Chapter 30

1.2K 51 2
                                    

Napapadalas ang labas nina Ruru at Dianne. Halos araw-araw, pagkatapos ng trabaho ni Ruru sa negosyo nila ay madalas siyang dumadaan sa bahay ng parents n'ya dahil malapit ito sa pinagtatrabahuhan n'ya at palaging si Dianne ang kanyang nakakasama dahil madalas silang magkayayaan. Nalalaman naman ito ni Kylie dahil 'pag dumadalaw silang mag-asawa sa bahay nina Ruru ay madalas na mapag-usapan ito ng pamilya. Pinipilit na sinasabi ni Kylie sa sarili na dahil matalik na magkaibigan ang dalawa kaya lang ganun. Ngunit napapansin ni Kylie na nagiging sweet na rin sina Dianne at Ruru na ikinaiinis n'ya ng sobra. Isang gabi pagkauwi ni Ruru mula sa isang lakad kasama si Dianne nakita nito si Kylie na nakaupo sa sala at nanonood ng TV, nilapitan n'ya ito at hahalik sana sa asawa sa pagdating pero iniwas ni Kylie ang mukha.

"How's you and your girlfriend?" sarcastic na tanong ni Kylie na hindi man lang nilingon si Ruru.

Nagulat si Ruru sa bati ni Kylie. "M-May problema ba tayo, baby?" may konting takot na tanong ni Ruru.

"Wag na 'wag mo 'kong tatawaging "baby"!" inis at mataray na sagot ni Kylie sa asawa saka pinatay ang TV, "Hindi ako si Dianne!"

Napatahimik lang si Ruru at nagulat sa pagtataray ni Kylie.

"Nag dinner ka na! Alam kong kumain na kayo ni Dianne. Saka alam kong 'yung pakikipag-usap mo kay Lloyd tungkol sa NBI, uhm... Si Dianne din ang kasama mo diba? Tapos, diba nanood kayo ng sine kahapon na dalawa! Ni Dianne din, tapos... Ano pa ba?!" tuluy-tuloy na sabi ni Kylie at medyo tumaas na ang boses nito't nakatayo na.

Nakatingin lang sa windang si Ruru.

"OWH!!! SA KANYA KA NA RIN UMUWI!!! TUTAL ARAW-ARAW NAMAN KAYONG NAGKAKASAMA!" Dugtong ng inis na inis na si Kylie.

Nanahimik ng sandali ang dalawa. Huminga ng malalim si Kylie nang marealize n'ya na nasigawan n'ya ang asawa, "Sorry," mahina at hiyang-hiyang sabi ni Kylie saka dahan-dahang umupo.

Biglang tumawa ng malakas si Ruru, napatingin lang sa kanya si Kylie na naguguluhan.

"Bakit ka tumatawa!!?" inis na tanong ni Kylie.

"Nagseselos ka 'no?" pang-iinis ni Ruru.

Napakagat sa labi si Kylie at 'di alam kung sasagot.

"Ano? Selos ka 'no?" sabat ulit ni Ruru.

Umiling si Kylie, "Aminin mo na!!!" dagdag ni Ruru, "nagseselos ka!!!"

"Eh ano naman?!" sagot ni Kylie ng may hiya.

Napangiti si Ruru sa tuwa nang marinig 'yun, "ang cute mo magselos!" sabay tawang sabi ni Ruru.

Napangiti si Kylie sa comment ni Ruru at nagtawanan nalang silang dalawa.    

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now