Chapter 13: Holding On and Letting Go

573 9 6
                                    

CHAPTER THIRTEEN: Holding On and Letting Go

Kinabukasan ay hindi kaagad makabangon si Trish. Masakit ang buong katawan nito na tila tatrangkasuhin. Nang makauwi ng nagdaang gabi ay naabutan nito ang mga magulang at kapatid sa salas at hinihintay siya. Natawagan na ang mga ito ni Patty bago pa man nila nilisan ang opisina. Agad siyang niyakap ng nag-aalalang ina. Hindi na muna siya tinanong pa ng mga ito dahil kita nila na exhausted na rin ang dalaga. Matapos pakainin ay pina-akyat na ng mga ito ang dalaga at pinagpahinga. Ngayon na lamang nila aalamin ang nangyari sa anak.

Pinilit bumangon ni Trish subalit masakit talaga ang katawan nito. Mukang magkakasakit siya. Hindi na nito pinilit pa ang sarili at muli na lang natulog. Nagtataka naman ang Ina nito kung bakit hindi pa bumababa ang anak. Tanghali na at malelate na ito sa trabaho. Umakyat ito para gisingin ang anak.

“Trish, anak. Hindi ka ba papasok ngayon?” si Mommy Cathy, Nang hindi sumasagot ang anak ay pumasok na ito sa loob. Nakatalukbong ng kumot ang dalaga. Bahagyang niyugyog ng ginang ang kama ng anak. Kumilos naman ang dalaga at inangat ang kumot.

“Ma, hindi yata ako makakapasok ngayon, masama po kasi katawan ko eh.”

Hinawakan naman ng ginang ang noo nito upang malaman kung may lagnat ang dalaga.

“May lagnat ka anak. Sige magpahinga ka na lang. Dadalhan na lang kita dito ng breakfast at ng medicine mo. Matulog ka na lang ulit.”

Pagkababa ng ina ay nagtungo ito sa kusina upang ipaghanda ng almusal ang anak. Ikinuha rin nito ng gamot sa medicine cabinet ang dalaga. Pagkatapos ay tinawagan nito si Patty upang sabihin na hindi makakapasok ang anak.

Sa opisina ay maaga pa ring dumating si Stan kahit iilang oras lang ang tulog nito. May kailangan kasi siyang tapusin na hindi niya natapos kagabi. Nang pumasok ito sa kanilang departamento ay pinakiramdaman nito ang mga empleyado. Gaya ng dati ay nagsisibati ito sa  kanya ng magandang umaga. Mukang wala namang kakaiba sa pagbati ng mga ito. Mukang wala pang nakakaalam ng nangyari kagabi bukod kay Patty, Jeric at Manong Guard. Nang mapadaan ito sa cubicle nina Trish ay nakita nito si Patty subalit wala ang dalaga. Hindi naman tumitingin sa kanya si Patty kaya hindi sya makapagtanong dito. May inabot naman na mga papeles ang kanyang secretary para pirmahan. Dumeretso ito sa opisina at sa halip na sa table nito tumuloy ay sumilip muna ito sa malaking bintana ng kanyang opisina. Nagbabakasakaling makita ang sasakyan ng dalaga ngunit nabigo siya. Napansin naman nito ang kalangitan, may kadiliman mukang uulan ng malakas. Naupo na ito at nagsimulang magtrabaho.

Nang makakain at makainom ng gamut ay bumuti-buti na rin ang pakiramdam ng dalaga. Kinuha nito ang cellphone sa side table at tiningnan kung may mensahe siya. Isang text message ang nakarehistro dito.

Get well soon, Friend

                                    Patty

Nagbrowse pang muli ito sa inbox ngunit walang bagong mensahe kundi ang galing kay Patty. Dati-rati ay text message mula kay Jeric ang agad nyang nababasa sa paggising niya sa umaga, subalit ngayon ay wala. Muli niyang binalikan ang mga nangyari kagabi. Hindi maiwasang mapangiti ng dalaga kapag naalala ang kabaitang ipinapakita sa kanya ni Stan. Habang mas nakikilala niya ang binata ay higit na lumalalim ang pagtingin niya dito. How she wish na ligawan sya ng binata at di naman niya ito bibiguin. Ngunit hindi rin naman niya maiwasang malungkot sa nakitang expression sa mukha ni Jeric. Masakit din sa loob niya na nakikitang nasasaktan ang kaibigan. Alam niyang mali na patuloy pa itong paasahin subalit hindi niya alam kung paano ito tatapatin. Jeric has been so good to her all this time, napamahal na rin ito sa kanya, kaya naman natatakot di siyang lumayo ang kaibigan kapag tinapat niya ito.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon