Chapter 3: Love at First Sight?

735 9 5
                                    

CHAPTER THREE: Love at First Sight?

It was a sunny Sunday morning. Mataas na ang sikat ng araw subalit hindi pa rin natitinag sa kama nito ang binatang si Stan. Gising na ito pero ayaw pa ring imulat ang mga mata. Tinatamad pa rin itong bumangon dahil masakit ang katawan nito. Nang subukan nitong imulat ang mga mata ay kaagad din niyang ipinikit dahil sa sinag ng araw na simisilip sa kanyang bintana. Masakit sa sintido ang sikat nito. Nakaramdam din siya ng sakit ng ulo dala ng sobrang kalasingan nang nagdaang gabi.

Pilit niyang binabalikan sa kanyang isipan ang nagdaang gabi subalit wala itong matandaan. Ang alam lang niya ay niyaya niya ang mga kaibigan ng mag-unwind sa isang bar. Uminom ng ilang shots ng vodka at boom.... block out. Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. Hindi rin niya matandaan kung paano siya nakauwi.

Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay bahagya ng natakluban ng nahahanginang kurtina ang sinag ng araw na kanina pa sumisilip sa mga bintana. Masama man ang pakiramdam ay pinilit na rin nitong bumangon. Naupo sa gilid ng kama at hinilot ang kanyang sintido.

“I hate this”, naiinis na bulong nito sa sarili. At para maalis ang masamang pakiramdam ay nagpasya na itong tumungo sa sariling banyo at nagshower ng mabilis. Nang makapagbihis ay dumeretso ito sa kusina upang kumain. Ngayon lang siya nakaramdam ng gutom. Pagdating sa kusina ay naabutan nito ang ina na nagluluto ng paborito nitong sinigang. Nilapitan nito ang ina at niyakap mula sa likuran nito. Masuyo din nitong hinalikan ang ina sa pisngi.

“Goodmorning Ma”, bati nito sa Ina. Bahagya naming nagitla ang Ina sa ginawi ng anak.

“Ano ka ba? Wag mo nga akong ginugulat”, tugon nito na kunwari’y nainis sa anak.

Nginitian lang ito ni Stan. Bumitaw ito mula sa pagkakayakap sa ina at naupo sa bakanteng upuan sa may kitchen counter. Kahit 24 anyos na ay malambing pa rin ito sa Ina. Muli nitong hinawakan ang ulo ng makaramdam ng kirot. Hindi naman ito nakaligtas sa Ina na kahit busy sa pagluluto ay hindi maiwasang pagmasdan ang anak. Nagtimpla ito ng black coffee para sa panganay at pagkatapos ay ipinatong sa harapan ni Stan. Dahil sa mabangong aroma nito ay napatunghay si Stan.

“Drink that, nang mawala hang over mo”, utos nito sa anak.

Sumunod naman agad ang binata at humigop ng mainit na kape. Muli na naman itong napangiti sa sarap ng kapeng gawa ng Ina. Maya-maya pa ay bumalik ang Ginang na may dalang plato na may lamang bacon, egg, 2 sclices of bread at banana at muling inilapag sa harapan ng anak.

“Kainin mo yan, ubusin mo”, utos muli ng Ginang.

Nagtataka man sa ikinikilos ng Ina, ay sumunod pa rin ang binata at magana itong kumain. At ng nasa huling kagat na ito ng saging ay muling nagsalita ang Ina na kanina pa rin siya pinapanood.

“Tapos ka na ba?”, tanong ng ginang.

Nagulat si Stan at nalunok kaagad ang kinakain. Kaagad itong uminom ng Juice na inihanda rin ng Ina. Nang maubos ang juice ay tumango ito sa ina.

“Let’s talk, dun sa garden”, tumalikod na ang ginang at dumeretso sa Garden. Wala namang nagawa ang binata kundi ang sumunod. Nang nakaupo na ang mag-ina ay unang nagsalita ang ginang.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon