Chapter 13

1.2K 57 8
                                        

Nang makarating ang dalawa sa bahay nina Kylie, agad silang pumasok sa gate at dumiretso sa tapat ng main door ng bahay sina Kylie at Ruru.

"Okay na ba ako?" tanong ni Ruru habang inaayos ang damit, "gusot ba 'yung polo ko?"

"Ruru, don't worry, 'di mo naman kailangang mag pa-impress. Hindi naman kita ipapakilala bilang asawa, magpapaliwanag lang ako na trabaho natin 'yun at nagkaroon lang ng aberya." Pang kalmang sabi ni Kylie, "Basta 'wag na 'wag kang aalis sa likuran ko."

"Clear!" sagot ni Ruru.

Kumatok na si Kylie sa pintuan. Makalipas ang ilang segundo, agad na may nagbukas ng pintuan.

"Kylie!!!" masayang bati ng nagbukas ng pintuan, isang babae.

"Yaya Al!" sabay yakap ni Kylie sa kanyang yaya.

"Magandang gabi po." Bati naman ni Ruru.

"Uy! Guwapo ha!" tukso ni Yaya Al kay Kylie, "Magandang gabi rin sa'yo Iho, pasok, pasok."

Napangiti na lang si Ruru.

Pumasok sina Kylie sa loob at agad na lumapit ang ina ni Kylie na nasa sala nang makita sila.

"Mommy..." May kabang sabi ni Kylie.

Lumapit ang kanyang ina at niyakap ang anak, "Siya ba ang asawa mo? Guwapo, magaling ka talagang pumili anak." Panunuksong sabi ng kanyang ina.

"Magandang gabi po." Bati ni Ruru sa ina ni Kylie sabay mano nito at bigay ng rose na dala.

"Salamat iho." Sabi ni Mrs. Figueroa.

"Galit ka rin ba sa akin Mommy?" tanong ni Kylie sa ina.

"Malaki ka na anak, alam kong alam mo na ang ginagawa mo sa buhay mo, pero syempre, nagtatampo ako, kasi ni hindi mo man lang kami naisip bago ka nagpakasal." May lungkot sa mukha na sabi ng kanyang ina.

"Mommy, mali po ang inaakala n'yo, kasi po---" nabiting sagot ni Kylie.

"Kylie Nicole." Mahinahon pero may lakas na sabat ni Mr. Figueroa na pababa ng hagdan at papunta ng sala kung nasaan sila.

Nanlaki ang mga mata at bumilis ang pagtibok ng puso ni Kylie gayun din ang kay Ruru, "Daddy!" sabi ni Kylie sabay hawi kay Ruru papunta sa kanyang likuran.

"Di man lang ba ako yayakapin ng aking unica hija?" sabi ni Mr. Figueroa.

Lumapit si Kylie para humalik at yumakap sa ama at agad na bumalik sa kanyang puwesto kung saan hinaharangan si Ruru.

Tumingin si Mr. Figueroa kay Ruru at animo'y naghihintay na magsalita ito.

"M-Magandang gabi po Sir!" kabadong sabi ni Ruru, "ahh... I-ito po, wine, mahilig raw po kayo sa wine sabi ni Kylie." Sabay abot ng wine pero inagaw ni Kylie at siya ang nag-abot sa kanyang ama.

"Salamat." Walang emosyong sagot ni Mr. Figueroa kay Ruru matapos makuha ang wine.

Iniabot ni Mr. Figueroa ang wine kay Mrs. Figueroa at bahagyang lumapit kina Kylie.

"Daddy?!" kinakabahang tanong ni Kylie habang bahagyang umurong kasama si Ruru.

"Iho, Ganyan ka ba talaga?" tanong ni Mr. Figueroa, "Hindi ka ba marunong magbigay respeto sa nakakatanda sa'yo? Hindi ka ba marunong magmano?"

Tumingin lang si Ruru kay Kylie, na umiling na ang ibig sabihin ay "huwag."

"Ano iho? Magtatago ka na lang sa likod ng anak ko?" malumanay ngunit may pang-iinis na tanong ni Mr. Figueroa, "Duwag."

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now