CHAPTER TWENTY ONE: I’d Rather
Maagang nagising ang magkaibigang Kate at Trish kahit pa pasado alas-dose na nakatulog ang dalawa dahil inihanda pa ang mga kakailanganin ngayong araw. Maaga rin nakareceive ng text message si Trish mula kay Keith upang iinform ito na sa Highland Golfer’s lounge sila magbebreakfrast. Nang makapaghanda na ang dalawa ay pumunta na ang mga ito sa lugar na binanggit ni Keith.
Dahil bukas ang paligid ng nasabing restaurant, malayo pa lang ay tanaw na ni Trish si Keith. Fresh na fresh sa casual look nito, walking shorts and light blue collared shirt paired with espadrilles. Hindi naman nagpahuli sa boy-next-door look nito si Stan na naka-billabong gray walking shorts, plain white v-neck shirt na tama lang ang fit sa slightly muscled na pangangatawan ng binata, na tinernuhan ng lowcut white rubbershoes at grayish baseball cap. Kasama ng mga ito si Mark na gwapong-gwapo rin sa get-up nito.
Hindi napansin ng tatlong binata ang pagdating ng magkaibigan. Busy kasi ang tatlo sa pag-uusap. Agad na nilapitan ni Kate ang boyfriend at hinalikan sa pisngi.
“Good Morning!”, masiglang bati ni Kate sa tatlong binata. Tumayo si Mark at humalik din sa nobya.
Tumayo sa kinauupuan nito si Keith at sinalubong si Trish. Dinampian din ito ng masuyong halik ni Keith sa pisngi. Ngumiti ang dalaga at pinaupo ito ni Keith sa upuan niya. Nasa pagitan siya ng mga binatang sina Stan at Keith. Sumulyap naman si Trish kay Stan subalit agad ding nagbawi. Ibinigay ni Keith amg menu list sa dalaga at sabay-sabay na silang namili ng kakainin.
Outdoor ang activitiy nila ngayong araw kaya’t nagtipon-tipon sa malawak na camping ground ang mga participants matapos mag-almusal. Sinimulan ang pangalawang araw ng teambuilding sa isang Morning Offering and Prayer na sinundan ng pampasiglang aerobics dance. Masiglang sinabayan ito ng mga empleyado. Matapos ang masayang morning activity ay muling nagsalita ang facilitator at nagbigay ng ilang instructions.
Isang treasure hunt ang magaganap sa araw na iyon. Hinati ang mga empleyado sa dalawang grupo, ang una ay ang grupo ni Keith at ang pangalawa ay ang grupo ni Stan. Nagbunutan ang bawat leader ng kanya-kanya miyembro at unang nabunot ni Stan ay ang pangalan ni Trish. Nagkataon o tadhana, yun ang hindi natin alam. Napunta naman sa team ni Keith ang magnobyong Kate at Mark. Matapos bigyan ng tig-isang mapa ang grupo ay naghiwalay na ito at nagpunta sa kanya-kanyang base. Nagplano muna ang dalawang grupo at nagsimula ng magtreasure hunt.
Matapos ipakita sa kagrupo ang hawak na mapa, ay napagpasyahan ng ilan na maghiwahiwalay na lang sa paghahanap. Sumang-ayon naman si Stan at nagkanya-kanyang pilian ng makakasama ang mga miyembro niya. Sa kalaunan ay naiwan ang dalawa sa piling ng bawat isa.
Hindi mapakali si Trish, gustuhin man niyang sumama sa ibang grupo ay nakaalis na ang mga ito. Talaga yatang pinaglalaruan siya ng pagkakataon, kung kailan umiiwas siya kay Stan ay saka naman siya napupunta sa ganitong sitwasyon.
Iba naman ang tumatakbo sa isipan ng binata, siniswerte lang ba siya o nakikiayon sa kanya ang pagkakataon. Ito na ba ang mga senyales na kailangan na niyang gawin ang mga bagay-bagay na dapat ay noon pa niya ginawa? Tiningnan niya si Trish at ramdam niya ang pagkailang nito kaya naman pinili nitong maging casual sa harap ng dalaga.
“So I guess, tayong dalawa ang magkasama. Let start!”, yakag nito at nagsimula maglakad patungo sa direksyon na tinuro ng mapa, walang nagawa si Trish kundi ang sumunod dito.
Sa bawat marked point na pupuntahan ay may mga task na dapat gawin o tanong na dapat sagutin bago makatuloy sa susunod na marked point. Nang makarating sa unang marked point ay binasa ni Stan ang unang task.
“Do I know you? Please state your full name.... using your buttocks!”, napasimangot si Stan ng mabasa ang unang task. Tumingin ito sa dalaga at sunod-sunod na iling ang ginawa nito. Walang nagawa ang binata kundi ang mapakamot sa ulo nito at gawing ang task.
