CHAPTER TWENTY EIGHT: There’s no easy way...
Masaya ang ambiance ngayon sa mansion ng mga Ramos. Ngayon ang ika-60 kaarawan ni Mr. Enrique Ramos, ang ama ni Keith. Madami na rin ang mga dumating na bisita, mga kamag-anak, malalapit na kaibigan at katrabaho. Kadarating lang din nina Trish na very stunning sa red gown nito. Naka-abrisyete ito kay Keith ng pumasok sa malawak na hardin. Kung titingnan sa mga suot at ayos ng mga bisita, masasabi mong kabilang ito sa mga elite pamilya. Naiilang tuloy si Trish na makihalubilo sa mga ito. Kung hind lang boyfriend niya si Keith, ay hindi siya para umatend sa mga ganitong sosyalan. Ngunit kung pagmamasdan ang dalaga ay hindi naman pahuhuli ang angkin nitong kagandahan at elegance. Napapa-second look pa sa kanila ni keith ang mga nadadaanan.
“Dad, we’re here”, bati nito sa Ama na kasalukuyang nakikipag-usap sa bisita nito. Katabi nito ang kanyang asawa.
“Happy Birthday po”, magalang na bati naman ni Trish. Nagbeso pa ito sa matanda.
“Thank you Iha, buti naman at nakarating ka”.
“Thank you din ho sa invitation nyo”.
“Wala yun Iha, Kahit wala kang invitation I expect you to be here”, magiliw na pahayag ng matandang Ramos.
Magaan ang loob nito kay Trish. Hindi naman nagsasalita ang Ina ng binata, alam ni Trish na hindi siya gusto ng Ina ng nobyo. Twice pa lang silang nagkikita nito at ito nga ang pangalawa. Ni hindi ngumingiti ang ginang para batiin siya. Hindi naman lingid ito kay Keith kaya hindi na ipinilit pa ni Keith na batiin nito ang kanyang ina.
“Dad, we’ll just look for our table”, si Keith
“Sige iho... Enjoy the night Trish”.
“Thank you po”, bago tumalikod sina Trish ay sinubukan pa rin itong ngitian ang ina ng binata subalit inirapan lamang siya nito.
Sunod na dumating ay mga magulang ni Stan. Matapos ang mahabang panahon ay ngayon lamang muli lumabas ang mga magulang ng binata para umattend sa kaarawan ng kaibigan. Hindi nito matanggihan ang imbitasyon ng matalik na kaibigan kaya’t kahit may kahinaan pa at tumuloy pa rin ito. Nang pumasok ang mga ito sa malaking hardin ay nakita kaagad ito ng may kaarawan. Nakangiting binati ito ni Mr. Ramos at inakap ng mahigpit ang Ama ni Stan. Tila nasabik na muling makita ang isa’t-isa. Nagbeso-beso naman ang asawa ng mga ito. Sa likod ng mga ito ay ang magnobyong Stan at Dianne. Naka-abrisyete ang dalaga sa nobyo nito na very proud sa pagkakatayo. Very smart ang dating nito at hindi rin maikakaila ang kagandahan.
“Thanks for being here kumpadre”, si Mr.Yap ang unang nagsalita. Halos mangiyak-ngiyak pa ito ng makita ang kaibigan.
“Matitiis ba naman kita, after all the things that you have done for us”, tugon naman ng ama ni Stan.
“That’s nothing kumpadre compare sa pinagsamahan natin”.
“By the way, my son Stanley and her girlfriend”.
“Happy birthday po Mr. Ramos”, magalang na bati ni Stan. Bumati rin si Dianne.
“Happy Birthday po”
“Salamat... I suppose you have already met my son Keith. I hope you could be good friends like us”, si Mr. Ramos na tinapik tapik pa sa balikat ang Ama ni Stan. Ngumiti lang dito si Stan at hindi na nagkumento pa. Hindi nito alam kung mangyayari ang sinabi ng Kaibigan ng Ama.
“Magkukwentuhan na lang ba tayo dito, let’s go to our table at magsisimula na ang program”, yakag ni Mrs. Ramos na kanina pa ngangawit sa kakatayo. Iginiya nito ang mga bisita sa table na nakalaan para dito.
Sa kabilang table naman naupo sina Stan at kasama nila dito ang magnobyong Keith at Trish. Pormal na nagbatian ng dalawang binata at nagngitian naman ang dalawang dalaga. Matapos ang mga pangyayari sa Cavite ay ngayon lang muli nagkita-kita ang apat. Tahimik at tila nagpapakiramdaman ang apat hanggang sa magsalita na ang Emcee, hudyat ng magsisimula na ang programa.