Chapter 27: Complicated

482 8 2
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN: Complicated

Maagang pumasok sa opisina si Trish, nais nitong mauna sa nobyo upang magpaghandaan ang peace offering nito. Ito marahil ang unang matinding tampuhan nila ng nobyo. Hindi man lubusang malinaw sa kanya ang ikinagalit nito pero malinaw naman sa kanya ang ibig ipahiwatig ni Keith, nagseselos ito. Hindi alam ng dalaga kung dapat ba niya itong ikatuwa dahil ibig sabihin nito ay mahal siya ng nobyo. Subalit bakit imbes na saya ay takot ang naramdamam ng makita ang reaksyon ni Keith. Hindi pa niya nakikita ang side na ito ng binata.

Nang dumating si Kate ay nakita nitong nasa opisina na ang kaibigan. Nagtataka ito dahil nauna pa sa kanya si Trish kaya pinuntahan ito ng dalaga.

“Goodmorning! Ang aga mo yata?”, dumiretso ito sa  table ng dalaga.

“Goodmorning!”, ganting bati ni Trish. Kasalukuyan itong may ginagawa sa laptop niya.

“Ano ba yan?” akmang sisilipin ni Kate ang ginagawa niya subalit agad din naman niya itong naiiwas.

“Ooooops... Confidential!”, wika ni Trish.

“Hmmmp.... nagsi-secret ka na ha?”, kunwaring pagtatampo nito.

Ngumiti lang si Trish kay Kate at itinuloy na ang ginagawa. Napagawi ang atensyon ni Kate sa receiving area ni Trish. May nakita itong isang box ng krispy kreme at dalawang coffee from starbucks.

“Wow, krispy kreme! Penge ha!”, papunta na ito sa receiving area ng biglang harangin ito ni Trish.

“Kate ibibili na lang kita tomorrow, okay... Promise!”, sansala nito sa kaibigan.

Nagtataka naman si Kate sa kinikilos ni Trish. Kunot-noong tinignan nito ang kaibigan at tsaka nagsalita.

“Damot nito... Ano bang nagyayari sa’yo ngayon?... ang weird mo lang ha!”

“Saka ko na ieexplain sa’yo. Sige na, magtrabaho ka na... bye!”, pagtataboy pa nito kay Kate na walang nagawa kundi ang lumabas na ng opisina ni Trish. Bumalik na muli ito sa sariling mesa at itinuloy ang ginagawa.

Sa condo unit ni Gwen, naghahanda ng almusal ang dalaga ng mapansin ang nakasimangot na si Dianne.

“Girl, ang aga-aga e nakasimangot ka, cheer up!”, si Gwen habang binabaliktad ang nilulutong pancake.  Hindi nagsalita si Dianne at sa halip ay nangalumbaba pa ito at inirapan ang kaibigan.

“Meron ka ba? Bakit parang ang init ng ulo mo?”, kumento pa ulit ni Gwen. Naglapag ito ng pancake sa harapan ng kaibigan.

“Si Stan kasi e, pinostpone ung lakad namin”. Ito pala ang pinagsisintimyento ni Dianne, sasamahan dapat siya ng binata para magshopping ng mga gamit ng biglang tumawag ito dahil may emergency meeting daw.

“Baka naman busy lang. Hayaan mo na girl, alam mo namang seryoso sa pagiging CEO yang jowa mo. Shopping na lang tayo later, I’ll tour you around. Wala akong work ngayon kaya samantalahin natin”, pag-aalo naman ni Gwen kay Dianne. Nakasimangot pa rin si Dianne pero napapayag naman ito ni Gwen.

“Buti pa nga!”

Sa kanyang opisina ay panay ang tingin ni Trish sa pambisig na relo, ganitong oras kadalasan dumadating si Keith. Inutusan nito ang isang staff na itext siya kaagad kapag nasa building na ang nobyo subalit wala pa itong narereceive mula dito. Nagtungo ito sa receiving area ng kanyang opisina para tingnan kung mainit pa ang kape, buti na lang at hindi pa naman ito lumalamig. Ilang saglit lang ay dumating na ang text message na hinihintay. Kaagad itong nagpunta sa harap ng laptop at tiningnan ang email nito. Pagkatapos ay inayos ng bahagya ang sarili at dinampot ang mga pagkain. Naghintay pa ito ng 15 minutos bago nagtungo sa opisina ng nobyo.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon