CHAPTER SIX: If Eyes Could Speak
Nakaka-isang lingo na as interns sina Trish at Patty. Nakakagaanan na rin nila ng loob ang mga kasamahan. May mangilan-ngilan pa nga na nagpapalipad hangin sa dalawa subalit dinadaan lang ng mga ito sa biro. Natapos na rin nilang ayusin ang archives room. Mukang nasatisfy naman si Tita Lucy dahil hindi naman ito nagreklamo. Mga paper works pa rin ang pinapagawa sa dalawa. Pero hindi sila nagreklamo dahil kung tutuusin mas magaan ito kaysa sa unang ipinagawa ni tita Lucy.
Madalang naman pumunta sa opisina si Stan. Mas naglalagi daw ito sa site dahil sa isang project na ang binata ang nagsusupervise. Big time daw ang kliyente kaya hindi pwedeng pabayaan. Na mi-miss tuloy ito ng dalaga. Namimiss nitong tingnan ang gwapo nitong mukha at ang nakakakilig nitong ngiti. Kung nakikita lang sana niya ito, edi mas inspirado sana syang magtrabaho.
“Hayyyy”, si Trish. Nasa cubicle nila ito at nakatitig lang sa monitor ng laptop.
“Uy, ang lalim non ha. Ano bang meron, bakit parang kulang ka sa energy”, tanong ni Patty na busy sa ine-encode nito.
Tanging buntong hininga lang ulit ang isinagot ng dalaga at nagsimulang tumipa sa keyboard. Tumigil si Patty sa ginagawa at inikot ang upuan paharap sa kaibigan at muling nagsalita.
“May namimis ka no?”, tanong nito sa kaibigan na sinamahan pa ng nang-iintrigang ngiti. Pinagalaw pa nito ng pataas at pababa ang mga kilay.
“Ha, anong sinasabi mo dyan”, tugon naman ni Trish na kunwari’y walang alam sa sinasabi ng kaibigan. Sa laptop pa rin nakatuon ang paningin nito.
“Hmmm... kunyari ka pa, aminin mo na kasi. Nagkaganyan ka lang naman simula ng hindi mo sya nakikita eh”, pangungulit pa rin ni Patty. Kinakabahan naman si Trish sa mga sinabi ng kaibigan. Malakas talaga ang pakiramdam nito.
My Gosh! Nakakahalata na kaya talaga si Patty. Ang lakas talaga ng radar nito, bulong nito sa isipan.
“Umandar na naman ang pagkaintrigera mo ha, magtrabaho ka na nga lang”, sita nito sa kaibigan. Bumalik naman ang huli sa ginagawa subalit ilang saglit lang ay humarap muli ito kay Trish.
“Trish yung totoo, gusto mo na ba sya?”, diretsong tanong nito na ikinabigla ni Trish.
Oh my God Patty, huwag mo kong tanungin ng ganyan!, bulong nito sa isip na may halong panic. Gusto na nyang tadyakan ang kaibigan.
“Patty, I’m busy!”, tugon nito na hindi pa rin tumitingin. Ngunit hindi pa rin siya tinigilan ni Patty at muling nagsalita.
“Sabagay, gwapo naman siya at mukhang sincere. Pag nagkataon, he’ll be your first boyfriend. Wow! Swerte naman nya! Ang ganda kaya ng friend ko at super bait pa”.
“Patty tama na nga, di tuloy ako maka-concentrate sa ginagawa ko eh”.
“Ang sabihin mo, kinikilig ka, kaya pamali-mali napipindot mo. Ikaw naman kasi, pakipot pa. Tawagan mo na kasi or if you want, daan tayo sa school mamaya. Sigurado andun pa yon. Namimiss ko na rin kasi sina Dane eh”.
Napatigil sa ginagawa si Trish. Naguluhan ito sa mga huling sinabi ng kaibigan. Tumingin ito kay Patty na busy na rin sa ginagawa. Hindi na niya ito inabala pa at hinayaan na lang sa inaakala. Nakahinga na rin sya ng maluwag dahil dito.
Matagal-tagal na rin nga silang hindi nagkikita ni Jeric. Busy rin kasi ito sa sariling internship. Hindi na rin ito madalas tumawag at magtext. Bagay na ipinagtataka na rin niya subalit hindi niya pinagtutuunan ng pansin. Okupado kasi ng iba ang kanyang isipan.
Woooh... Akala ko naman nahalata na ako ni Patty. Grabe ha, na tense ako dun, bulong nito sa isip.
Nang sumunod na linggo ay madalang pa rin nakikita ang binata sa opisina. Dumadaan lang ito paminsan-minsan upang pumirma sa ilang papeles. At ngayon nga ay tatlong araw na daw itong nasa Thailand upang i-meet ang isang client na konektado pa rin sa project nila ngayon. Nalalaman nya ang mga ito kay Tita Lucy. Hindi nila maiwasan makinig ni Patty kapag may kausap ang matanda sa telepono lalo na’t tungkol kay Stan. Kaya naman ilang linggo na ring lugmok ang dalaga.
