CHAPTER EIGHT: You Got Me
“Express Yourself by Labrinth playing...”
Masaya at puno ng energy ang mood ngayon sa loob ng University. Makulay dahil sa mga banderitas at well decorated booths. Maingay dahil sa masayang music na nagmumula sa dedication booth sabayan pa ng masayang kwentuhan at hiyawan ng mga estudyante na sumasakay sa mga rides. The University is celebrating it’s foundation day at kaugnay dito ang pagkakaroon ng College fair. Pahinga muna sa mga paper works at iba pang school activities ang mga estudyante para maki-celebrate sa kanilang University. Lahat ng estudyante ay inaasahang dadalo at makikiisa sa nasabing okasyon.
Hindi naman ito pinalampas ng magkakaibigang Trish, Patty, Dane at Kevin. This will be their last college fair kaya naman present ang apat. They will enjoy the 3 days na magkakasama. 2 months na lang at malapit na silang mag-graduate kaya naman magkahalong excitement at lungkot ang kanilang nararamdaman.
Matapos ang ilang oras na programa para sa opening ng College fair ay kaagad din binuksan ang mga booths, rides at iba’t-iba pang activities na mayroon sa okasyon na iyon. Parang mga batang nagsisakay sa rides ang apat. Pinasok din ang iba’t ibang exhibits at ilang mga booths. Masayang Masaya sila na parang bumalik sa pagkabata.
Nang mapagod ay nagtungo sa isang food booth upang kumain at magpahinga.
“This is a blast guys! I had so much fun! I’m gonna miss this, definitely,” si Dane na hinihingal pa habang umiinom ng softdrinks.
“Oo nga eh, 2 months na lang, then graduation na. Nakaka-emo naman,” si Trish sa seryosong mukha.
“O, 2 months pa nga e, malungkot na agad. Hindi pa pedeng mag-enjoy muna,” kumento naman ni Patty na muling pinapagaan ang usapan.
“Yeah, Patty’s right. Let’s not think of the end, it’s more of a start of a new beginning,” sabi naman ni Kyle na laging nakatabi kay Patty.
“Wow, new na beginning pa?,” pagbibiro ni Patty na ikinatawa naman ng tatlo.
“I really like your humor Patty, your really funny!,” bulaslas ni kyle sa pagitan ng pagtawa
Nagkitinginan naman sina Trish at Dane at pagkatapos ay tumingin sa kaibigang si Patty. Nakuha naman ni Patty ang mensahe ng dalawa at muling nagsalita.
“Anu naman yang mga tingin na yan? Mga intregera to,” kunway pagsusungit nito
“Patty, you’re blushing!,” pang-aasar pa ni Dane.
“Kinikilig na yan... Umamin ka na kasi”, susog pa ni Trish
“Tigilan nyo nga ako!,” sita naman nito sa mga kaibigan. Tahimik lamang na nakikinig sa tatlo si Kyle habang kumakain. Itinuloy na rin ng tatlo ang pagkain at mamaya ay manonood pa sila ng stage play.
“Hi Guys! Mind if I join you?.” Sabay sabay napatingin ang apat sa direksyon ng nagsalita. Nagulat ang mga ito ng muling makita si Jeric. Matagal-tagal din itong nawala sa sirkulasyon at ngayon lang muling nagpakita.