Chapter 6

1.1K 49 2
                                    


Nang mag lunch ay agad na nagpunta ng Mess Hall si Ruru at umupo na sa isang table doon, kasunod ang ibang team n'ya na sumabay mag-lunch sa kanya.

"Uy Sir, bakit nananahimik ka po diyan?" concerned na tanong ni Thirdy, "may problema ka po ba?"

"Wala naman!" nakangiting sagot ni Ruru, "Tulad n'yo rin, nakatikim lang din naman ako kay Ma'am Kylie kanina!" natatawang dugtong n'ya.

"Naku Sir!" nakangiting sabat ni Nina, "ganun lang po 'yung si Ma'am, pero mabait po 'yun. Di n'yo pa lang po masyadong kilala, pero makakasundo n'yo rin po 'yan." Pagtatanggol ni Nina.

Nagtatawang sumagot si Ruru, "Nina, alam ko namang kasalanan ko, kaya okay lang, pero napahiya ako sa kanya eh, ang laki pa naman ng tiwala ni Chief sa amin na hindi s'ya mapapahiya."

"Sir Pogi, 'wag kayong mag-alala, 'di naman magsusumbong 'yung si Ma'am eh. Sa umpisa lang po parang suplada 'yun. Pero mabait talaga 'yun. May pagkasuplada lang talaga. Strikta din kasi 'yun, sobra. Kapag trabaho? TRABAHO!" Sambit ni Timothy.

"Wag kayong mag-alala. Magiging okay din tayo." Nakangiting sagot ni Ruru.

"Sir, sino po ang nag binyag sa'yo ng palayaw na "Sir Pogi" dito sa Station 3?" tanong ni Mae.

Napangiti si Ruru sa tanong.

"Nag start kasi 'yan sa isang misyon na binigay sa amin. Yung isang target namin, si Mistress, are you familiar with the case?" tanong ni Shirt sa iba.

"Yes! Very famous case, 'yan yung mga prostitutes na serial killers." Sagot ni Nina.

"We solved that case. At si Sir, ang palayaw n'ya, nung undercover pa s'ya, ay "Pogi". Iyan ang ibinansag sa kanya nina Mistress and Baroness. Kaya 'yun." Pagtatapos ni Shirt.

"I know the whole story. I made the research." Pagmamayabang ni Timothy, "Hindi lang masyadong in-acknowledge ng ibang taga Stations 1 and 2, kasi hindi nila matanggap na sa Station 3 napunta 'yung ganung kalaking kaso, na ito din ang nakasolve, at hindi sila."

"Yay! I heard the story din. Pero 'di nga masyadong napublicize sa Station 1 'yun ah. Ang galing Sir!" manghang sabi ni Nina, "Ikaw pala 'yun Sir!"

Napatango na lang si Ruru dahil nahiya ito sa mga papuri. Nagsimula silang kumain at manahimik.

"Sir, alam mo ba, bagay kaya kayo ni Ma'am eh. Diba guys!?" Panunukso ni Booba.

Um-oo ang lahat ng mga kasama nina Ruru.

"Tigilan n'yo nga ako!" nagulat pero natatawang sagot ni Ruru, "Ugaling-ugali n'yong lahat talaga 'yang ipareha ako kung kani-kanino! Kumain na nga lang tayo."

Nagpatuloy sa pagkain ang lahat.

"Sir, ikaw raw po ang pinakamatinik na agent sa Station 3 ah... heartthrob ka pa! May girlfriend ka na po ba?" may kilig na pagtatanong ni Maggie.

"Wala! Walang girlfriend 'yang si Sir!" pananabat ni Thirdy na ikinatawa lang ni Ruru.

"Di nga Sir? Wala?" pahabol na tanong ni Maggie na hindi naniniwala.

Umiling lang si Ruru.

"Eh si Ma'am Kylie ba taken na?" nae-excite na tanong ni Shirt.

"Wala rin! Pero kilala namin 'yung last na naging boyfriend n'ya. At kung mayroon mang bago, malalaman namin agad 'yun, kasi open sa amin 'yang si Ma'am. Mamaya nga, Sir, magkukuwento 'yang si Ma'am tungkol sa inis n'ya sa'yo kanina. Panigurado 'yun." Sagot ni Mae.

"Ganun ba?!" nag-aalalang tanong ni Ruru, "nakakahiya naman."

"Yaan mo, Sir Pogi, sasabihin namin sa'yo kung anong sasabihin ni Ma'am!" sabat ni Timothy, "Hindi naman po nanlalait 'yun ng tao, pero 'pag nainis s'ya, naiinis s'ya talaga."

Napangiti lang si Ruru at napatahimik ng sandali.

"Hindi ko inaasahang sa maikling panahon eh mapapalapit kayo sa amin agad," manghang nasabi ni Ruru, "Hindi ko kasi talaga gusto ang mga tao sa Station 1. Ibang-iba kayo sa kanila, kasi sila mayayabang, mapanlait at mapangmataas, may maipagmamalaki nga sila dahil talagang 'di naman maipagkakailang magagaling kayong mga taga Station 1, pero sila... kapag nalaman na nilang galing ka sa mas mababang istasyon, lalaitin ka na nila! Manliliit ka talaga! Nakakainis."

"Hay naku Sir, kahit naman po kami naiinis sa mga kayabangan ng mga 'yun. Lahat sila, ganun. Buti na nga lang po at hindi ganun si Ma'am Kylie, lagi n'yang sinasabi sa amin na huwag kaming magyayabang at manlalait. Basta ipakita na lang namin 'yung kaya namin, kung may pumuri man, resulta raw 'yun ng paghihirap at pagtutulungan namin." Paliwanag ni Timothy, "Honestly Sir, kahit second day pa lang namin dito, ayoko nang bumalik sa Station 1, maganda nga ang lugar, mga HQ at talagang high-tech, kaya lang napaka lungkot dun, panay kumpetensya ang alam sa katawan, pagalingan ng pagalingan, mayayabang ang mga tao, lalong lalo na 'yung mga Team Leaders, grabe, ibang-iba sila kay Ma'am."

"Talaga?!" hindi makapaniwalang pagtatanong ni Thirdy, "grabe naman sila."

"Oo, at hindi close 'yung mga Team Leaders sa team nila, kasi ang turing nila sa mga 'yun, mga alalay nila, alipin. Kaya, sila-sila, nagpa-plastikan na lang. Kami nga lang ang 'di mautus-utusan ng basta-basta ng mga Team Leaders ng ibang teams, kasi ipinagtatanggol agad kami ni Ma'am Kylie. Kahit s'ya ang nag-iisang Team Leader na babae sa Station 1, ang laki ng takot nila kay Ma'am Kylie 'no! Nakukuha nga sila sa tingin eh." Natatawang sagot ni Maggie sa tanong ni Thirdy.

"Saka, bihira makisalamuha 'yung si Ma'am sa ibang teams doon, baka raw kasi mapaaway lang kami, kaya 'pag may mga Team meetings lang kami talaga nakikisama sa kanila or 'pag kailangan lang talaga. Madalas lang kami sa HQ namin at lalabas lang 'pag breaks o uwian na. Di tulad nung iba, laging nasa Main Lobby, at nagpapayabangan." paliwanag ni Timothy.

"Naranasan kong ma-bully nung mga 'yun dati." Kwento ni Ruru, "Kaya nga kahit pinipilit na 'ko ni Chief na ipromote papuntang Station 1, niri-reject ko. Masaya na 'ko sa Station 3, ito na ang tahanan namin."

"Lalo mo kaming napapahanga Sir Pogi, kasi, 'di ka nasisilaw sa kapangyarihan, buti na lang, sa'yo kami naisama." may respetong pahayag ni Timothy.

"Sus! Sipsip! Kumainna lang tayo! Mamaya, ma-late pa tayo, lagot tayo kay Ma'am Kylie n'yan!" natatawang biro ni Ruru.

BEAUTIFUL DISASTERWhere stories live. Discover now