Chapter 1: Don't Give up on Us

4.3K 19 8
                                    

CHAPTER ONE: Dont Give up On Us

Thank God it’s Friday! Marahil ito ang nasa isip ng gwapo at batang Civil Engineer habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Maghapon itong nasa site para isupervise ang kasalukuyang project ng kanilang kumpanya. His family owns the biggest and most successful construction company in their town. Bumalik lang ito sa opisina upang i-check ang ilang reports na kailangan nyang ipresent sa susunod na board meeting. Matapos makitang maayos na ang mga reports. Naupo ito sa kanyang swivel chair, sumandal at ipinikit ang mga mata. Isang buntong hininga din ang binitawan habang hinihilot ang sintido. He’s quite stressed dahil sa sunod-sunod na projects na pinahawakan sa kanya ng kanyang Ama na kasalukuyang nagrerecover from a minor operation. But he has no regrets kahit pagod dahil nakakatulong din ito na lumawak pa ang knowledge and skills nya. Unti-unti na syang nakakatulog ng biglang mag-ring ang phone nito.

“Stanley, it’s me Chris”, sabi ng nasa kabilang linya.

“Oh, Chris! What’s up bro?”, tugon naman nito.

“Hey, it’s Friday. Let’s have some drink with the guys later this evening.”

“Yeah, I think I need a break. Same place?”

“Yeah! I’ll call the others. Same time.”

“Okay, See you then, bye.”

Matapos i-off ang phone ay tumayo na ito at isinukbit ang coat. Umuwi muna ito ng bahay para magfreshen-up. Pagdating sa bahay ay dumiretso ito ng kusina para uminom ng tubig. Inabutan nito ang ina na naghahanda ng mga medicine para sa kanyang ama.

“Ma”, tawag nito na dinampian ang ina ng halik sa pisngi.

“Hi son, how’s your day?”.

“Okay naman po. Nakakapagod pero nasasanay na rin. How’s dad?”

“He’s doing good. Gusto na ngang bumalik sa opisina pero sabi ko there’s no need to worry because the company is in good hands”, puri nito sa anak na tinapik-tapik pa ang pinsgi.

Hindi naman napigilan ng binata ang ngumiti dahil sa tinuran ng ina. His Mom is a very sweet woman. She never fails to give her love and undying support to him and his three siblings, kaya naman mahal na mahal nya ito. Same goes with his Dad whom he considered as his Hero, kaya naman ng magkasakit ito, he didn’t even think twice when he was asked to manage the company during his father’s absence. It’s his way of paying back for all the things that his father has done for him and the family.

“By the way Ma, I’m going out with the guys tonight”.

“Well, you deserve a break anak, nagkaka-wrinkles ka na”, pagbibiro ng kanyang ina na kunyari ay sinisipat-sipat pa ang mukha ng anak.

“Ma talaga.”

“Just kidding anak, gwapong-gwapo ka pa rin”.

“Shower muna ako Ma”, paalam nito sa ina na muling hinalikan sa pisngi.

It’s was past eight already ng makarating si Stanley sa isang kilalang bar sa kanilang lugar. Pagpasok pa lang nya ay nakita na nito ang kanyang mga best buddies. Busy ang mga ito sa kwentuhan kaya hindi napansin ang pagdating niya.

“Guys, mukhang nakakarami na kayo ah!” bati nito sa mga kaibigan

“Stan, at last nakarating ka na rin”, si Jeric, ang official chickboy ng grupo. Girls love him because of his cool personality, makulit and fun to be with. Mahilig gumimik and happy go lucky ang motto sa buhay kaya naman hanggang ngayon hindi pa rin nakakagraduate sa course nyang Dentistry. Hopefully, this year.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon