CHAPTER SEVEN: I’m falling for you... Cupid
Sabado ng umaga... madahang iminulat ni Trish ang kanyang mga mata at nag-inat. Masarap ang tulog nito kahit pa medyo nananakit ang katawan. Tumagilid ito at muling ipinikit ang mata subalit agad din nagmulat ng mapansin ang paligid. Hindi pamilyar ang naturang silid sa kanya.
Nasaan ako?, tanong nito sa isip. Bumalikwas ito mula sa pagkakahiga. Nahulog sa sahig ang coat na nakapatong sa kanyang mga hita. Nanlaki ang mga mata nito ng makitang naka-long-sleeves polo lang ito at boyleg. Luminga ito sa paligid at mabilis na kinuha ang coat na ipinangtakip muli sa mga hita. Sapo-sapo nito ang ulo at muling binalikan ang nagdaang gabi. Nang nalinawan na ito ay sinuri naman ang sarili. Wala naman siyang kakaibang nararamdaman sa katawan kaya’t nakahinga ito ng maluwag.
Muli nyang nilibot ng paningin ang kabuuan ng silid ngunit hindi niya makita si Stan.
Asan na kaya ang lalaking yun, hindi kaya umuwi na yun. Hmmmp.... hindi man lang ako ginising, pagmamaktol nito sa sarili.
Tumayo ang dalaga at kaagad nagpalit ng damit. Inayos ang sarili at naghanda na rin para umuwi. Tiniklop nito ang isinuot na polo at inilagay sa bag. Iuuwi niya muna ito para labhan. Pinagpagan din nito ang sofa na tinulugan ng nagdaang gabi. Nang makitang maayos na muli ang opisina ay naglakad na ito patungo sa pintuan. Nang hahawakan na nito ang doorknob ay bigla naman nagbukas ang pinto. Iniluwa nito ang binatang si Stan na may dalang dalawang supot. Nagulat ang binata ng makitang bihis na bihis na siya.
“Good Morning!, Breakfast?”, bati nito sa dalaga, itinaas pa nito ang dalang supot at ipinakita sa dalaga.
Hindi nakapagsalita ang dalaga at sa halip ay tumabi ito upang makadaan ang binata. Dumeretso naman si Stan sa receiving area at inilapag ang dalang pagkain. Hindi pa rin kumikilos si Trish at sinusundan lang ang bawat galaw ng binata. Isa-isang inilabas ni Stan ang laman ng supot. Pancake at coffee ang binili nito mula sa isang kilalang fast food chain. Nang maiayos sa lamesa ay tinawag nito si Trish na nakatayo pa rin malapit sa pinto at nakamasid lang sa binata.
“C’mon, let’s eat!”, yakag nito sa dalaga. Mukang maganda ang gising nito. Masigla at laging naka-smile. Naupo ito sa single sofa na katapat ng mahabang sofa na tinulugan ni Trish ng nagdaang gabi. Tanging table lang ang nakapagitan dito.
Tumalima naman si Trish sa imbitasyon ni Stan. Naupo ito katapat ng binata at inilapag ang dalang bag sa tabi nito. Kinuha ni Stan ang isang kape at inalis ang takip. Sumingaw ang aroma nito at umuusok pa sa init. Hinipan pa ito ng binata bago inibaot kay Trish.
Natuwa ang dalaga sa simple gesture na iyon ng binata. Totoong napaka-caring nito. Pag-kaabot ay humigop ito ng konti at bahagyang nainitan ang sikmura.
Nauna nang sumubo si Stan ng pancake, marahil ay gutom na ito. Nakatingin lang dito ang dalaga at waring natutuwang panoorin ang binata. Napansin naman ito ni Stan.
“O, bakit di ka pa kumakain?”.
“Ahhh.... Sir?”.
“Stan...”, putol nito sa mga sasabihin sana ni Trish. “We’re not working today kaya hindi mo ko Boss”.
Nag-aalinlangan man pero sinunod na rin nito ang Binata.
“Stan... About last night...”, panimula ng dalaga
“Don’t worry, nothing happened... Harmless ako”, casual na tugon ng binata.
“No... not about that. Gusto ko lang mag-thank you for being nice to me”, nahihiyang sambit ni Trish.
“Okay, you’re welcome!”, simpleng tugon nito na halos maubos na ang pancake na kinakain.
“Para makabawi naman ako sa’yo, you can ask me anything”, suhestiyon pa ng dalaga. Nao-overwhelmed kasi siya sa kabaitang ipinakikita ng binata sa kanya.