Chapter 9

1.1K 50 6
                                    


Nasa Main Room ang lahat maliban kay Ruru. Ang iba ay abala at ang iba naman ay nagkakatuwaan lang.

"Nabasa ko na 'yung mga statements nung tatlong nagpakasal pero fake naman pala." Naglalakad na pahayag ni Kylie sa iba na malapit sa kanya at saka umupo, "Kailangan na nating imbestigahan 'yung kaso na ito as soon as possible."

"Ma'am opo nga po, sabi, parang legal raw po lahat, aatend pa ng seminar 'yung ikakasal. Magaling nga 'yung mga 'yan." Paliwanag ni James at napabaling na ang atensyon ng lahat sa pinag-uusapan nina Kylie.

"Oo nga raw!" pagsang-ayon ni Kylie, "Art, pumunta nga kayo mamaya dun after lunch tapos tanong n'yo ang mga kailangan ng mga gustong magpakasal. Pati kung magkano. Sila na raw ang bahalang maglakad ng mga papers eh, lahat-lahat, kaya lang, malaki ang bayad, magsama ka ng isa diyan sa team."

Lumabas si Ruru ng office nila.

"Anong pinag-uusapan n'yo?" bulong ni Ruru kay Timothy nang makitang nag uusap-usap ang lahat.

"Tungkol po sa second Major Case, Sir Pogi." Sagot ni Timothy.

At umupo sa isang upuan si Ruru at nakinig. Nakita siya ni Kylie pero 'di na pinansin pa.

"Yung mga maiiwan nina Art, paguusapan naman natin 'yung third case, 'yung pinakamahirap na case at pinakadelikadong hinahawakan natin ngayon." Dagdag ni Kylie, "At 'yung mga plano na rin natin sa second at third Major Cases, at sa mga Minor Cases na rin."

"Ma'am, may naisip po akong pwede nating gawin na surveillance sa second case. Masaya rin 'yung naisip ko!" nae-excite na sabi ni Timothy.

"Naku Timoy, kilala kita, seryosohin mo kami ha!" nakangiting sagot ni Kylie.

"Ma'am seryoso po ako, pero masaya po 'tong plano ko!" natatawang sagot ni Timothy, "Ganito Ma'am, may magpapakasal sa atin, tapos, ivi-video na rin natin, pwede rin pong dagdag evidence 'yung video diba?! Tapos lahat tayo kasama doon, tapos may kainan after! Yehey!"

Nagtawanan ang lahat.

"Bakit kailangan pang merong magpakasal? Investigation lang ang gagawin natin, Timoy." Tanong ni Kylie na nakangiti rin.

"Para may video tayo Ma'am at para naman kahit papaano po eh makapagsaya tayo ulit while working!" nakangiting sagot ni Timothy.

"Aksaya lang sa oras 'yan. Hingin na lang natin 'yung video nung tatlong nagpakasal, evidence na 'yun!" mahinahong sagot ni Kylie.

"Walang video yung tatlong nagpakasal." Walang emosyong sabat ni Ruru habang nagbabasa ng isang tabloid.

Napatingin si Kylie kay Ruru, "At paano mo naman nalaman 'yun?!" may pagtataray sa boses ni Kylie.

"Dahil ako po ang nagtanong sa mga 'yan at wala po silang video-- Ma'am." Walang pagbabago sa tono ni Ruru.

"Eh 'di pictures!" sagot ni Kylie, "Makita lang sila sa picture, enough na 'yun, at kaya nga tayo magiimbestiga eh!"

"Wala rin po!" May tonong nang-iinis na sa boses ni Ruru.

"Seryoso ka ba, Mr. Gonzalez?" may pagkairitang tanong ni Kylie.

Ibinaba ni Ruru ang tabloid na hawak at tumingin kay Kylie "Mukha po ba akong nagbibiro ha... MA'AM KYLIE FIGUEROA? May pictures, nila, nung mga kinasal, oo, pero nung mga kawatan, wala." may pagkasarcastic na sagot ni Ruru, "And I think, maganda 'yung idea ni Timothy! Ako? Boto ako dun! At least, mas lalakas 'yung ebidensya at makakapagsaya pa tayo!"

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now