Chapter 11: Stuck On You

625 11 4
                                        

CHAPTER ELEVEN: Stuck on You

Sa isang hindi kilalang restaurant napili ni Jeric na yayaing magdinner si Trish, but it was nice and cozy. Dito sila madalas lumabas kasama ng parents niya when they were still together. It brings back good memories kaya binabalik-balikan niya ito. And he wants to share this place to the special people in his life, like Trish.

Earlier, he texted Trish para sa address ng restaurant and told her that dinner is ready @ 7:00 pm.

Past 7 na subalit wala pa rin ang dalaga. Nag-aalala na si Jeric na  baka hindi nito makuha ang tamang address. Bakit naman kasi dito pa niya napiling kumain. Nakailang tingin na ito sa kanyang relo at panay ang linga sa main door.

Maya-maya ay nakita na nito si Trish na hinanap ang binata. Hawak nito ang cellphone at akmang tatawagan na siya ng mapagawi ang tingin ng dalaga sa direksyon niya. Nakangiting sinalubong ito ni Jeric at gayun din naman si Trish. Hinalikan pa ito ng binata sa pisngi bago igiya sa table nila.

“Sorry ha, nalate ako. Hindi ko kasi masyado kabisado ung lugar eh,” hinging paumanhin ni Trish.

“Ok lang yun... kasalanan ko naman, dito ko pa kasi napiling kumain.”

“But the place is nice, hindi ko alam na may ganitong resto pala dito. What’s with the place, bakit nga ba dito mo pa ako dinala?”

“Well, this place is special. Dito kami madalas kumain ng family ko, and I want it to share with you,” seryosong turan ng binata. Diretso itong nakatingin kay Trish. Hindi naman agad nakasagot si Trish, naiilang ito sa mga titig ni Jeric kaya siya na unang nagbawi ng tingin. Nahalata naman ito ni Jeric kaya muli itong nagsalita.

“Anyway, let’s have our order. I’m starving,” at tinawag nito ang waiter na kanina pa nakatingin sa direksyon nila. Matapos maibigay ang orders ay muling nagsalita si Jeric.

“So how’s your day? Balita ko isinama ka ni Stan sa site,”

“A oo, we went to Cavite para tingnan ung location ng bagong project niya.”

“Really, e bakit isinama ka?”

“Kasalanan mo kaya!”

“Ha?! Bakit ko naman naging kasalanan?” nagtatakang tanong nito

“Ikwento daw ba sa kaibigan niya yung about sa sketches ko!”

Hindi naman agad nakuha ni Jeric ang ibig sabihin ni Trish. Hanggang sa maalala niya noong humihingi pa lang siya ng favor sa kaibigan na payagang mag-intership si Trish at Patty sa company nito. Nabanggit niya na magaling ang mga sketches ni Trish.

“Ah, yun ba? ... E magaling ka naman talaga eh.”

“Sige bolahin mo pa ako... Baka naman strategy mo lang yan para ako magbayad ng kakainin natin,” biro nito sa binata. Nagkatawanan naman ang dalawa.

“Of course not, treat ko to. Ikaw lang naman walang bilib sa sarili.”

“Oo na.... teka maiba tayo. Bakit bigla ka na lang nawala noong gabi ng concert. Sabi mo saglit ka lang pero hindi  kana bumalik.”

“Bumalik ako, kaya lang bigla naman umulan and the last thing I know e nagtatakbuhan na ang mga tao. Hindi ko na kayo nakita. Hindi ko naman kayo matawagan kasi namatay na ung battery ko. Saan na ba kayo nagpunta ‘non?”

Hindi agad nakahuma ang dalaga. Muling nanariwa sa isipan niya ang mga nangyari nang gabing iyon. That was the night when Stan kiss her and it was a magical night for her.

“Trish?,” si Jeric na napansin ang pagkatulala ni Trish

“Ha?”

“Ang sabi ko, saan na kayo nagpunta after ng concert?”

I'm Into YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon