Chapter 4

1.2K 53 6
                                    

Pag-uwi ni Ruru mula sa trabaho, agad nitong tinungo ang dining room kung saan naroroon ang kanyang ina at ama.

"Hi, Ma." Bati ni Ruru saka nagmano at humalik sa kanyang Mama na naghahanda ng dinner nila, "Hi, Pa."

Nagmano din agad si Ruru sa amang nasa tabi ng refrigerator at tila may hinahanap.

"Oh anak. Kumusta 'yung bago mong team? Mayayabang ba?" tanong ni Mrs. Gonzalez.

"Okay naman po sila Ma. Nasarapan nga po sila sa mga niluto mo eh. Uhm... Yung bagong team? Mababait naman po sila, 'di tulad nung mga nakasama ko noon sa Station 1 nung mag duty ako for six months. Hindi sila mayabang. Mabait rin naman 'yung Team Leader nila, si Kylie. Pero nanliliit ako 'pag kasama ko s'ya." Sagot ni Ruru habang tinutulungan na rin n'ya ang inang naghahanda.

"Bakit? Masyado bang matangkad 'yung babaeng 'yun?!" natatawang tanong ng kanyang ama.

"Hindi naman, Pa!" natatawang sagot ni Ruru, "Okay naman po 'yung height n'ya, pero sa posture at sa pagsasalita pa lang, alam mo nang magaling! Matalino, tapos laki pa sa yaman." Nahihiyang sagot ni Ruru, "Ngayon nga lang po ako na-intimidate ng ganun sa isang babae sa buong buhay ko eh, nakaka-insecure."

"Aba! Oo nga ano?! Ano bang mayroon ang babaeng 'yun?" Tanong ni Mrs. Gonzalez.

"Maganda ba?" panunuksong dugtong ni Mr. Gonzales.

Di kaagad nakapagsalita si Ruru. Napangiti. Nagkatinginan naman ang mga magulang ni Ruru, natatawa.

"Uhm... Maganda s'ya... Kaya mas lalo pong nakaka intimidate." Nakangiting sagot ni Ruru.

"Ayyy... Sus! Baka naman type mo kaya ka nagkakaganyan anak!?" nakatawang tanong ng kanyang ina.

"Ma... Susyalera 'yun! At, 'di ko pa naman talaga 'yun kilala, malay n'yo, nag babait-baitan lang s'ya!" depensang sagot ni Ruru.

Umupo na sa kanyang upuan si Ruru at patuloy pa rin sa pag-aayos ang kanyang ina.

"Nakow!!! Anak, ikaw ha. Iyan ka na naman eh. Wag ka padalus-dalos d'yan ha. Alam na alam ko na 'yang mga banat mong ganyan. Nagiging sobrang maingat ka, kasi type mo. Huwag kami ang lokohin mo!" nagtatawang biro ni Mr. Gonzales.

"Pa! Hindi talaga! Grabe. Wala 'yun. Hindi ko type 'yun. Masyadong magkaiba kami. Saka mataas masyado." Defensive at natatawang sagot ni Ruru sa kanyang tatay.

"Huwag kang magsalita ng tapos anak. Baka mamaya, o isang araw, magulat na lang ako't inlove ka na sa kanya!" natatawang pagbibiro ni Mrs. Gonzalez. "Jamie, pakitawag mo na nga ang mga kapatid mo, kakain na anak!" sigaw ni Mrs. Gonzalez sa isa pa n'yang anak.

"Hindi 'yun, Ma." sagot ni Ruru na natatawa.

Sabay-sabay na kumain ang pamilya Gonzalez.    

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now