Chapter 2: Heartless

803 8 7
                                    

CHAPTER TWO: Heartless

Tatlong linggo na ang nakakalipas ng muling magbukas ang klase sa isang sikat na University. It was already the last semester for this School Year. Hindi na maikakaila ang halong excitement at tension para sa mga graduating students ngayong taon. Practicum na lang at makukumpleto na ang requirements nila para sa graduation. Kasalukuyang nasa canteen ng University ang magkaibigan na sina Trish at Patty habang naghihintay ng kanilang klase. Maingay sa loob ng canteen dahil sa mga nagkakasayahang estudyante. Marahil ay nagtatangal lang ng pagkabagot habang naghihitay rin ng klase. Bukod sa study hall at soccer field, ito rin ang paboritong tambayan ng mga estudyante rito, airconditioned na, marami pang foods.

“Ei Trish, ano plan mo mamaya after class?” si Patty na katatapos lang maubos ang kanyang hotdog sandwich.

“Wala naman, bumili lang ako ng Dvds yesterday. Plan ko sana mag-movie marathon”.

“Wanna go out tonight? Saturday naman e”, pag-aaya pa nito.

“Sige ba! Saan ba plano mo?”

“Actually wala pa, but I’ll think about it. I’m sure hindi na tayo makakagimick kapag nag-practicum na tayo. Kaya habang may time pa, sagadin na natin.” Pangungumbinsi pa nito sa kaibigan. Maya-maya pa ay tumayo na ang dalawa para pumunta sa susunod na klase.

Anna Patrisha Policarpio or Trish to her family and friends, a very beautiful young lady admired by many because of her simplicity and down to earth personality. She’s taking up Architecture at nasa huling semester na ito. She came from a simple family with 3 siblings. Her Dad owns a small business while her mom was a plain housewife. Masasabi niya na masaya at kontento na siya sa buhay na mayroon sya ngayon. Very loving at supportive ang family nito lalo na ang kanyang mga magulang. Blessed din sya ng mga mabubuting kaibigan kagaya ng lang ni Patty. Pero hindi yata talaga lahat ay binibigay, dahil pagdating sa lovelife, wala pang experience ang dalaga. No Boyfriend Since Birth yata ang mantra. She has lots of suitors pero kaibigan lang ang turing nito sa kanila. No time for love lang ba talaga o hindi pa lang dumadating ang lalaking magpapatibok ng puso niya?

Patrice Padilla or Patty to her friends, a bubbly young lady who happens to be Trish’s friend since grade school. They’ve been living in the same village at mabuting magkaibigan ang kanilang mga magulang. From Grade school to College ay iisang school ang pinapasukan nila, they have the same classes and same sets of friends. Both of them are taking up Architechure at graduating na this year. Kung si Trish ay NBSB, nagkaroon naman ng long time relationship si Patty. Natapos lang ito ng mag-migrate sa ibang bansa ang boyfriend nito at hindi nila makayanan ang long distance relationship. Kaya ngayon parehong walang lovelife ang magkaibigan.

Palabas na ng canteen ang magkaibigang Trish at Patty ng makasalubong ng mga ito ang basketball varsity team na mukang katatapos lang magpratice. Papasok naman ang mga ito sa canteen upang magmiryenda. Maingay at nagkakatuwaan pa ang mga ito habang papadaan sa tabi nila.

“Hi Trish!”, bati ng isa sa mga ito.

“Hi!”, tugon naman ni Trish at binigyan pa ito ng simpleng ngiti. Hindi pa nakuntento ang binata at tumigil pa ito sa harapan ng dalaga at muling nagsalita.

“Mag-snack kami, gusto nyo bang sumama?”, pag-yayaya pa nito.

“No, thank you. Tapos na kami ni Patty?” muling tugon nito na tumingin pa kay Patty na nasa tabihan nito. Bahagya namang tumango ang huli. Pahakbang na sana ang magkaibigan ng muling magsalita ang binata.

“Ah sandali lang, may lakad ba kayo mamaya? May night out kasi ang team, baka gusto nyong sumama?,” muling subok nito sa dalaga.

Hindi kaagad nakapagsalita si Trish na medyo nakukulitan na sa binata. Hindi lingid sa kanila ni Patty na may gusto sa kanya si Bryan. Third Year College na sila ni Patty noon ng magsimulang magparamdam si Bryan na nasa ikalawang taon pa lang sa kursong Criminology noon. Sa una ay kinaibigan niya ito dahil mabait naman ang binata, subalit habang tumatagal ay masyado na itong nagiging clingy kahit hindi pa niya sinasagot. Mas tumaas pa ang kumpiyansa nito sa sarili ng matanggap sa basketball varsity team. Dahil doon ay tinapat na ito ng dalaga at kaagad pinahinto sa panliligaw. Subalit mukhang desidido pa rin ito sa panunuyo sa dalaga.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon