CHAPTER EIGHTEEN: Begin Again
Sa wakas ay nakarating din si Stan sa place ni Cris. Nasa 11th floor ang unit ng kaibigan. Bago lang ito at kalilipat lang last week. Bukod kay Gwen ay si Stan pa lang ang pangalawang makakabisita dito. Ilang minuto lang ay nasa tapat na ito ng pintuan ng unit ng kaibigan. Nagdoorbell ito at agad naman binuksan ni Cris.
“Welcome back Stan”, bati ni Cris na inakap pa ang kaibigan. Pinapasok nito si Stan at nakitang may nakahanda ng food sa mesa.
“Nice place! Kailan ka pa lumipat”, tanong ni Stan habang nililibot ng paningin ang kabuuan ng condo, may dalawa itong kwarto, salas, kusina at veranda. Malaki para sa isang tao lang.
“Last week lang. How about you? Are you staying for good or just here to visit?” si Cris habang pinapainit ang mga pagkaing inorder kanina.
“I’m staying for good na pare. Tinapos ko lang naman ung MBA ko. I think Dad is planning to retire early because of his health conditions”, paliwanag nito sa kaibigan
“Really, how’s Tito? Is he in a bad shape?” si Cris na isa-isa na ulit inihahain sa mesa ang mga pinainit nitong pagkain.
“Not really pero we have decided na iprioritize na lang ang health ni Dad. Dad’s condition is more important than anything else,” tugon ni Stan na naupo na sa hapag at sinimulang lantakan ang Japanese food na nakahain. Kanina pa ito nagugutom.
“I guess that’s a good decision for your family but how about your company?” muling tanong ni Cris na sinaluhan na rin ang kaibigan.
“It’s struggling and I have to move fast or else... kawawa ang mga empleyado namin pag nagkataon”, si Stan. Tumayo ito para kumuha ng softdrinks sa fridge.
“Good Luck to you, It’s a tough job.”
“Hell Yeah!.... enough of me. Where’s Gwen by the way?” pag-iiba nito ng usapan
“As usual, photoshoots, modelling stints and even hosting, she’s very busy right now. Sa phone na nga lang kami nag-kakausap”, pahayag nito na medyo may pagtatampo na sa girlfriend.
“Career woman ang girlfriend mo, so live with it”, payo ni Stan sa kaibigan.
“I understand naman kaya lang parang mas mahal nya trabaho nya kesa akin. Kaya nga I’m planning to ask her na bro”, nakakagulat na pahayag ni Cris.
“Really?! Kailan mo naman balak bro?” excited na tanong ni Stan.
“I don’t have concrete plans yet. Humahanap pa ako ng magandang timing and I think I will be needing your help.”
“I’m okay with it pare, Just tell me what help you need”.
“How about you, kumusta na kayo ni Dianne. Haven’t heard about her since she moved back sa States. Last thing I heard e girlfriend mo na pala sya. How’s that happen nga pala?” interesadong tanong ni Cris sa kaibigan.
“Long story... but were okay, were stable... I think,” halos pabulong ng sabi nito.
Flashback
After staying for almost a month sa hospital, pinayagan ng umuwi ng doctor si Dianne with the condition na she’ll be back for her appointment with a psychologist. Tinupad naman ito ng dalaga. Sa condo unit ni Stan nagstay ang dalaga dahil hindi naman ito inooccupy ni Stan. Naghire din ng pansamantalang makakasama ni Dianne ang mga kaibigan nito.
Samantala nagdecide naman si Stan na ipursue ang MBA nito sa America. Nagpaalam ito sa mga magulang at kaagad naman itong pinayagan. Tinawagan nito ang University na pinag-aaplyan at muling binuksan ang application ng binata at tinanggap muli ito. After ng ilang weeks of preparation ay lumipad na nga si Stan sa America.