Chapter 33: Forevermore

506 8 3
                                    

CHAPTER THIRTY THREE: Forevermore

Nang hapong iyon ay tinawagan ni Kate ang boyfriend nito na si Mark at niyayang mag-dinner. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita ni Mark dahil sa sinusupervise nitong proyekto. Hindi naman tumanggi si Mark dahil namimiss na rin nito ang nobya. Naunang dumating si Kate sa restaurant at nag-order na rin ito para sa pagdating ni Mark ay kakain na rin sila. Siguradong gutom na ang binata dahil malayo ang site nito.

Habang naghihintay ay hindi pa rin maalis sa isipan ni Kate ang pag-uusap nila ni Keith. Nang magresign si Trish at umalis sa kumpanya ay hindi pa sila ulit nag-uusap ng dalaga. Ang alam lang niya ay may balak magbakasyon ang kaibigan subalit hindi niya alam kung saan. Sa nakikita niya kay Trish ay handa na itong mag-move on at magsimula ng panibangong buhay na wala si Keith, ngunit taliwas naman ang pinapakita ng binata. Tila ayaw pa rin nitong bitawan si Trish at nag-aalala si Kate para sa kaibigan.

Sa lalim ng iniisip ni Kate ay hindi nito namalayan ang pagdating ni Mark. Mula sa likod ay humalik ito sa pisngi ng dalaga na ikinagitla naman ni Kate.

“Mukhang malalim ang iniisip natin a!”, si Mark na naupo sa tapat ni Kate.

“Sorry... hindi kita nakita...”, hinging paumanhin ni Kate sa nobyo nito.

“Pansin ko nga.... So, How’s your day?”, pag-iiba ni Mark sa usapan.

“Okay naman, ganun pa rin... puro paper works at phone calls... nakaka-board na nga eh!”, kwento ni Kate na tila nawawalan na ng gana sa trabaho.

“Ikaw eh, tagal ko nang ino-offer sayo ung sa States... ayaw mo naman”, si Mark na himig pagtatampo.

“Mark... are we going to talk about this again?.... Wag ngayon, wala akong energy”

Hindi na nagsalita pang muli si Mark at sinenyasan na nito ang waiter. Ilang minuto lang ay lumapit na ang waiter na dala ang kanina pang inorder na pagkain. Habang kumakain ay kapansin-pansin ang medyo katamlayan ni Kate. Dala pa rin marahil ng pag-iisip sa sitwasyon nina Trish at Keith. Nahalata ito ni Mark.

“Okay ka lang ba? Bakit parang wala ka namang gana?” taking tanong ni mark sa nobya. Hindi na naitago pa ni Kate ang nararamdaman. Ibinaba nito ang kubyertos, uminom ng tubig at saka nagsalita.

“Nagkaka-usap ba kayo ni Stan?”

“Bakit mo naman natanong?”

“Alam ba niyang break na sina Trish at Keith?”

Huminto sa pagkain si Mark at tiningnan ng seryoso ang nobya. Muling nagsalita ang dalaga.

“Nagtatanong lang naman!”, tugon ni kate na sinimangutan pa ang nobyo. Tila naguilty naman si Mark kaya napilitan na rin itong sagutin si Kate.

“Oo, nabanggit ko kanina?” si Mark. Muling sumigla si Kate dahil pinagbibigyan siya ni Mark.

“Eh anong reaksyon nya?”, interesadong tanong ni Kate.

“Wala naman, nabigla lang siguro”. Napasimangot si Kate sa walang kakwenta-kwentang sagot ng nobyo.  “Kumusta naman ang Boss, Okay lang bas a kanya na nakipag-break si Trish?”

“Yun nga eh... para kasing hindi nya matanggap.... Feeling ko may masamang mangyayari”

“Ha! Ano naman yon?”

“Ewan ko... Basta!  Iba pakiramdam ko... Ang weird ni Keith ngayon eh!”

“Ikaw, kung anu-ano pinapasok mo dyan sa isip mo. Kumain ka na nga!”

At itinuloy na ng dalawa ang pagkain.

Samantala, inabot na ng dilim sina Trish at Stan pabalik ng kubo. Magkahawk kamay at very sweet ang dalawa habang naglalakad. Inabutan nilang naghahain na ng hapunan ang mag-anak.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon