CHAPTER NINE: How I love the Rainy Days
Pasado alas-otso na nang magmulat ng mga mata ang dalagang si Trish. Wala silang klase ngayon kaya hindi na rin ito ginising ng ina. Nag-inat pa muna ito bago tuluyang bumangon sa kama. Gulo-gulo ang buhok na tinungo nito ang banyo, nagtoothbrush, naghilamos at umupo sa trono. Pagkatapos ay inayos ang kama at bumaba sa kusina. Naabutan pa nito ang ina at ama sa hapagkainan at halos patapos na ng pagkain. Nakaalis na rin ang mga kapatid nito.
“Good Morning Princess!,” bati nang kanyang Ama. Dahil siya ang panganay na babae ay prinsesa ang tawag nito sa kanya.
Kaagad namang lumapit ang dalaga at yumakap sa Ama. Hinalikan din niya ito sa pisngi. Kahit dalaga na ay malambing pa din ito sa mga magulang.
“Good Morning Dad!,” masiglang bati din nito sa Ama at pagkatapos ay sa ina naman yumakap at humalik. “Good Morning Mom!”.
“C’mon, join us bago pa iligpit ito ni Manang”, anyaya naman ng Ina. Kaagad tumalima ang dalaga at naglagay ng pagkain sa plato.
“So how’s the internship anak”, tanong ng ama nito.
“It’s good dad, although puro clerical work pa lang ang pinagagawa sa amin. But I’m learning Dad,” masiglang kwento nito sa Ama.
‘That’s good to hear, ganun naman talaga. You really have to start from the bottom para mas marami kang matutunan. Just be patient and work hard,” payo naman ng ama nito na isang businessman.
“Yes Dad,” si Trish.
“Eh maiba naman tayo anak. Kumusta naman ang puso mo, wala pa bang kumakatok dyan?,” singit naman ng ina nito. Sa kanyang magulang, ang kanyang Ina ang mas-open sa ganitong conversation.
“Ma talaga, lovelife talaga ang tanong?,’ tugon ni Trish
“What’s wrong with that? You’re single and beautiful. 20 ka na at 2 months na lang tapos na ng college, so anu pa ba ang kulang... di ba lovelife? Happy na kami ni Daddy sa na-achieve mo kaya it’s time to find for your personal happiness,” paliwanag ng ina ni Trish.
“Masaya naman ako Ma, andyan naman kayo eh,” tugon ni Trish
“Pero anak, iba pa rin ung may isang tao na nagpapasaya sa iyo maliban sa amin. Darating ang panahon maghihiwa-hiwalay din tayo, at ang taong yun ang makakasama mo. Parang kami ng Daddy mo,” pangungumbinsi pa nito.
Hindi naman umimik pa si Trish at tuloy lang sa pagkain. Ang Ama naman nito ang nagsalita.
“Mommy ano ka ba, bakit ba pinipilit mo nang magboyfriend yang anak mo e ayaw pa nga. At saka bata pa yan, hayaan mo munang i-enjoy nya ang pagiging single niya,” kumento ng ama ni Trish.
“Hay naku, kailan ba tumanda yang mga anak mo sa iyo. E kahit yata abutin ng 40 ang idad nyan, bata pa rin ang tingin mo. Sige ka, baka tumandang dalaga yan,” pananakot pa nito sa asawa.
Hindi na lang umimik si Trish, nagingiti na lang ito habang nakikinig sa mga magulang.
Maagang nagpunta sa site si Stan upang icheck ang mga updates na nireport ni Engineer Rosales. Ang nasabing Engineer ang namamahala sa isang commercial building sa Paranaque. Malapit na matapos ang contract nito kaya’t ininspect nang mabuti ni Stan. Maliban sa maliliit na problema ay naging maayos naman ang pamamahla ni Engr. Rosales. Maaasahan talaga nito ang kaibigan.
Pasakay na ito ng kotse para bumalik sa opisina ng biglang tumunog ang cellphone nito na kaagad kinuha sa loob ng bulsa.
Good Morning Engineer! Thanks for the kind words yesterday. I appreaciated it very much!