CHAPTER NINETEEN: Maybe This Time
Kasalukuyang nagbabasa ng Year-end reports ang binatang engineer sa kanyang opisina. Simula ng dumating ito sa Pilipinas ay wala na itong ginawa kundi ang ireview ang progress ng kumpanya ang alamin ang mga loop holes nito. Inaalam din ng binata kung aling mga departamento ang apektado ng crisis na kanilang kinakaharap ngayon. Hindi rin naiwasan na magbawas ng mga empleyado dahil sa pagpull-out ng ilang mga kliyente. Masusing pinag-aaralan din ni Stan ang financial reports na malaki ang ibinaba nitong nagdaang dalawang taon. Isama pa ang biglaang pag-iwan sa kanila sa ere ng kasosyo ng mga ito. Tunay na malaking problema ang nakapasan ngayon sa balikat ng binata.
Pumasok sa opisina nito ang sekretaryang si Tita Lucy, dala ang iba pang hininging Report. Ibinaba ito sa table ng binata at nagsalita.
“Stan, mag-rest ka naman muna. Baka magkasakit ka na rin gaya ng Daddy mo”, may pag-aalalang wika nito sa binata. Hindi na iba sa kanya si Stan dahil nakita niya itong lumaki. Naging mabuting kaibigan na rin siya ng mga magulang dito.
Sandaling huminto sa ginagawa ang binata at sumandal sa upuan nito. Hindi ito nagsalita subalit bakas sa mukha nito ang matinding pagod sanhi ng pagpupuyat at pag-iisip. Muling nagsalita si Tita Lucy.
“Nakausap ko nga pala ang ibang empleyado. Okay lang daw kahit hindi agad maibigay ang bonuses at incentives nila. Naiintindihan daw nila ang sitwasyon ng kumpanya at naniniwala silang hindi mo sila pababayaan”, sinserong pagbabalita ng Sekretarya.
Dahil sa narinig ay gumaan ang pakiramdam ng binata. Isa kasi ito sa mga iniisip niya. Nahihiya na rin sila ng kanyang Ama dahil ngayon lang madedelay ang mga incetive ng kanilang empleyado. Kaya’t nakahinga ito ng maluwag sa ibinalita ng sekretarya.
“Pakisabi na rin kay CEO na huwag masayadong mag-alala dahil hindi rin kayo bibitawan ng mga tauhan nyo. Makakaasa kayo na mas pagbubutihin pa nila ang mga trabaho para bumalik yung mga dating kliyente”, saad pa ni Tita Lucy. Umaliwalas ang mukha ng binata sa huling sinabi ng Sekretarya, na-touch ito sa pinapakitang loyalty ng mga empleyado.
“Salamat talaga Tita Lucy, pakisabi sa kanila na we are doing everything para maisalba ang kumpanya”, madamdamin din pahayag ni Stan.
“Good Morning!”, masayang bati ng gwapong si Engineer Keith sa magandang si Architect Trish. Pumasok sito sa opisina ng dalaga na may dalang dalawang coffee from starbucks. Naabutan nito si Trish na nakatutok sa laptop nito at tinatapos ang layout ng bagong design.
Nang makita nito ang binata ay isinira nito ang laptop, masayang sinalubong si Keith at inabot ang dalang kape. Amoy na amoy nito ang aroma ng umuusok na kape. Dalawang kamay na hawak nito ang cup at uminom mula dito ang dalaga.
“So good!” kumento ni Trish. Malakas ang ulan sa labas kaya naman masarap uminom ng mainit na kape. Naupo ito sa receiving area ng kanyang opisina. Sumunod naman sa kanya si Keith na may dalang supot.
“Mas masarap yan kapag may partner na ganito”, at may iniabot si Keith sa dalaga na kinaexcite naman ng huli.
“Blueberry cupcake!... Yum!” agad itong kinuha ng dalaga at tinikman. Gutom na rin siya dahil wala pang breakfast. “These made my day!”, kumento pa ng dalaga.
Sumeryoso naman ang mukha ni Keith na waring naghihinampo sa dalaga. Lumabi pa ito na tila nagtatampo. Nakita ito ng dalaga at kunwari’y inirapan lang ang binata pero maya-maya lang ay binawi na rin ito.
“Sige na nga, pati na rin ung nagdala.... Thanks Kieth!”, masayang wika nito. Nakitawa na rin ang binata at sumabay sa pagkain ni Trish.
Sa higit isang buwan na paglabas-labas ng dalawa ay kapansin-pansin na ang pagiging malapit ng mga ito. Kumportable na sila sa isa’t-isa at hindi na lamang malalapit na kaibigan sa opisina ang nakakapansin kundi pati na rin ang ibang empleyado. Marami ang kinikilig sa closeness ng dalawa at mayroon din namang naiinggit. Ang iba nga ay inaakalang magboyfriend na ang ang mga ito.
