Chapter 36: I'm Moving On

533 12 7
                                    

CHAPTER THIRTY SIX: I’m Moving On

It was early in the morning and Stan was already preparing sa pagpasok sa opisina. Today is not just an ordinary day. This will be the day na makikipag-usap siya sa Ama ni Keith. After the incident na kinasangkutan ni Keith, ay wala na siyang balita sa binata. Kahit ang kaibigang si Mark ay hindi nagkukwento sa kanya, wala rin daw nababanggit dito ang nobya na sekretarya naman ni Keith.  

Ano man ang kahihinatnan ng pag-uusap nila ni Mr. Ramos ay tatanggapin niya ng buong tapang. Alam niyang maaari makaapekto ang pangyayari sa kanilang kumpanya pati na rin sa magandang relasyon ng kanyang Ama at ng ama ni Keith, pero handa niyang harapin ang lahat ng ito. Higit na may kumpiyansa ngayon ang binata sapagkat batid niya na tama ang kanyang mga ginagawa.

Samantala maaga ding gumising at naghanda si Trish dahil ito ang unang araw niyang magbabalik sa pagiging career woman. Handa na rin ang dalagang magsimula ng panibago at sisimulan niya ito sa pag-aaply muli sa iba’t-ibang kumpanya.

“You’re looking good Iha”, bati ni Mommy Cathy. Kabababa lang ng anak mula sa kwarto nito at patungo na sa garahe.

“Thanks Ma!... wish me luck... sana swertehin ako”, tugon ni Trish.

“You can do it anak. Ikaw pa!”, words of encouragement ni Mommy Cathy.

“Thanks Ma!... Love you both ni Dad!”, wika ng dalaga at humalik sa pisngi ng Ina bago tuluyan pumunta sa sasakyan nito.

Normal pa rin ang takbo ng trabaho sa Yap Construction. Tila wala pa namang epekto dito ang mga pangyayari ng nakaraang araw. Nakangiting binati ni Tita Lucy si Stan. Kitang-kita sa binata ang kakaibang aura nito. Maaliwalas ang mukha nito at may ngiti sa mga labi. Mas lalo itong gumwapo.

“Good Morning Stan! Mukhang maganda ang gising natin ah!” si tita Lucy na parang anak na rin ang turing kay Stan. Hindi nito napigilang biruin ang binata dahil sa nakikitang kasiglahan dito.

“Good Morning Tita Lucy!... Nakita kasi kita e!”, ganting biro naman ng binata.

“Hmmmm... Echosero!... But I missed the Stan that you are today”, wika pa ni Tita Lucy.

Natawa si Stan sa sinabi ng sekretarya.

“But I missed you’re coffee more... coffee pls...” malambing na request nito sa sekretarya.

“Coffee with cream... coming!”, masayang tugon ni tita Lucy at pumasok na rin sa opisina si Stan.

Samantala, sa unit ni Gwen ay nagsisimula ng mag-empake si Dianne. Matapos nitong makipag-usap kay Stan ng nagdaang araw ay napag-pasyahan nitong bumalik na ng Amerika. Wala na siyang dahilan para manatili pa. But this time, babalik sya ng Amerika na maluwag sa kanyang dibdib dahil naging maayos na ang lahat. Siguradong mamimiss niya ang mga kaibigan, pero alam din naman niyang hindi siya makakalimutan ng mga ito.

“Eto o, baka makalimutan mo”, si Gwen. Iniabot nito ang isang bagay na alam niyang importante sa dalaga.

“Salamat”, tugon nito at inilagay agad sa maleta. Naupo si Gwen sa kama ng Kaibigan.

“Sigurado ka bang gusto mo nang umuwi?” tanong nito kay Dianne sa malungkot na tinig. Nalungkot din si Dianne sa nakitang expression ng kaibigang subalit kaagad din itong bumawi.

“Namimiss ko na rin kasi sila e”, tugon nito. “Pero don’t worry, lagi naman akong tatawag at mangugulit sa’yo no!”.

Napangiti na rin si Gwen kahit papaano.

“Mamimiss kita Dianne...” si Gwen at inakap ang kaibigan.

“Lalo na ako... mamimiss ko kayo”, si Dianne.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon