CHAPTER 24: I Can’t fight this feeling anymore
Kausap ni Stan si Tita Lucy at Masaya ito sa ibinalita ng sekretarya. Nakapagset na ito ng appointment sa Developer ng naudlot na Subdivision project at mukhang interesado pa rin ito sa serbisyo nila. Kaagad ay tinawagan nito si Keith at binanggit ang proposal. Hindi naman nagdalawang isip ang binata lalo pa at kilala ang developer nito. Malaki ang maitutulong nito na maibalik ang tiwala ng mga dating kliyente sa kumpanya nina Stan.
Tila nawala ang hinanakit sa tinig ni Stan habang kausap nito si Keith. Kailangan niya munang iset-aside ang personal na dilemma para sa kumpanya. May tamang oras para harapin niya ito. Kaagad ay nagset ng meeting ang dalawang binata para pag-usapan ang gagawing presentation sa makalawa. This is a big shot para kay Stan kaya walang puwang ang pagkakamali. Nagpasyang sa JGC Phils na lang gawin ang planning at brainstorming ng grupo kaya’t agad nitong mineeting sina Mark at ang iba pang kasama.
Alas-dos ang simula nang meeting at abalang-abala ang team ni Keith sa biglaang pagtawag nito. Na rattle pa ang ibang staff ng binata ng malamang darating ang grupo ni Stan. Excited naman si Kate sa pagdating ni Mark kahit halos araw-araw ay nagkikita naman sila ng nobyo.
Iba naman ang nasa-isip ni Trish. Pagkatapos ng team building seminar nila sa Tagaytay ay ngayon lamang ulit magsasama ang dalawang team. Sa telepono na lang muna nagco-comunicate ang dalawang kumpanya.
Ngayon lang din niya ulit makikita si Stan matapos niyang sagutin si Keith. Sa kabila ng pagpapahayag ni Stan na gusto nitong bigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang mga nararamdaman ay mas pinili nitong gawin ang alam niyang tama. Naging mabuti sa kanya si Keith at naging masigasig naman ito sa panliligaw sa kanya kaya walang dahilan ang dalaga para hindi nito bigyan ng pagkakataon ang binata. Napamahal na rin naman siya dito, ngunit hindi niya maitatanggi na may malaking espasyo pa rin sa puso niya si Stan.
Dumating na nga ang grupo nina Stan at inassist naman ang mga ito ng staff ni Keith. Sa opisina na lamang ni Keith nag meeting ang mga ito. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Stan at prinisent na ito ang proposal. Naging maganda naman ang naging assessment ni Keith dito at nagulat pa siya nang makita ang pangalan ni Trish sa Archtecture design nng proposal.
“Am I reading this right? Ann Patrisha Policarpio... Architect”, proud na turan ni Keith at sumulyap sa dalaga. Hindi naman mapigilan ni Kate na makisilip sa hawak na papel ni Keith. Katabi lang naman ito ng Boss.
“Totoo nga... galing mo talaga friend”, bulong nito kay Trish. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Trish sa boyfriend at kaibigan.
“She did that when she was still an intern”, singit naman ni Mark. Lalo naman naimpress si Keith na hindi napigilang magkomento.
“I’m so proud of you Princess”, wala sa loob nitong nagamit ang word of endearment nya sa dalaga. Napatingin ang mga kaharap nito kay Keith maliban kay Stan na nakatutok lang sa harap ng laptop nito. Nahihiya naman hinampas ni Trish ang hita ni Keith sa ilalim ng lamesa. Inaabangan naman ni Mark ang magiging reaksyon ng kaibigan pero deadma lang ito.
“So... our presentation will be in two days. Kaya ba nating ihanda ang lahat ng kailangan?”, sa gitna ng panandaliang katahimikan ay biglang nagsalita si Stan na tila walang alam sa pangyayari kani-kanina lang. Muli namang ibinalik ng lahat ang atensyon sa pinag-uusapan. Una nang nagsalita si Keith.
“Of course, with a team like ours... kaya natin yan!”, positibong tugon nito.
“I think were done... I’ll just e-mail the other details”, si Stan. At nagpaalaman na nga ang dalawang grupo.
Habang nagliligpit ng mga ginamit ay kapansin-pansin ang pananahimik ni Trish. Nakaalis na ang grupo nina Stan subalit hindi pa rin maalis sa isipan niya ang binata. Kalmado lang ito at tila kirot na kaakibat na malaman na tuluyan na na siyang binatawan ng binata.
