Chapter 12: What Hurts the Most

578 11 6
                                    

CHAPTER TWELVE: What Hurts the Most

It was past midnight ng gisingin ng ring ng cellphone niya si Patty. Nakapikit na kinapa nito ang telepono sa ilalim ng kanyang unan. Sinagot niya ito na hindi na tiningnan pa kung sino ang tumatawag.

“Hello,” tugon nito sa paos na tinig

“Hello Patty, pasensya na kung nagising pa kita,” sabi ng nasa kabilang linya. Batid sa boses nito ang tila nag-aalala. Nang nabosesan ito ni Patty ay napabalikwas siya ng bangon.

“Tita?” di makapaniwalang tawag nito sa kausap. Hindi niya inaasahan na tatawagan siya nito sa ganitong dis-oras ng gabi.

“Patty, si Tita Cathy mo ito. Hindi mo ba kasabay umuwi si Trish ngayong hapon?”

“Hindi po Tita, bakit po? May nangyari po ba?” tanong din nito sa kausap. Hindi rin nito maiwasan ang mag-alala.

“Hindi pa kasi umuuwi si Trish. Ni text o tawag wala,” sabi pa nito na hindi na maitago ang sobrang pag-aalala.

Hindi agad nagsalita si Patty. Pilit nitong inaalala kung may nasabi pa sa kanya Trish na lakad ngayong araw ngunit wala syang maalala.

“Tita, natawagan nyo na po ba sya?”

“Kanina pa, out of coverage na nga ang phone nya eh.”

Mabilis nag-isip si Patty at pinakalma ang kausap.

“Tita, please calm down. I’ll try to call some of our friends baka naman gumimik lang. If my balita na, tawagan ko po kayo agad.”

“Thanks Patty.”

Matapos ang pag-uusap nila ng Mommy ni Trish ay kaagad nitong dinayal ang number ni Jeric.

“Hoy Jeric, Asan si Trish?!” mataray nitong tanong sa pupungas-pungas pa lang na si Jeric. Hindi agad nagregister sa utak ng binata ang sinabi ng kausap.

“Hello, who’s this?” tanong nito sa iritado ring tono.

“Si Patty ‘to... Asan si Trish?” muli nitong tanong sa kausap. Nagtataka naman si Jeric sa tanong nito.

“Ha?!... di ba kayo magkasama maghapon?” balik tanong din nito. Biglang nagbago ang tono ni Patty ng malamang hindi ito kasama ni Jeric.

“Jeric, nawawala si Trish.”

Suko na si Stan sa pagpipilit na buksan ang pintuan, masakit na rin ang mga kamay at braso nito sa kapipihit ng knob. Nakatingin naman dito si Trish na wala na ring maisip na paraan.

“We’re stuck!” ang tanging naibulalas na lang ni Stan. “I guess we have no choice kundi maghintay na lang ng umaga dito.”

Hindi naman nagsalita si Trish. Naupo ito sa isang table na kinapapatungan ng ilang libro ng biglang kumulo ang tiyan nito. Napahawak dito ang dalaga at tumingin kay Stan na narinig din pala ang pagkulo ng tiyan niya. Nagkatawanan na lang ang dalawa. Past midnight na at wala pang hapunan ang dalawa. Lumapit si Stan sa dalaga at inabutan ng candy na galing sa bulsa nito. Kaagad naman itong kinuha ni Trish at isinubo. Sumandal si Stan sa table malapit sa dalaga.

“Paano ka ba napadpad dito?”, takang tanong nito kay Trish.

At ikinuwento ni Trish ang pangyayari. Habang nagkukwento ang dalaga ay panay naman ang tampal nito sa mga braso. Pinapapak na siya ng lamok. Hinubad ni Stan ang suot na coat at pinasuot sa dalaga.

“Nakakatawa no, this is the second time na na-stuck tayo. Sino kayang malas sa ating dalawa?” komento nito matapos magkuwento ni Trish. Natawa naman ang dalaga sa sinabi nito.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon