sa sinasabing pinaka wanted na drug-lord na inakala naming si Lopez."
Hindi kumibo si Bob.
"Okay ka lang?" tanong ni Kylie.
"I love you." Nakangiting bulong ni Bob na titig na titig sa kanya.
Sa labas ng office...
Pumasok si Ruru at nakitang sina Art at James lang ang nasa Main Room.
"Nasaan ang iba?" tanong ni Ruru, "10 minutes pa bago mag-uwian ah?"
Napatingin ang dalawa kay Ruru at nagulat, natuwa nang makita siya, "SIR RURU!!!" masayang bati ni James na yumakap pa, "buti naman po at matapos ang mahabang panahon eh naisipan n'yo kaming puntahan."
"Akala namin eh kinalimutan mo na po kaming mga anak mo dito eh!" sabat ni Art na parang bata, "Miss ka na naming, Sir! Sobra!!!"
"Hindi naman sa ganun, naging busy lang din ako ng sobra! Sorry!" sagot ni Ruru, "nasaan nga pala ang iba?"
"Nasa Training Grounds Sir!" sagot ni Art na papunta na ng pintuan para lumabas kasunod si James.
"Papunta kami dun, Sir! Sunod ka po dun ha? Matutuwa ang lahat na makita ka! Sigurado 'yun!" anyaya ni James, "miss ka na naming, Sir!"
"Sige! Susunod ako James! Nasaan ang Ma'am Kylie n'yo nga pala?" tanong ni Ruru.
"Uy! Namimiss ang asawa n'ya! Nasa office, Sir!" sagot ni Art, "sige po, sunod ka ha!"
"Oo! Salamat!" sagot ni Ruru sa dalawa bago sila tuluyang lumabas ng HQ.
Pumunta si Ruru sa pintuan ng office at bahagya itong binuksan. Nakita niyang papalapit ang mukha ni Bob kay Kylie at saka hinalikan ito. Nanlaki ang mga mata ni Ruru sa gulat nang masaksihan ito't saka dahan-dahang isinara ang pintuan at dali-daling umalis.
Sa loob...
Mahinahong itinulak ni Kylie si Bob para itigil ang paghalik sa kanya.
"Bob, I'm sorry." Nahihiyang sabi ni Kylie.
"I love you!" Nakangiting sabi ni Bob.
"I know!" sagot ni Kylie, "pero 'di na tayo pwede, Bob. Kasal na 'ko! May asawa na 'ko."
"Pero, hindi naman tala--" nabiting sabi ni Bob.
"I'm pregnant!" sabat ni Kylie. "I just found out."
Gulat na gulat si Bob sa narinig, "Oh! Wow! Congratulations!"
Nanahimik sila ng panandalian.
"Uuwi na ako Bob, kailangan ko pa itong sabihin kay Ruru." PagSira sa katahimikang sabi ni Kylie, "I'm so sorry."
Pinilit ngumiti ni Bob. Palabas na sana si Kylie pero bumalik ito at niyakap si Bob saka dumiretsong muli sa pintuan.
"KYLIE!!!" habol ni Bob.
Napalingon si Kylie bago lumabas.
"N-Ninong ako ha?" Pagpipigil sa luhang sabi ni Bob.
YOU ARE READING
BEAUTIFUL DISASTER
Storie breviHe's Beautiful. She's Beautiful. But Together, they are a Disaster. But a Beautiful Disaster.