CHAPTER THIRTY FIVE: It’s Over Now
Nakalabas na nang ospital si Trish, sa bahay na ng mga magulang nito tutuloy ang dalaga. Pagdating sa bahay ay sa sariling kwarto nito dumiretso ang dalaga at nagpahinga. Bihira lang itong magsalita at madalang pa ring ngumiti. Marahil ay dulot pa rin ng trauma na naranasan sa mga kamay ng dating nobyo. Matapos painumin ng gamot ay nakatulog nang muli ang dalaga.
Samantala, ilang araw na ring sa mga magulang nito umuuwi si Stan. Sa mga panahong ito, gusto niya ng makakausap. Handa naman makinig sa twina ang Ina ng binata. Nasa lanai si Stan at nakaupo sa garden set nila. Kanina pa nito tinitingnan ang cellphone niyang nakapatong sa lamesita.
“Why don’t you call her, nang hindi ka nag-iisip ng ganyan.” Ang ina ni Stan, galing ito sa kusina at may dalang dalawang baso ng juice. Ipinatong nito sa lamesita ang dala at naupo katapat ng binata.
Umayos ng pagkakaupo si Stan bago tumugon sa Ina.
“She don’t want to talk to me, mom”, malungkot na pahayag nito.
“Well, if that so... you better give her more time for herself. Hindi biro ang dinanas nya”, payo ng ina nito.
“If I was just beside her, mom. She don’t need to suffer like this”, pahayag muli ni Stan na tila may paninisi sa sarili.
“Iho, don’t be so hard to yourself. Things will turn out right, eventually. Just give her more time.” Si Mrs.Yap. Dama nito ang paghihirap ng binata. “By the way, how about Dianne. Did you guys patch things up?”
Pagak na tawa ang naging reaksyon si Stan.
“Ayun, ayaw din akong harapin... Ano ba naman tong napasukan ng panganay mo Ma”, nakuha pa nitong magbiro.
“Well... ganyan talaga kapag gwapo anak!”, sinakyan nalang nito ang biro ng anak.
“Anak mo nga ako Ma!”, kinuha nito ang baso ng juice at nakipag cheers sa Ina. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Stan.
Huli na nang mabalitaan ni Patty ang pangyayari, nabanggit lang sa kanya ni Jeric ng magpadental check-up siya dito kaya sa bahay na lang ito nakadalaw. Pina-akyat na lang siya ni Mrs. Policarpio sa silid ng anak at hinarap naman ito ni Trish.
“Trish...”bungad na bati nito sa kaibigan at niyakap ito nang mahigpit. Nakaupo sa kama nito si Trish. “Later ko lang namalaman kaya ngayon lang kita nabisita”.
“Okay lang yon, at least andito ka na”. Tugon ni Trish, matamlay pa rin ito.
“Kumusta ka na?”, may pag-aalalang tanong ni Patty.
“Medyo okay na”, simpleng tugon nito.
“Hay naku! Kung alam ko lang na ganito ang gagawin sa’yo ng lalaking yon, hindi na dapat kita kinunsite na sagutin yun eh. Ang kapal nang mukha nya!”, gigil na litanya ni Patty.
Napatawa si Trish sa nakitang reaksyon sa kaibigan. Hyper talaga ito kapag nagagalit.
“Tama na Patty, naiintindihan ko naman kung bakit nya nagawa yon,” malungkot na turan ni Trish.
“Trish, kahit ano pang nangyari sa relasyon nyong dalawa, wala pa rin syang karapatang gawin yon no! At tsaka... Hello!!! Anong sinabi mo? Si Keith naiintindihan mo, samantalang si Stan na wala nang inisip kundi ang kapakanan mo, ayaw mong harapin ngayon. Ang labo mo Ha!”, gigil na lintanya pa rin ni Patty.
Hindi naman nagsalita si Trish. Kung ano man ang rason nya sa hindi pagpansin ngayon kay Stan, ay kanya na lamang iyon. Hindi na rin ito pinilit pang alamin ni Patty.
