CHAPTER TWENTY NINE: Breakeven
2 DAYS nang hindi pumapasok si Trish sa opisina. Nag-file ito ng leave dahil sa na-sprain na paa. Naiinip na ito sa unit niya subalit hindi naman siya makalabas dahil kumikirot pa ang paa nito. Binigyan naman siya ng pain reliever ng Doctor. Dalawang araw na rin silang hindi nagkikita o nag-uusap man lang ni Keith. Hindi ito bumibisita o tumatawag man lang sa kanya. Tanging si Kate pa lang ang nakabisita sa dalaga. Papunta naman ngayon araw ang Mommy niya para ipagluto ang dalaga.
Dalawang araw na rin niyang pinag-iisipan ang sitwasyong kinalalagyan. Malaking bahagi sa puso niya ang nagsasabing tapusin na nito ang relasyon kay Keith, ngunit kumukontra naman ang isang bahagi nito. Ngayon lang niya napagtanto na hindi pala siya sigurado sa nararamdaman ng sagutin nito si Keith. Marahil ay naligalig ang kanyang puso at isipan ng muling pumasok sa eksena si Stan. Mas pinili niyang takasan ang tunay na nararamdaman kaysa harapin ito sa takot na masaktan muli.
Subalit bakit higit siyang nasasaktan ngayon? Bakit ba higit na naririnig ang tibok ng puso kaysa sa dikta ng isipan? Pero isa lang ang nasisigurado niya, hindi na siya Masaya sa piling ni Keith at nababahala na rin ang dalaga sa mga natutuklasan niya sa binata.
Nasa opisina nito si Stan at nakaupo sa kanyang swivel chair. Tahimik nitong pinagmamasdan ang isang nilalang na abalang naglalabas ng dalang pagkain. Dalawang araw na itong ginagawa ng dalaga at hindi na ito nagugustuhan ni Stan.
“Lunch is ready!”, masiglang anunsyo ni Dianne. Masiglang nilapitan nito si Stan at inaya ng kumain. Hinawakan nito sa braso ang binata at bahagyang hinila patayo.
Subalit hindi tumayo ang binata at sa halip ay hinila din nito ang braso mula sa pagkakakapit ni Dianne. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinaplano ng dalaga. Malinaw naman dito na wala na sila subalit bakit parang sinusuyo pa rin siya nito.
“Dianne... bakit mo ba ginagawa ‘to? Akala ko ba malinaw na sa ating dalawa na tapos na tayo?” medyo iritable na si Stan sa dalaga. Ang awa na dating meron siya para kay Dianne ay unti-unting napapalitan ng inis.
“Ipaalala pa ba? Of course... crytal clear!” tugon ni Dianne sa masigla pa ring tinig. Tila ayaw nitong ipakita kay Stan na apektado sya sa mga sinabi nito.
“So why don’t you just stop and live your life”, si Stan na bahagyang huminahon na rin.
“Bakit, hindi na ba ‘to pedeng gawin ng magkaibigan... We’re still Friends”, si Dianne na ayaw magpatalo sa binata.
“Dianne... I’m not the only friend you have”, si Stan na pilit ipinauunawa kay Dianne na hindi na niya kailangan pang gawin ito.
Nanahimik si Dianne at kita sa mukha nito na nasaktan sa sinabi ni Stan. Na guilty naman ang binata.
“Sorry... All i want to say is that, I appreaciate what you’re doing pero hindi mo na dapat ginagawa ‘to. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo”, nahihirapan na rin si Stan na magpaliwanag kay Dianne. Alam niyang lahat ng sabihin niya ay makakasakit sa dalaga.
Nang muling magsalita si Dianne ay nagbago na muli ang mood nito. Nakangiti na ito na tila walang nangyari.
“I understand... Sige mauna na ako”, at tumalikod na ito at lumabas ng opisina ni Stan. Naiwan namang nakatulala ang binata. Masama ang kutob niya sa pag-alis ni Dianne. Napapikit na lang ito at napahawak sa ulo.
Nang makababa sa building si Dianne ay dumiretso ito sa sariling sasakyan. Nagbago na naman ang mood nito. Kinuha nito ang telepono at may tinawagan.
“Hello.... magkita tayo”, seryosong wika nito sa kausap at pagkatapos ay pinaharurot na ang sasakyan.
Sunod-sunod na katok ang gumising sa binatang nakatalukbong pa ng kumot. Tanghali na ngunit hindi pa ito bumabangon. Dalawang araw na rin itong hindi pumapasok sa opisina. Bahagya itong kumilos at kinuha ng unan na nakapatong sa ulo nito. Ibinato ang unan sa pintuan subalit hindi pa rin tumitigil sa kakakatok ang nasa kabila nito.