CHAPTER FOUR: Love Is Real
Umagang umaga ay nakabusangot na kaagad ang mukha ni Patty. Kasalukuyang nasa study hall ang dalawa ni Trish at seryosong nag-iisip. Lugmok ang magkaibigan sapagkat hanggang ngayon ay wala pa silang napagpapasahan ng resume’ para sa kanilang internship. May corresponding hours silang kailangang bunuin upang makompleto ang kanilang requirements for graduation at kung hindi pa sila makahanap this week ay siguradong kakapusin sila sa panahon.
“Good Morning pretty ladies!”, masayang bati ni Jeric na may dalang dalawang cup ng kape from starbucks.
Halos isang buwan na ang nakakalipas ng makilala at eventually maging kaibigan nina Trish si Jeric. Maaga pa lang ay nahimigan na ni Trish na balak siyang pormahan ng binata kaya naman ipinaalam niya kaagad dito na wala pa syang balak magkaboyfriend hangga’t hindi pa siya nakakagraduate at nakakahanap ng magandang trabaho. Nirespeto naman ito ng binata at nanatiling mabuting kaibigan sa mga ito.
Ibinaba ni Jeric ang dalang kape sa tapat ng dalawang dalagang parehong nakapang-halumbaba. Mukhang hindi naman nasiyahan ang mga ito sa pagdating ni Jeric kaya muli itong nagsalita.
‘What’s up ladies? Ang aga-aga e nakabusangot agad mukha nyo. May namatay ba?”, pagbibiro pa nito na hindi naman bumenta sa dalawa.
“Sigurado we’re dead pag hindi pa tayo nakahanap this week. Nakakainis!”, komento ni Patty na ginulo pa ang buhok sa pagkainis. Mukang hindi pa rin nag-eexist si Jeric sa harap ng mga ito.
“Hello Guys! Jeric here! Andito ko oh!”, si Jeric na iwinawagayway pa ang mga kamay sa harap nina Trish at Patty. Tiningnan ito ng masama ni Patty at nagsalita.
“Alam namin, kanina pa!”, kunwaring pagsusungit nito. Biglang natawa ng mahina si Trish sa reaksyon ni Patty.
“Ang sungit mo naman... Ano ba kasing problema nyong dalawa”, muling tanong ni Jeric na inilapit ang dalang kape sa dalawa. Kinuha naman nila ito at humigop bago muling nagsalita.
“E kasi nga....”, at pinaliwanag nga ni Trish ang problema nila at ng matapos...
“So you mean, Internship? Kailangan nyo ng company ng mag-a-accomodate sa inyo?”, si Jeric na matapos magsalita ay tahimik na nag-isip. “I think I can help you with that”, pahayag nito.
Bigla namang nabuhayan ang magkaibigan sa narinig.
“Sigurado ka?” paninigurado pa ni Patty na napatayo mula sa kinauupuan nito.
“Yup”, pagbibigay assurance naman ni Jeric.
Nagkatinginan ang magkaibigan at mabilis na nilapitan si Jeric at niyakap ito. Panay na kaagad ang pasalamat ng dalawa kahit hindi pa nila alam kung anong tulong ang ibibigay ng binata.
Past 1:00 na nang matapos ang meeting ni Stan with their client kaya hindi na ito lumabas pa ng kumpanya. Nagpa-order na lang ito sa secretary ng lunch. Nagpasya itong umidlip sa kanyang upuan habang hinihintay ang delivery. Napagod ito sa project conference nila. Maganda naman ang kinalabasan at malapit nang masimulan ang idedevelop na subdivision ng business partner nila wherein sila ang contructor.
Makalipas ang 30 minutes ay bumukas na ang pintuan ng office nito.
“Delivery Mr Yap”, masiglang bati ng isang magandang dalaga na may dalang brown na supot. Iminulat naman ng binata ang mga mata pagkarinig nito. Nagulat pa ang huli ng makitang hindi ang sekretarya ang pumasok.
“Gwen?”, takang tanong nito sa kaibigan. Lumapit si Gwen at inilapag sa table nito ang dalang pagkain. “What are you doing here? I thought out of the country ka?”.
