It was a successful trip para sa team ni Trish. Naging maganda ang naging outcome ng pag-aaral nila para sa bagong project ng kumpanya nito sa Singapore kaya naman magandang balita ang hatid ng mga ito sa kanilang Boss. Excited din ito dahil after two weeks ay magkikita na sila ng boyfriend na si Stan. Nagkausap pa sila kanina before sila umalis ng Singapore kaya sigurado siyang naghihintay na sa kanya ang boyfriend. Matapos makuha ang luggage ay nagpaalam at humiwalay na ito sa mga kasama. Magaan ang paghakbang na tinungo nito ang waiting area.
********************
Ngiting ngiti ang binata sa ginawa ng dalaga, Sa kanyang pagharap ay akmang yayakapin niya ang dalaga subalit bigla siyang natigilan. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang binata. Ilang beses pa itong kumurap-kurap upang luminaw ang bahagyang nanlabong mga mata. Hindi nito magawang kumilos dahil hindi nito inasahan ang nasa harapan niya ngayon. Hindi maintindihan ni Stan kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Mabilis ang tibok ng dibdib ng binata, gusto niyang magsalita subalit walang lumabas sa kanyang bibig. Maraming emosyon ang gustong kumawala sa kanyang dibdib, pero hindi kayang itago nito ang sakit, galit at... pananabik?.
Napapikit ang binata at ipinilig ang ulo. Gusto nitong burahin ang kung anumang damdaming muling umuusbong sa oras na ito. Maaring nabigla lamang siya sa hindi inaasahang pangyayari.
Maaliwalas at matamis na ngiti ang pambungad ni Janine sa dating nobyo. Makikitaan ito ng kasiyahan at kapayapaan. Hindi pa rin nagbabago ang dalaga, maganda pa rin ito at puno ng buhay. Bagay na hindi maitatanggi ni Stan sa mga oras na iyon.
"Is that how you gonna welcome an old friend? Are you just gonna stare at me? Wala man lang bang hi or hello?", casual na panimula ni Janine.
Friendly naman ang approach nito subalit wala pa ring maisip na sasabihin si Stan.
"We'll I guess you're just too shocked to see me", dugtong pa ni Janine na sinamahan ng mahinang pagtawa. "It's okay, we have a lot of time to catch up..."
Wala pa ring sinasabi si Stan pero hindi naman maalis ang mga mata nito sa dalaga. Nagtataka naman si Janine kung bakit nasa airport si Stan. She knows na hindi siya ang sadya nito dahil wala naman nakaka-alam ng exact na pag-uwi niya kundi ang malapit ng pinsan. Nagpalinga-linga ito at pagkatapos ay biniro ang binata.
********************
Samantala, bukod kay Janine ay may isang pang babae na kanina pa din palinga-linga at hinahanap ang sundo nito subalit dahil sa karamihan ng tao ay hindi niya rin agad makita. Naglakad-lakad pa ito hanggang sa makita nito si Stan na bahagyang nakatalikod at may kausap. Masayang tinungo ni Trish ang kinaroroonan ng mga ito.
********************
"Hmmm... After all this years, you still keep on surprising me. How did you know na ngayon ang dating ko? Are you still using you're old car?", Pilyang pagbibiro ni Janine na bahagyang ikinarattle ni Stan.
Hindi handa si Stan na makita si Janine subalit lalong hindi niya napaghandaan ang posibleng pagkikita nito at ni Trish. Alam niyang walang problema kung mag meet man ang mga ito subalit parang hindi pa panahon.
Nakita ni Janine ang naging reaksyon ni Stan. Hanggang ngayon ay wala pa rin pinagbago ang dating boyfriend, kilalang kilala nya pa rin ito. Lihim na natawa si Janine dahil dito. Tumunog ang cellphone nito at agad din sinagot ng dalaga.
"O 'pano, andyan na ang sundo ko, I guess kailangan natin magset-up ng get together with the others. Sigurado magugulat sila pag nakita nila ako. Please don't tell them muna. I want to surprise them. Sige, see ya!", at humalik pa ito sa pinsgi ng binata bago tuluyang naglakad palayo.
