CHAPTER TWENTY THREE: Chasing Pavements
Nasa ware house ang binatang si Cris at ini-inspeksyon ang mga sasakyan na kakadeliver lang. Lumalaki na ang business ng binata at dumadami na rin ang kanyang mga kliyente. Puspusan na rin ang pag-iipon nito para sa binabalak na paglagay sa tahimik. Kasalukuyan itong nagbibigay ng instruction sa mga trabahador ng tumunog ang cellphone nito. Si Stan ang nasa kabilang linya, matagal-tagal na rin silang hindi nakakapag-usap ng kaibigan dahil na rin sa kanya-kanyang trabaho. Tumawag ang binata para yakaging lumabas ang kabigan ng gabing iyon, at hindi naman ito tinanggihan ni Cris.
Kagaya ng nakagawian ay sa paboritong gimikan nagpunta ang magkaibigan. Naunang dumating si Stan at naabutan ito ni Cris sa bar counter. Nag-iisa ito at may hawak ng shot glass. Kaagad itong pinuntahan ni Cris ng makita ang kaibigan.
“Stan, kanina ka pa ba?”, tanong nito sa kaibigan. Ininom muna ni Stan ang laman ng shot glass bago sinagot si Cris.
“30 minutes ago”, maiksing tugon nito. Sumenyas ito sa bartender na pahingi daw ng dalawang shot at kaagad naman itong binigyan ng babae. Ibinigay nito ang isa kay Cris at ininom din kaagad ng binata. Napangiwit si Cris bago muling nagsalita.
“What’s up Bro? How’s your company?” si Cris
“My Dad’s company”, pagtatama nito sa sinabi ni Cris. “Still struggling... We just started merging with JGC Phils”
“Yeah, I heard about that. So how was it?”
Hindi agad nagsalita si Stan at sa halip ay ininom muna ang laman ng shot glass. Kapansin-pansin naman para ka Cris ang kakaibang kinikilos ng kaibigan. Alam niyang marami itong iniisip dahil sa problema nila sa kumpanya, subalit dama niya na may iba pang nagpapaligalig sa kaibigan.
“I don’t know. I’m just taking one step a time”, si Stan matapos inumin ang alak.
“Don’t worry Bro, you’ll get through it... By the way, I saw Trish yesterday”, napatingin si Stan sa kaibigan ng marinig ang pangalan ng dalaga sabulit agad din itong nagbaba ng paningin ng... “She’s with that Keith guy... They look happy together... sila na ba?” tanong ni Cris. This time siya naman ang umorder ng inumin at ibinigay ang isa sa kaibigan. Nabigla ito ng agad-agad ay ininom ni Stan ang shot nito pati na rin ang shot na para sa kanya.
“Hey hey! Slow down Bro?...” awat nito kay Stan na pinipunansan pa ang bibig dahil sa inumin na bahagyang nag-spill. “May problema ba?”
Hindi kumibo si Stan at tumingin lang ito sa kawalan. Lalo naman kinumpirma ng pananahimik nito ang hinala ni Cris. Napansin na niya ito noong Blessing ng Klinika ni Jeric. At nababasa rin niya sa mga conversation nina Jeric at Stan na mayroong tinatago ang mga ito na sila lang ang nakakaalam. Muli itong nagsalita at diniretsa ang kaibigan.
“Stan, please be honest with me... Do you like Trish?”, diretsang tanong si Cris sa kaibigan. Hindi pa rin nagsalita si Stan sa halip ay tiningnan lang nito si Cris ng makahulugan. Wala mang salitang lumalabas sa bibig ng binata, sapat na ang mga tingin nito pa kumpirmahin ang hinala ng kaibigan. Nasukol na siya nito at wala ng siyang magagawa pa para tumanggi.
Si Cris ang nagsalita para kumpirmahin ang hinala.
“No... you don’t like her... you’re in love with her!,” hindi makapaniwalang wika nito sa nakikitang expression sa mukha ng kaibigan. Humingi ito ng isang shot at kaagad na inimon. Muli nitong tiningnan ang kaibigan na nakatuon ang mga paningin sa shot glass na hawak. Tila helpless na ito dahil sa sitwasyong kinalalagyan.
“Anong gagawin ko?” paanas tanong ni Stan sa kaibigan habang nilalaro laro ng kamay ang hawak na shot glass. Tila humihingi ng saklolo ang tinig nito. Doon pa rin nakatuon ang paningin ng binata.
