CHAPTER SIXTEEN: New Beginning
It was a warm Sunday morning at kakatapos lang ng 9:30 mass sa Saint Paul the First Hermit Cathedral. It is a family day every Sunday para sa pamilya Policarpio. After the mass, nakaugalian na rin nilang magsalo-salo sa paboritong restaurant ni Mr. Policarpio. They were indeed a happy family... a perfect one para sa iba.
Kapag natapos na ang kanilang salu-salo ay saka pa lamang pinapayagan ang mga ito sa kani-kanilang lakad. Trish did not waste even a second of her time. Ngumunguya pa ito ay nagpapaalam na kaagad sa mga magulang. Kahit nasa tamang edad na ang dalaga ay nagpapalam pa rin ito sa mga magulang tungkol sa mga lakad nito bilang pagpapakita ng respeto sa mga ito. Gayundin naman ang nakatatanda nitong kapatid na lalaki na isa na ngayong ganap na Businessman. Sa murang edad na 24 ay nagmamay-ari na ito ng isang tindahan ng mga sports equipments and clothes sa isang sikat na mall. Naging matagumpay ito dahil na rin sa tulong ng kanilang ama na isa ring businessman.
Si Trish naman ay isa ng ganap na Architect sa edad na 22. Nagtatrabaho ngayon ang dalaga sa isang sikat na construction company sa bansa. Sa loob ng halos dalawang taon ay mabilis ang naging pag-asenso ng dalaga dahil na rin sa angking galing at dedikasyon sa trabaho.
Matapos makapag-paalam ay sumakay na si Trish sa kotse nito. Binuksan nito ang radio at nadinig ang tinig ni Lenka sa awiting Anything I’m not. Nang-mailock na ang seatbelt ay marahang pinaandar ito ng dalaga. Masaya si Trish dahil magkikita sila ni Patty. Madalang na silang magkasama ngayon ng kaibigan dahil magkahiwalay na sila ng work place kaya kapag may pagkakataon ay hindi nila ito pinalalampas. Sa sobrang saya ay napapakanta pa itong si Trish. Sinasabayan with action ang feelings ang kasalukuyang pinatutug-tog sa radio.
“Give me a break, I wanna escape...
I’m so tired of being me...
I wanna be free, I wanna be new and different...
Anything i’m not... I’m not...”
Makalipas lang ang tatlumpong minuto ay nakarating na si Trish sa meeting place nila ng kaibigan. Kaagad naghanap ng parking space ang dalaga at maingat na ipinarada ang kanyang sasakyan. Kaagad naman niyang nakita si Patty na kasama ng boyfriend nito.
“Trish!”, excited na bati ni Patty na hindi na nakatiis at sinalubong na sa pintuan ang kaibigan. Mahigpit na nagyakap ang dalawa. Almost 5 months din na hindi nagkita ang magkaibigan pero hindi naman nawawala ang communication nila. “Dun tayo”, turo ni Patty sa inoccupy na lamesa.
“Kumusta ka na?! .... Ahmm... kayo pala?.... Hi Kyle!,” bati rin nito sa boyfriend ni Patty.
“We’re okay... We’re happy to see you Trish,” si Kyle.
“Ako din kaya! Namiss ko kayo, sobra!” si Trish na walang pagsidlan ang kasiyahan.
“Lalo kang gumaganda Trish Ha! Mukhang inlove na inlove ang bestfriend ko”, si Patty
“Ikaw nga dyan, very blooming ka! Siguradong magaling mag-alaga itong si Kyle no!” si Trish na bumaling sa boyfriend ng kaibigan.
“Ako nga ang inaalagaan ni Patty eh. Tingnan mo, pati pagtatagalog ko, okay na,” pagmamalaki naman ni Kyle na inakbayan si Patty.
“Hmmm. Impressive nga... Sige, kayo na... kayo na ang love team of the year” biro ni Trish. Nagkatawanan naman ang tatlo.
“Si Jeric, bakit hindi mo kasama?” tanong ni Kyle.
“Busy yon ngayon, darating kasi mommy nya this afternoon”, simpleng tugon nito habang tumitingin ng pagkain sa menu. Light lang ang oorderin nito dahil kakakain lang naman niya.