Chapter 31: Your Guardian Angel

491 7 0
                                    

CHAPTER THIRTY ONE:  Your Guardian Angel

Tapos ng ligpitin ni Trish ang mga dadalhin niyang gamit sa pag-alis sa JGH Phils. Mas napadali ito dahil tinulungan siya ni Kate. Hindi naman mapatid ang pagluha ni Kate habang tinutulungan ang kaibigan. Si Trish ang pinakamalapit nitong katrabaho sa opisina kaya’t hindi nito maisip kung paano na siya kapag wala na ang kaibigan. Nang matapos ang pagliligpit ay hinarap na siya ni Trish.

“So... this is it...” malungkot na pahayag ni Trish. Muli na namang namumuo ang mga luha sa mata nito. Mami-miss niya ang kaibigan. Tuluyan ng umiyak si Kate at niyakap si Trish.

“Trish... Huwag ka nang umalis”, wika nito sa gitna ng pag-iyak. Hindi rin makapagsalita si Trish. Nang mahimasmasan ay unang nagsalita si Trish.

“Ano ka ba? Sa kumpanya lang naman ako aalis... hindi sa Pilipinas”, nakuha pang magbiro ni Trish sa gitna ng pagluha. Bumitaw sa pagkakayakap si Kate at pinahid ang luha nito.

“Kahit na, iba pa rin kapag nandito ka!”, pahayag ng dalaga.

“Pwede mo naman akong tawagan anytime”, sabi naman ni Trish. Unti-unti nang tumahan si Kate.

“Saan ka na pupunta ngayon?”, tanong nito na malungkot pa rin.

“Magpapahinga muna siguro ako... Magbabakasyon. Kahit saan... basta ung may peace of mind”, nakangiting wika ni Trish. After ng lahat ng pinagdaan lalo na ng puso ng dalaga ay nais nitong mapag-isa at magmuni-muni kung ano na ang susunod na gagawin sa buhay niya.

“Oo nga friend, kailangan mo yan... Basta mag-iingat ka ha! Kapag nakabalik ka na, tawagan mo kaagad ako”, masayang pahayag na rin ni Kate. Ano man ang pinagdadaanan ng kaibigan, alam niyang deserving itong maging Masaya kaya’t susuportahan na lang niya si Trish. Muling nagyakap ang magkaibigan at inihatid ni Kate si Trish hanggang sa sasakyan nito.

Pasado ala-una na ng madaling araw ng umuwi si Gwen. Naabutan pa nitong gising si Dianne. Nasa salas ito habang umiinom ng kape. Mukhang malalim ang iniisip ng dalaga kaya’t hindi nito namalayan ang pagdating ni Gwen.

“Dianne... Ba’t gising ka pa?”, tanong ni Gwen na ikinagitla ni Dianne. Muntik pang matapon ang hawak nitong kape.

“Gwen...”

Tila na wi-weirdohan si Gwen sa kaibigan. Ilang araw na itong hindi gasinong nagkukwento sa kanya at madalas nakikitang nakatulala na tila malalim ang iniisip.

“Dianne... ok ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Gwen.

“Oo naman... Hindi lang kasi ako makatulog eh... Ikaw, saan ka ba galing?” balik tanong nito sa kaibigan. Nagbago naman ang mood ni Gwen. Umaliwalas ang mukha nito at excited na lumapit sa kaibigan. Umupo ito sa tapat ni Dianne at ngumiti nang pagkaganda-ganda dito. Si Dianne naman ang nagtaka sa expression ng kaibigan.

“Hoy, anong nangyari sa’yo? Saan ka ba talaga galing?” muling tanong nito. Pero sa halip na sumagot si Gwen ay inilahad lang nito sa harapan ni Dianne ang kanang kamay. Sa una ay hindi maintindihan ni Dianne ang ginagawa nito, subalit ng makita ang sing-sing sa kamay ng kaibigan ay nanlaki ang mga mata nito.

“OH MY GOD! Totoo ba ito Gwen? Cris proposed to you?” hindi makapaniwalang tanong ni Dianne habang hawak ang kamay ng kaibigan. Sunod-sunod na tango ang sinagot ni Gwen. Sabay napatili ang dalawa at nagyakap.

“Congratulations Gwen! I’m so happy for you!”, masayang bati ni Dianne sa kaibigan. Mangiyak-ngiyak pa ang dalawa ng magbitaw. Totoong Masaya siya para kay Dianne. Alam niyang deserve ng kaibigang maging Masaya. Subalit hindi niya maiwasang malungkot para sa sarili. How she wish pareho sila ng kapalaran nito.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon